Chapter 45: They Are Back

197 5 0
                                    

JAMES POV.

"Libre na kita." Sabi ko at hinila na siya papunta sa nagtitinda ng ice cream.

"Yes!" Masayang sigaw niya.

"Manong 2 nga pong cookies and cream." Sabi ko.

"2? Ang takaw mo naman!" Huh? Akin dalawa? Hindi ah.

"Isa sayo." Sagot ko.

"Ah... eh... ayoko na kasi ng cookies and cream eh. Sawa na ako dun." Sabi niya.

Bakit naman kaya? Dahil ba ang lagi naming kinakain na flavor ng ice cream ay cookies and cream at sa cookies and cream na yun ay may nakaraan? Wag ko na lang nga tanungin kung bakit.

"Ah sige... Eh anong gusto mo ngayon? Vanilla?" Tanong ko.

"Ayoko. Chocolate nalang." Sagot niya.

Dati ang pinakahate niyang flavor ng ice cream ay chocolate. Wala na talaga akong alam sakanya. Hindi ko na alam kung ano ang flavor ng ice cream ang gusto niya pati flavor ng cake baka hindi ko na rin alam. Hindi ko na din alam kung kaya niya pa akong mahalin ulit. Sinayang ko kasi yung pagakakataon ko dati. Totoo talaga yung 'nasa huli ang pagsisisi'.

"Ah... sige. Manong isang cookies and cream at choclate."

"Sige! Upo na muna ko sa bench hehe... padala na lang rin nung akin. Salamat!" Nakangiti niyang sabi.

Yung ngiting yun... matagal ko ng hindi nakita yun. Mayroon na kaya siyang mahal na iba? Kaya, kaya niya na ulit ngumiti ng ganon? Huli na ba talaga ako?

'Paranoid mo HAHAHAHAHA!'

Sige lang utak! Asarin mo pa ko sige! Naiiyak na nga ako dito tas tatawanan mo ko?

"Iho!"

"Po?!"

'Wow... nag po! Hahahaha himala ata!'

Manahimik ka na utak. Please.

"Yung ice cream mo iho... matutunaw na ata, pero mas matutunaw ata yung babaeng tinititigan mo." Pang aasar ni manong.

"Huh? Sino manong?" Tanong ko sabay kuha na rin sa ice cream.

"Yung babaeng nakaupo sa bench. Kanina ka pa kaya nakatitig sakanya! Magka ano-ano ba kayo?" Tanong ni Manong.

"Ammm... hindi ko po alam eh." Sagot ko habang nakatingin sa tumutulong ice cream.

"Anong hindi mo alam?" Tanong ulit ni Manong.

"Ah... wala po yun manong. Eto po yung bayad sa ice cream." Sabi ko sabay abot ng bayad.

"Wag na... libre kona yan sainyo." Nakangiti niyang sabi at naglakad na paalis.

Naglakad na lang ako papunta kay Cassy. Hawak niya ang cellphone niya at parang masaya siya habang nakatingin sa screen. Satingin ko may kachat siya na iba na nakakapagpasaya sakanya.

'PARANOID HAHAHAHA!'

"Sabing tumigil ka na eh!"

Hala putek! Napalakas! Peste ka talagang utak eh 'no?

"Ako ba sinasabihan mo?!" Nakakunot noong tanong niya.

Patay! Mamaya magalit siya saakin. Medyo okay na nga kami eh.

"Hin---"

"Teka diba galit nga pala ako sayo? Akin nga ice cream ko!" Sabi niya sabay tayo at kuha sa ice cream niya.

Destined For Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon