Chapter 23: Bestfriend's Confession

402 15 1
                                    

XANDER POV.
Hi! It's my first pov! hihihi. Okay by the way. May ishashare lang ako sainyo. May gusto ako sa isang babae na hindi man kagandahan sa iba para saakin siya ang pinakamaganda. Pero biglang nag transfrom siya. Sumobra ang ganda niya. Kung irarate ko siya 1-10. 11 kasi sobrang ganda niya na talaga ngayon. Dati siyang buhaghag ang buhok at may makapal na salamin. Kahit mag suklay siya hindi parin nababawasan ang pagkabuhaghag ng buhok niya. Pero nung basa pa ang buhok niya syempre straight pa.

Kaso nga lang nasa huli ang pagsisisi. Kasi may boyfriend na siya at mahal niya yun. Alam kong alam niyo na 'Masakit mag mahal ng taong hindi ka mahal, lalong lalo na may mahal na iba  at bestfriend mo pa.' Truth hurts nga talaga. Pero saakin mas okay na siya ang piliin niya or in other owrds ang mahal niya. Kaysa naman saakin na hindi niya mahal. Mas okay na din saakin na masaya siya sa iba kaysa saakin na... wala malungkot, kasi nga hindi ako ang mahal niya. Mas okay rin na siya ang sumaya kaysa ako. Kung saan siya masaya, masaya narin ako para sakanya... kahit masakit.

Ang drama ko talaga kahit kailan. Hehehe pag pasensyahan niyo na drama ko ah. Ganito lang kasi talaga ang nag mamahal sa taong may mahal na iba. Hay bakit ba kasi ang tanga ko hindi ko inamin sakanya nung 2nd highschool pa kami na gusto ko siya? Torpe kasi. Tapos ngayon nag sisisi ako dahil may boyfriend na siya. Hays ang dami kong dada dito. Makapasok na nga lang. Ang teka! Sabihin ko na ba sakanya o wag? Hay bahala na lang mamaya kung masabi ko edi masabi ko. Pasok na nga ko.

Nag drive na ako papunta sa school namin. Maaga akong pumasok ngayon at hindi ko alam kung bakit. Pumunta na muna akong canteen para kumain.

"Wahhh! andito na siya!"

"Ang pogi niya talaga.."

"Bakit kaya wala pa siyang girlfriend?"

"Ano kaya type niya? Sana yung mga katulad ko."

"Ako type niyan hahaha!"

"Ang powgi talaga myghad! I can't breath!"

"Nakakamatay ang kagwapuhan niya!"

"Akin ka lang!"

"Akin yan! Selena. Wag ka mang agaw. Hahaha!"

"Oo nga, maghanap ka na lang ng iba... kung makakahanap ka pa hahaha!"

"Mga baliw!"

Yan lang naman ang ilang narinig ko habang papunta sa canteen. Hindi ko na lang sila pinansin. Sanay na ako sakanilang malalandi. Yah, Malalandi kasi lagi na lang silang ganyan. Kahit mismo sa harap ko. May nahimatay pa nga dati saakin eh. Sa kilig.

"Isang burger nga po." Sabi ko kay manang na natitinda sa burger station.

Then nag luto na siya ng burger at tada! Sarap! Hahaha! Takaw man! Bigla ko namang nakita si Daniel.

"Oy pre!" Bati niya saakin sabay tapik sa likod. Tinapik ko rin siya sa likod.

"Samahan mo nga ako bumili ng pagkain." Ayy... Isa pa 'to eh. Isa pang matakaw.

"Sige." Sagot ko.

Ayun bumili na nga siya at ang dami niyang binili. Sandamakmak. Umupo na muna kami sa upuan. Then biglang kumirot ang puso ko dahil mag kasama sila. Sakit. Sabihin ko na ba ang nararamdaman ko para kahit papaano at gumaan ang pakiramdam ko? or Alis na lang ako para hindi ako maka istorbo sa kanila?

CASSY POV.
Ngayon naandito na kami ni James sa school. Yash shabay kami pumasok. Hihihi. Hinalikan niya nga ulit ako sa pisngi eh. SHARE KO LANG PO. Baka kasi sabihin niyo ano pake ko. Ngayon nag lalakad kami papuntang Canteen. Nagugutom daw kasi siya eh hindi daw siya nag breakfast. We have 30 minutes pa naman before time.

Destined For Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon