Chapter 11: Sorry

614 23 6
                                    

JAMES POV.
Habang naglalakad ako sa hallway. Naiisip ko na dapat ba akong magsorry kay Cassy. Kasi may mali akong nagawa sakanya eh. Pero hindi iyon gawain ng bad boy. Kaya siya dapat ang mag sorry. 'You should forgive someone not because he/she deserves forgiveness but because you deserve peace'.

Biglang may umupo sa tabi ko pagkatingin ko si Cassy. Akala ko ba galit siya? Maka alis nga panira araw eh.

Pinigilan niya ako, "Uy teka lang... May sasabihin kasi ako eh." Tiningnan ko naman siya.

"Ano?" Kunware galit para mag sorry siya hahaha!

"Ah eh Ano kasi eh...." Mahirap ba sabihin yung gusto niyang sabihin?

"Wag mo ng pahabain pa yung sinasabi mo inaaksaya mo  lang ang oras ko eh." Tagal naman eh pinapahaba pa pwede namang straight to the point na lang.

"Ah eh kasi... So-sorry." Sabay niyuko niya ang ulo niya.

"Bakit ngayon naman parang hirap na hirap ka mag sabi ng sorry? Dati ng thank you ngayon sorry naman." Mahirap ba magpasalamat sakanya at humingi ng tawad?

#KunwareGalit

"Hindi ko alam basta ang alam ko lang ngayon ay mag sorry sayo." Nakayuko parin siya habang nagsasalita.

"Sorry din kasi..." Napatingin na siya saakin. "Not sorry." Nakangisi kong sabi.

"Uy sorry na talaga James... Please forgive me.. Sabi nga nila you should forgive others not because he/she deserves forgiveness, but because you deserve peace." May quote quote pa siyang nalalaman ah.

"So you mean you don't deserve forgiveness and I deserve peace? Is that what you mean? English oh! Nosebleed kayo! Hahaha!

"Ammm.... Oo?" Mukhang di pa siya sure sa Oo niya.

"Then we have condition first halikan mo yung gusto/crush/mahal mo dito sa campus and mapapatawad na kita." Nanlaki yung mata niya. Para bang naka kita ng multo.

Destined For Each OtherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon