Chapter 10: I'm Mad

522 20 3
                                    

CASSY'S POV.
Ano kaya ang reaction ng mga kaklase ko kapag bakit nila ako? Magulat or wala lang? Makaligo na nga lang malalaman ko rin naman mamaya kung ano ang reaction nila eh.

*School*

Naglalalakad na ako sa hallway. Nakita ko yung mga lalaki nakatingin sila saakin. May Mali ba saakin ngayon? Tas may biglang lumapit na isang lalake saakin.

"Hi miss bago ka ba dito?" Nakangising tanong ng mokong saakin.

"Hindi.." Sabay hila niya saakin papunta sa pader.

Myghad Ano gagwin nito? Sasapukin ko to eh! Nilagay niya rin ang dalawang kamay niya sa pader para hindi ako makaalis. Papalapit yung mukha niya saakin... hindi pala sa tainga lang pala. May binulong siya saakin.

"Your so damn beautiful." Napalunok na lang ako sa sinabi niya at napapikit.

Wooh! Kung sino man ang dumating siya prince charming ko sana nga. Napadilat ako nung may biglang tumunog parang mag nahulog sa sahig. Tiningnan ko totoo nga may nahulog nga sa sahig.

"Don't you ever touch my friend." Seryosong sabi ni James with a death glare.

Natakot ang lalaki kay James. Bad boy kasi eh buti nga isang sapak lang na abot nun kay James. Sabay lapit saakin ni James.

"Ok ka lang?" Wow concern hah?

"Ah... Oo. Salamat ha." Nakangiting sabi ko.

"Next time kasi wag nang lumalandi." Sinamaan ko siya ng tingin! Bwisit siya! Sana hindi na lang ako nagpasalamat. "Joke lang! Peace yow!" Sabay tawa niya.

Anong nakakatawa dun?! Hays! Peace yow peace yow pa siya. Hmp! Manigas siya. Galit ako ngayon sakanya. Kahit pa na gusto ko siya naiinis rin ako sakanya.

"Anong peace yow peace yow ka diyan! After mong sabihin na lumalandi? Manigas ka dyan hindi kita papansinin." Sabay tulak ko sakanya at umalis.

"Ok." Ayun ang huling sagot niya na narinig ko.

Pumasok na ako ng room at nakita ko siya dun. Cassy tandaan mo... Galit ka sakanya ha? Okay... Papasok na ako. Just act na walang nagyari or just act nung hindi pa kayo friends.

Umupo na ako sa upuaan ko pero kamalasan binago yung seatplan at naging katabi ko si James. Hays! Just act natural okay?!

"Pst! Xander hindi muna ako sasabay mamaya ah may 'ayaw' kasi akong makita doon." Sabi niya kay Xander. Sige parinig pa more James.

"Sino naman ang ayaw mong makita doon?" Tanong ni Xander.

"Ah basta! Pakisabi na lang kay Ma'am Ruzzel na masakit ang ulo ko pero mag di-ditch lang talaga ako ng class." Sabay walk out niya.

Destined For Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon