Chapter 6: Here Comes Friday

621 29 18
                                    

CASSY'S POV.

Bakit ganun parang nabawasan ako ng kilig nung nakipag friends siya saakin? Anyare? Pero syempre nangingibabaw parin ang sobrang kilig ko haha. Hindi pa nga pala alam ni Anna na friends na kami ni James. Masaya pala siyang kaibigan kahit bad boy siya. Hindi naman pala lahat ng bad boy ay totally bad boy. Yung iba mabait din katulad ni James. Makapasok na nga ako friday na ngayon masaya yun.

Bumaba na ako ng hagdanan nakita ko si kuya ang sama ng tingin saakin. Anong meron? May nagawa ba akong kasalanan?

"Kuya bakit ganyan ang tingin mo sakin?" Nakataas ang isang kilay ko habang sinasabi sakanya. Umiwas lang siya ng tingin saakin.

Lumapit saakin si Mama na dala ang baon ko. Kinuha ko naman yun.

"Hayaan mo na yang kuya mo diyan may naghihinatay sayo sa labas kaya bilisan mo." Sabi saakin ni mama sabay inabot niya yung baon ko saakin.

"Po? Naghihintay? sino naman po ang maghihintay saakin? Si Anna?" Ang dami kong tanong sa isip ko sino naman?

"Classmate mo daw siya lalake. Bagay nga kayo eh." Sabay kindat saakin ni mama. Hay... Mama talaga.

"Sige po ma labas na ako." Sabi ko kay mama bago lumabas ng pinto. Tinginan ko rin ulit si kuya ang sama parin ng tingin sakin. Ano ba nagawa ko? Sino kaya yung lalakeng yun?

Pagkalabas na pagkalabas ko palang nakit ko na yung lalake. Nakatalikod siya kaya hindi ko nakita noong malapit na ako humarap siya at siya ay si James?! what? bakit siya naandito? nanaginip ba ako? Sampalin ko nga sarili ko. Ouch! huhuhu sakit ng sampal ko.

"Bakit mo naman sinampal ang sarili mo ha?" Natatawa niyang sabi.

Kinamot ko muna ang mata ko at tiningnan ulit siya. Totoo nga siya. I mean totoo ngang naandito siya pero bakit?

"Para ka kamong bata diyan na hindi makapaniwala sa nakikita." Nakangising sabi niya saakin na parang natatawa rin. Malakas topak nito ngayon.

"T-teka bakit ka naandito?" Tanong ko sakanya.

"Masama bang ihatid kita eh friend naman tayo ah?" Sabi niya saakin.

"Ok pero sabi mo diba susunduin mo lang ako? hindi ihahatid?" Tanong ko ulit sakanya.

"Nah... napaaga ako ng gising eh nakita ko ang aga ko ding aalis kaya naisipan kong sabay na tayong pumasok." Nakangiti na naman siya. Ang lakas niyang ngumiti ngayon hah?

"Ah... ok." Sabay akbay niya saakin. Yieeee! Gusto kong tumili kaso mahahalata niya na may gusto ako sakanya. Pero patay yung mukha ko baka namumula.

"Bakit namumula yung mukha mo Cassy? Kinikilig ka ba?" Nakangiti siya saakin yung ngiting pang-asar.

"Ah ako? bakit naman ako kikiligin?" Bwisit napansin niya pa yun? Malamang naman kasi may mata siya.

"Psh! kunware ka pa." Oo na kunware na kung kunware

Hinatid niya ako haggang sa front seat pinagbuksan niya ako ng pinto. Wow Gentleman ang friend ko oh hahaha.

"Gentleman ng friend ko oh!" Natatawa kong sabi sakanya. Ngumisi lang siya saakin at pumunta na sa drivers seat.

Tahimik lang kami hanggang nakarating na ng School. Tinanggal ko ang seatbelt ko tinanggal niya narin yung sakanya. Sabay kaming bumaba. Yung iba napatingin saamin siguro nagtataka sila kung bakit ko siya kasama. Buti basa pa buhok ko naging Ligo lang kasi ako kaya may pagkastraight pa siya pero kapag natuyo imemessy bun ko na lang para hindi halata yung pagkabuhaghag ko.

Destined For Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon