Chapter 5: Detention

607 26 0
                                    

JAMES' POV.

Naglalakad kami ni Cassy papuntang Detention. Minsan napapatingin ako sakanya at pagnapapatingin din siya saakin ay napapaiwas kaming dalawa. Hindi ko nga alam kung bakit ako napapatingin sakanya eh. Wala naman akong gusto sakanya.

Nakarating na kami sa detention pagkapasok na pagkapasok pa lang namin ang dami ng tao at ang tahimik dahil sa nagbabantay.

"Saan mo gustong umupo?" Tanong ko sakanya.

"Ah eh kahit saan na lang." Naiilang parin siyang kausapin ako eh friends na nga kami.

"Kahit sa sahig o sa table?" Pamimilosopo ko sakanya.

"Hindi ibig kong sabihin sa kahit anong upuan." Psh! alam ko naman yun namimilosopo lang ako.

Naupo na lang kami doon sa bakanteng upuan sa likod sakto para saamin. Pagkaupo namin nag tanong ako sakanya.

"Ilang taon ka na ba?" Tanong ko sakanya. Hindi ko akam kung anong pumasok sa isip ko at yun ang natanong ko.

"ano.. 17" Uy same age pala kami?

"Ah ok..." Matchy matchy kami haha minsan mukha rin akong isip bata kahit na may pagka bad boy.

"Ikaw ilang taon ka na ba?" Tanong niya saakin.

"Same as yours." Tumango na lang siya at ngumiti.

Mga ilang minuto kami tumahik mga siguro 15 minutes. Nakatitig lang siya sa binatana para bang may malalim na iniisip. Binasag ko ang katahimikan at nagtanong na naman ako sakanya.

"May problema ka ba?" Tanong ko sakanya.

Tumgin siya saakin,"Ah wala naman bakit mo na tanong?" Nagtataka yung mukha niya.

"Kasi parang ang lalim ng iniisip mo eh." Nakatigin ako sakanya habang sinasabi yun.

"Ah inenjoy ko lang kasi yung view dito." Sagot niya habang nakangiti at sabay iwas na ng tingin saakin at tumungin siya sa bintana.

"May crush ka ba? Or gusto sa isang tao? Dito sa school." Tanong ko sakanya. Para siyang naistatwa sa sinabi ko at sabay namula. May masama ba akong nasabi at naistatwa siya? At saka bakit siya namumula? Meron nga siguro haha!

Hindi siya makasagot sa tinanong ko hayaan mo na nga hindi ko na lang siya pipilitin.

"Okay lang kung ayaw mo sabihin." Ngumiti na lang ako sakanya. Bigla siyang tumingin at ngumiti rin siya saakin.

After 1 hour...

Time na pala para lumabas dito sa detention. Hindi ko first time dito sa detention hindi naman halata diba?

"Time na pala halika na uwi na tayo hatid na kita." Sabi ko sakanya. Wala namang masama kung ihatid ko siya diba? Kasi friends na naman kami eh.

"Ha? Ihahatid mo ko? Wag na nakakahiya." Sabi niya saakin na parang nakakita ng multo.

Destined For Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon