Chapter 35: The Breakup

313 12 4
                                    

CASSY POV.
Ngayon. Itatry kong pumasok. Pero hindi whole class. Ayokong makita ang mga traydor ng matagal. Papasok lang ako para i-confirm sakanya na... Wala na kami. Sigurado na ako sa decision ko.

Ngayon habang nag bibihis ako bigla akong may nakitang kumikislap. Ayun pala yung binigay niya saakin nung birthday ko... Yung bracelet at necklace na may infinity sa gitna. Isosoli ko na sakanya 'to mahal din 'to eh. Buti pa 'to mahal eh ako kaya, mahal niya rin ba talaga ako? Bigay niya na lang sa taong mahal niya ng buong buo.

Next station... Mag suklay. Pumunta na ako sa table ko na may malaking saamin sa harap. Nagsuklay na ako ng nagsuklay ng may bigla akong nakita. Isang relos naman. Yan lang naman ang binigay niya saakin noong monthsary namin. Inayos ko na ang buhok ko at kinuha na ang relos para ibigay sakanya. Ang sama ko naman kung itatapon ko no? Sayang pera niya.

Pagbaba ko nakita ko si kuya na nakahilata sa sofa habang naglalaro sa cellphone niya. Nakita ko namang si Jammy na papalapit saakin. Binuhat ko siya. Halos maiyak na naman ako ng dilaan niya ako sa pisngi. Satingin ko etong aso lang na'to ang hindi ko maisosoli sakanya napamahal na saakin 'tong asong 'to.

"Cassy, saan ka pupunta?" Tanong saakin ni kuya.

Hanggang ngayon wala parin sina mama. Saan bang lupalop ng mundo na nagpunta yung dalawa. Nag bakasyon?

"Papasok." Sabi ko at ngumiti ng pilit.

Tinigil niya muna ang paglalaro at biglang tumayo at lumapit saakin. Hinawakan niya ang balikat ko, "S-sigurado ka? Papasok ka?" Tanong niya. Tumango lang ako.

"Eh diba ikaw may pasok ka rin?" Tanong ko.

"Tinatamad ako. Bukas na lang ako papasok. Sige mag ingat ka na lang. Pahatid ka na lang sa driver natin." Sagot ni kuya at bumaluk na sa sofa at humilata ulit para mag laro. Tss... Tamad talaga.

Iiling-iling na lang akong lumabas ng bahay. Palabas na ako ng gate ng maestatwa ako sa kinatatayuan ko.

Naestatwa ako, dahil naalala ko lang ang memories namin dito. Yung part na pagbubuksan niya ako ng pinto at papasok ako, tapos sasabihan niya ako ng 'I love you' at hahalikan ako sa noo. Pagkatapos nun ay sasara na niya ang pinto at pupunta sa drivers seat para mag drive papuntang school. Ugghhh!!! Bakit ko ba kailangang alalahanin ang mga bagay na dapat ko ng kalimutan?

Nakita ko na ang driver namin na nag-aantay saakin. Pumasok na ako sa loob at nagdrive na siyang papuntang school.

*School*

"Ayan na pala yung ex ni James guys!"

"Oo nga! Akala mong kagandahan eh ang panget panget naman. Sa panget niyang yan, ginayuma niya lang si James."

"Isa pang sobrang lupit na katotohanan, hiniwalayan niya si James. Siya mismo ang humiwalay! Tss... Ewww. Siya na nga 'tong may ideal bf siya pa 'tong nangiiwan."

Destined For Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon