Chapter 3: Tutor

821 27 0
                                    

CASSY'S POV.

Hays... hindi ko parin alam yung tinuro sa math kahapon... bagsak na ako neto... makapasok na nga lang ng maaga para mag aral dun.

Naligo na ako agad at kumain.

"Ma alis na po ako." Aba?! Gising narin si kuya? ang aga pa ah.

"Bakit ang aga mo?" Tanong saakin ni kuya.

Wala dito si mama pero may nakadikit sa refrigerator namin.

Calvin,

     Calvin ikaw muna ang mag bantay sa kapatid mo ah... Mag gogrocery muna ako tas may pupuntahan pa ako kaya ikaw muna bahala sa kapatid mo.

Lovelots, Your Mom

Kaya pala wala si mama ngayon. Si papa naman nasa abroad nagtatrabaho para saamin. Parehas silang mahal na mahal ko.

"Eh kasi... may pag-aaralan ako eh." Psh! ayaw pa ako papasukin ng maaga first na nga lang to and last time narin siguro... siguro lang.

"Pwede namang dito ka mag-aral ah?" Ayaw niya nga ako papasukin ng maaga. Ano naman akala niya saakin papasok ng maaga para saan? sa kung ano-ano?

"Eh basta bye na sabihin mo na lang kay mama na umalis na ko!" Sabi ko habang papalakad na palayo.

Si kuya talaga anong akala niyang gagawin ko dun? totoo naman na mag-aaral ako diba?

Nakarating na ako sa school pumunta agad ako ng library. Doon makakapag-aral ako ng maayos kasi walang maingay. Halos wala pa ngang tao eh konti pa lang.

Umupo na ako sa table. Binuksan ko yung libro ko kung saang page yung iquiquiz mamaya. Sana naman magets ko na ito. Kaso ilang try ang ginawa ko para magets pero hindi ko parin gets. Hay buhay... Nilapag ko na lang yung ulo ko sa libro ko. May biglang dumating...

"Hoy bawal matulog dito sa library." Pagkakita ko si James. 

"Hindi naman ako natutulog ah..." hahaha uy kausap ko siya!

"Ano bang minumukmok mo diyan?" Tanong niya saakin.

"Eh kasi hindi ko alam kung pano yung logarithmic expression eh." Natawa na lang siya saakin.

"Ang dali-dali lang kaya niyan! sisiw!" Natatawang sabi niya saakin. Para sayo madali saakin hindi. Umiwas na lang ako ng tingin.

"Gusto mo turuan kita? expert ata ako diyan." Nakangsing sabi niya saakin.

"Sus! expert expert maniwala sayo." Expert daw... hahaha expert siya sa kagwapuhan pero dito sa math? tingin ko hindi eh.

"Oo nga... kung ayaw mong maniwala hindi kita pinipilit." Oo na naniniwala na po ako.

"Oo na... naniniwala na po." Sagot ko sakanya.

"Halika turuan kita..." What?! tuturuan niya ako?! Omg!

"Seryoso ka tuturuan mo ako?" Takang taka kong tanong sakanya.

"Oo nga ang kulit mong bruhang nerd ka." Ayoko ng sinabi niya ah! so bad niya talaga.

"Wag mo akong tatawaging nerd at wag na wag mo rin akong tatawaging bruha." Hmp! Pabebe lang? hihihi

"Ok" Yes hindi niya na ako tatawaging bruha o nerd. "Mangkukulam na lang." What?! hala! bwisit talaga siya! pero cute parin siya hehehe. Mas malala pa yun sa bruha.

Destined For Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon