"Ma ano po yang handa?" Tinatakam ako ng amoy ng pagkain.
"Carbonara, spaghetti, cake, Fries, kare-kare at also hindi mawawala yung rice no? Hindi ba baby ko?" Nakangising sabi saakin ni mama.
Mama talaga inaasar ako ng matakaw. Oo na, alam ko na matakaw na ako. Who cares naman? Sarap kaya kumain. Sabi nga ni Anna 'Food is life'. Without food we can't be alive.
Kung andito si Kuya dagdag asar ako ngayon kaso wala yun tulog sa kwarto niya. Tamad talaga niya.
"Mama talaga." Nakasimangot kong sabi. Natawa lang saakin si mama. Mama ko talaga ang sayahin.
*ding dong*
"Ma ako na po ang mag bubukas ng pinto baka po sila na yun." Tumango lang saakin si mama at pumunta na ako sa pintuan.
Pag bukas ko ng pintuan at Nakita ko na nga si James, Xander, Anna, at si Ate Jenny. May mga regalo pa sila hah? Hindi ko naman birthday para regaluhan pa nila, pero thanks narin no.
Wala sina Cris at Daniel kasi wala sioa sa pageant kanina kaya hindi sila nainform na may celebration dito sa bahay. Minsan ang weird nung dalawang yun. Minsan nawawala ng parang bula na lang.
"Thanks guys." Sabi ko habang binibigay nila saakin ang regalo. Later ko na lang titingnan kung ano laman nun.
"Kakain na ba? Gutom na ko eh." Natawa kaming lahat kay Xander. Ang takaw niya talaga.
"Oo, kaya wag ka na mag alala diyan sa tiyan mo mapupuno din yan mamaya." Natatawa kong sabi kay Xander.
Pumunta na kami sa dining. Yung mukha ni ate Jenny nung nakita niya yung fries. Nakakatawa tapos bigla siyang lumapit sa fries at kumuha ng fries syempre. Ang dami niyang nakuha hindi halatang favourite niya ang fries no? Si Xander naman kuha ng carbonara kuha ng spaghetti tas cake tas fries tapos kinuha din siya ng juice. Hindi kumain ng isang taon?
"Hindi lang kumain ng ilang taon?" Pang-aasar ni James kay Xander. Parehas din pala kami nang akala.
"Hindi ba pwedeng masarap lang talaga kumain. Sabi nga ni Anna food is life." Tumingin siya kay Anna, "Diba?" Tanong niya.
Tumango lang si Anna, "Oo, food is life." Nakangiti niyang sabi. Halata namang kinikilig siya eh.
Kumain na kaming lahat. Sarap talaga mag luto ni mama. Si ate Jenny walang ibang kinain kung hindi fries lang.
Pumunta kami sa sala at umupo sa sofa. Pagkaupo namin sa sofa narinig kong bumukas at sumara ang pinto. Sa palagay ko gising na si kuya. May nakita na akong paa at hanggang sa nakababa na siya. Tama ang hinala ko si kuya nga. May iba pa bang tao sa taas maliban kay kuya para maging mali ang akala ko?
BINABASA MO ANG
Destined For Each Other
Teen FictionJames Gomez, is a playboy and also a bad boy. Madami na siya naging girl friend pero maski isa walang tumagal. I mean Babae pala hindi girlfriend. Pero meron nga siyang girlfriend dati. First girlfriend. Siya si Chloe siya lang ang babaeng tumagal s...