Chapter 25: Miss Understanding

322 15 1
                                    

JAMES POV.

"Susundan ko lang siya." Sabi ni Cassy saakin.

"Masyadong concern." Bulong ko.

Sinadya ko talagang laksan pano ba naman kasi ang concern! Pero okay lang naman maging concern ah? Friends naman sila, pero bakit kailangan niya pang sundan eh pinaalis nga.

Tumakbo siya papunta sa pintuan, pero bigla siyang napatigil nung nasa harap na siya dahil sa sigaw ni Sir.

"Where you will go Ms. Morgan?!" Galit na tanong sakanya ni Sir.

"Susundan ko po siya." Sabi niya kay sir na ikinaiinis ko.

Bakit ba nga kasi kailangan niyang sundan?! Ano ba siya aso ni Xander para sundan?!

"Kayo wag niyo kong ginaganyan katulad nina Mr. Collinson at Ms. Morgan!" Galit nga talaga si tanda.

"Lalo na si Mr. Collinson, walang modo!" Dagdag pa niya.

Ano naman kayang gagawin ni Cassy at talagang sinundan niya pa? Si tanda naman nag didiscuss pero hindi ako nakikinig. Nakakatamad makinig eh bakit ba? Wala kayong pake. Dada siya ng dada doon sa harap ng bigla niya akong tawagin.

Its my time to shine. Goodbye classmates Lalabas na ako. Alam ko namang hindi ko masasagot ang tanong niya dahil hindi nga ako nakikinig diba?

"Mr. Gomez! Stand up!" Galit si tanda kaya tumayo din ako.

"Anong sinasabi ko kanina?!" Tanong niya.

Ano nga ba? Ang alam ko na...

"Mr. Gomez..Stand up po sir..." Sagot ko.

Yun naman talaga yung sinabi niya diba? Buti pa nga ako nag po-po eh.

"Stupid answer! Get out!" Sigaw niya sa pagmumukha ko.

Madali naman akong kausap eh. Kaya yan lumabas na ako ng pinto at padabog ko itong sinara, para masaya.

Hindi sa kalayuan nakita ko si Cassy na nakagawak sa magkabilang balikad ni Xander. Is she cheating on me?! No..no..no.. Hindi niya magagawa yun, I trust her.

Nag tago ako sa pader....at pinakinggan ko sila. Anong kayang pinanguusapan nitong mga 'to?

"Ano bang problema mo?! Bakit ka ba nag kakaganyan!" Sigaw niya kay Xander habang nakahawak sa magkabilang balikat nito.

Umiwas muna siya ng tingin kay Cassy bago sumagot, "Hindi ko alam." Mukha siyang yelo sa sobrang cold.

"Anong hindi mo alam?!" Nakahawak parin siya sa magkabilang balikat ni Xander.

Maka alis na nga lang baka makita pa nila ako dito. At saka baka rin may marinig pa akong hindi maganda.

Naglakad na ako pababa ng canteen. Ikakain ko na nga lang muna 'tong problema ko.

Umorder muna ako ng sundae with fries. Perfect combination... For me. Kinain ko yun atsaka umalis din. Pumunta muna ako sa park ng campus at saka umupo sa bench.

Destined For Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon