Chapter 34: Betrayal

332 11 3
                                    

MANY.FOUL.WORDS.HEHEHE.

CASSY POV.
Hindi na ako nag emote sa lugar ko at sumugod ako sakanya at sinampal ko siya. Hindi ko na kayang makita ang nakikita ko ngayon. Sobrang sakit eh. Mga traydor!

"Ang sabi mo! Ang sabi mo hindi mo na uulitin! Pero ano 'to ngayon hah?! Ngayon wag mo sabihing siya ang humalik! Kitang kita ng dalawang mata ko... Kitang kita ko na hinalikan mo siya!" Hindi ko na napigilan ang emosyon ko at napaiyak na ako ng tuluyan.

"James! Alam mo yun? Nakaka-dalawa ka ng kaso saakin ngayon pa lang? Una yung hinalikan ka ng babae at ngayon ay hinalikan mo siya! How could you?!" Dagdag ko pa.

"C-Cassy?" Nagatatakang tanong niya.

"Oo, si Cassy na nagpakatanga sa isang playboy at bad boy na katulad mo." Sabi ko at pinunasan ang luha ko.

"A-ang akala ko I-ikaw siya... Nag hallucinate pala ako..." Paliwanag niya at bigla siyang tumingin sa katabi ko.

Tiningnan ko ang katabi ako at... Shit! Bakit ba ganito ang buhay ko?! Ang mga mahal ko sa buhay o ang mga malalapit pa saakin ang mga nagtataksil saakin. Sarili kong best friend napagtaksilan ako.

"Uggghhh!!!" Sigaw ko at napaupo sa sahig at tumu-tulo na naman ang mga luha ko.

Nakita ko siyang papalapit saakin, "Wag kang lalapit...." Halos pabulong ko na sabi pero hindi siya nakinig. Lumapit parin siya saakin at niyakap niya ako.

"Bitiwan mo ko." Utos ko sakanya.

"Ayoko... Please... I'm sorry. I'm really really sorry." Sabi niya at umiyak.

'Wala na akong pake. Sobrang sakit na eh. Kailangan ng tigilan.'

Tinulak ko siya ng buong lakas na natitira ko. Naitulak ko nga siya at napa-upo siya sa lupa. Halata sa mga mata niya ang sakit, gulat, at inis. Siguro inis sa sarili niya.
Hindi ko na kaya...

"Wow! Hallucinate! Big word! Dami mong alam, pero ang feelings ng iba hindi mo alam! Grabe!" Sabay tumawa ako nang malakas pero nag seryoso ulit ako at tumingin ulit ako sakanya.

'Baliw na ata ako. Nakaka baliw din pala ang pag-ibig no? Sana hindi na lang ako umibig ulit, para hindi na ako masaktan ulit. Ang tanga tanga mo kasi Cassy eh. Ang tanga tanga mo!'

"Best friend ko pa talaga ang hinalikan mo! Bwisit kang hayop ka! Hayop! Traydor! Manloloko! Tang*na mo!" Sigaw ko sakanya at tumayo ako para paluin siya ng bag ko.

Destined For Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon