CASSY POV.
"Iniintay ka." Sagot niya.
"Why?" I asked.
"Masama ba?" Sagot ng mokong.
Hindi ko na lang siya pinansin instead nag lakad na lang ako, but suddenly hinwakan niya yung braso ko.
"Are you okay?" Tanong niya.
"Ano bang pake mo?!" Ewan ko. Bigla na lang akong nawala sa mood.
"I'm just asking!" Sigaw niya pabalik saakin.
"Asking mo mukha mo! Bahala ka diyan!" Sagot ko at kumawala na sa pagkakahawak niya sa braso ko.
"Asking niya mukha niya! Tssss.... Anong pake niya kung okay ba ako o ano?! Hayst! Eh ano ba ding pake ko sakanya? Bakit ko siya pinaga-aksayahan ng panahon na isipin?! Peste talaga yun katulad ng gf niya!" Sigaw ko... Saan? Ewan. Sa sarili ko lang.
Naglalakad ako sa hallway ng makita ko si ex. I mean new ex.
"Sweetheart ayos ka lang?!" Tanong niya saakin.
"Sweetheart mo mukha mo! Break na tayo nakakasawa ng makita yang pagmumukha mo. Araw araw na lang yan ang bumubungad sakin eh." Astig ng sagot ko 'no? Nasagot ko talaga yung tanong niya.
"Te-teka... Seryoso ka ba?" Tanong niya.
"Mukha ba akong nagbibiro?! Umalis ka na nga lang diyan!" Sabi ko sabay tabig sakanya. Mahina lang wag kayo mag alala hindi naman siya natumba.
Nag lakad na lang ako palayo. Maka punta na nga lang sa library. Haysstt... *inhale exhale* Okay... Pasok na ko. Maka pag basa na lang ng topic namin mamaya sa history. Bait ko talagang bata.
Ngayon naka upo na ako at nagbabasa. Mga ilang minuto na ako na babasa nakakatamad. Nag hikab muna ako nag stretch ng biglang....
*Click*
(A/N: pagbigyan niyo na po ako XD hindi po ako expert sa mga sound effects na yan hehehehe.)
Napatingin naman ako at nakita ko si Leona na hawak ang cellphone niya at tawa ng tawa. I know it.
"Buburahin mo yang epic na picture ko sa cp mo o buburahin kita sa mundong 'to?" Tanong ko sakanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/84817635-288-k362570.jpg)
BINABASA MO ANG
Destined For Each Other
Teen FictionJames Gomez, is a playboy and also a bad boy. Madami na siya naging girl friend pero maski isa walang tumagal. I mean Babae pala hindi girlfriend. Pero meron nga siyang girlfriend dati. First girlfriend. Siya si Chloe siya lang ang babaeng tumagal s...