Chapter 46: Death Threats

346 9 3
                                    

#LastChapter
#TheEnd
#C46

------------------------------------------------------

LEONA'S POV.

"Hey, bakit mo ba ko hinihila?" Tanong ko.

Until now natakbo parin kami palayo. I don't know kung sino tinatakbuhan namin at saka bakit parang may ayaw siyang ipakita saakin? Ano naman kaya yun?

"Basta!" Sagot niya habang titingin tingin parin sa paligid.

"May humahabol ba saatin?" Tanong ko ulit.

"Basta!" Ang ganda talaga ng mga sagot niya. -_-

Pinigilan ko siya sa kakahila saakin at napatigil ko naman siya pero hindi parin mapakali yung ulo niya, "Anong basta?! Answer me! Bakit ba tayo tumatakbo?! Ano bang meron? May humahabol ba saatin? Bakit ba ayaw mong sabihin saakin?" Sunod sunod kong tanong.

"Hindi mo maiintindihan." Sagot niya.

"Ipaintindi mo saakin." May diin kong sabi.

"Hindi mo nga maiintin--" Pinutol ko ang gusto niyang sabihin.

"Just tell me!" Sigaw ko sakanya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasigawan ko na siya. Nakakainis na kasi eh puro siya hindi ko maiintindihan syempre hindi ko maiintindihan kasi hindi niya pa naman kasi sinasabi eh!

Instead na sagotin niya ako nilayasan niya lang ako. Hayss... ano ba kasing meron? Maski isang clue wala akong alam.

CASSY'S POV.

Ayokong sabihin sakanya. Mamaya madamay pa siya sa galit ng mga yun saakin. Hindi talaga mawala sa isip ko yung nakita ko. Kailan pa at papano? Kakatanong ko sa sarili ko hindi ko namalayan na nasa harap ko rin pala sila at nag lalakad. Nagtago muna ako sa isang poste.

Tinitignan ko silang makalayo nung mukhang wala na naman sila pumikit ako at huminga ng malalim pagdilat ko nagulat ako sa nakita ko.

"Ay palaka!"

Ngumisi siya, "Sa itsura kong ito mukha akong palaka?"

"Nakakagulat ka naman kasi eh. Bakit ka ba biglang sumulpot?" Tanong ko.

"Bakit masama ba? Sino ba yang pinagmamasdan mo?" Tanong niya rin.

"Wala ka na dun." Sabi ko at iniwan siyang walang alam.

Tutal naman naeenjoy ko mag lakad, mag lalakad nalang ako papuntang bahay.

Ang ganda ng araw pati narin ang mga puno, pero ng biglang may airplane na dumaan. Papel na airplane. Tumingin ako sa paligid para tignan kung may tao pero wala. Wala namang masama kung titignan ko yung eroplano diba?

Binuksan ko ang eroplano at.... nanginig ang tuhod ko...

Well, well, well... Ngayon palang mag ingat ingat ka na mahal naming prinsesa na si Cassy, dahil baka mamaya bigla ka na lang bumagsak sa lupa. Be aware sa paligid ha.... 😉

-Fire Devil

Yan lang naman ang nakasulat at ang sulat ay parang mula sa dugo. Napatingin ako sa paligid ko at ako lang nga ang tao. Kinakabahan ako. Sila ba yun?

Lord... please.... gabayan niyo po ako at makauwi po sana ako ng ligtas....

Naiiyak na ko. Tumakbo na ako papunta sa ewan! Basta takbo lang ako ng takbo ng hindi ko namalayan na nasa bahay na pala ako.

Destined For Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon