Chapter 24: Bestfriends?

281 12 0
                                    

CASSY POV.
Nagpunta ako sa canteen baka naandun siya. Pero wala pumunta naman ako sa playground wala din. Pumunta naman ako sa gym at wala parin! Saang lupalop ba ng campus yun tumambay? Nag ikot ako 1st to 6th floor. May elevator naman kaya hindi ako pagod na pagod. PERO WALA PARIN SIYA! Where na ba you? Ay wait.. Teka lang, may hindi pa pala ako napupuntahan ah. ROOFTOP! Baka naandun siya.

Pumunta na nga ako ng rooftop and andun nga siya. Ayun naka upo sa bench habang nakatingin sa langit. Lumapit ako sakanya at iniharap ang mukha ko sakanya. Tiningnan ko yung mukha niya walang reaksyon! >_<

Bigla naman siyang nagsalita, "Anong ginagawa mo dito?" Cold parin siya saakin.

"H-hinahanap ka." Sabay tingin ko sa langit.

"Bakit mo naman ako hinahanap?" Nakangising sabi niya.

Bakit ko nga ba siya hinahanap? At bakit rin ba siya nakangisi? Bipolar nitong lalaking 'to.

"E-eh k-kasi nag-aalala ako s-sayo eh." Bakit din ba ako nauutal?

"Halika nga dito." Sabay hila niya saakin papunta sa bench at niyakap niya ako.

"You know, hindi naman ako galit sayo eh. Galit ako sa sarili ko." Sabay tingin niya saakin at ngumiti.

"Bakit ka naman galit sa sarili mo?" Tanong ko.

"Wala yun!" Sabay gulo niya sa buhok ko.

"Ano nga?" Tanong ko ulit.

"Wala nga yun. Pwede bang maging friends tayo?" Tanong niya.

"Friends naman tayo ah..." Sabi ko sakanya.

"P-pwede bang b-bestfriends?" Nahihiyang sabi niya.

"Oo naman! Bakit naman hindi?" Masayang sabi ko sakanya.

"Salamat." Masayang sabi niya.

"Kahit wala kang feelings saakin okay lang atleast bestfriends na tayo." Dagdag niya.

"So, okay na tayo?" Nakangiti kong tanong sakanya.

"Hindi nga ako galit sayo okay? Kaya ok talaga tayo." Sabay pinasandal niya yun ulo ko sa balikat niya.

"Balik na tayo?" Tanong ko.

"Wag muna paalisin muna natin yung lecturer natin." Sagot niya.

Destined For Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon