Kabanata 9

4.8K 79 26
                                    

Umupo akong muli at pinag-isipan kung rereplyan ko ba siya o tuluyan ko ng aalisin ang aking sim card.

Hindi pa buo ang desisyon ko nang magring ito.

Nakakainis na!

"We don't have to talk."

Para bang baliw ako na kinausap ang aking cell phone habang kinakalag ito upang maialis ang aking sim card. Pagkaalis nito ay tuluyan ko ng sinira ang sim ko upang matapos na itong kahibangan niya.

Nang makapag paalam na ako kay AJ ay dumeretso ako sa isang store upang bumili ng panibagong sim card. Bahala na si Jas kung hindi niya alam ang number ko.

Tinawagan ko naman si Cesca, at mabuti na lamang ay kaagad niya itong sinagot.

"Hello?"

"Kita tayo mamaya?" bungad ko sakaniya.

"Naku ikaw pala friend, may appointment ako mamaya. Sa susunod na lang, pasensya na." sabi niya sa akin in a low voice.

"Ganun ba? Osige, salamat na lang. Bago ko nga palang number ito." Sabi ko before I hung up the call.

--

Nang sunduin ko si Sam ay dumeretso na kami sa resto ni AJ. Ang kaso, hindi naman niya kami maasikaso dahil busy padin siyak aya pagkatapos naming kumain ay deretsong uwi na kami.

"Tatabi ka ba kay mommy?" tanong ko kay Sam.

"Of course not, I'm going to sleep by my own. Kasi, 'yung friend ko sa school ni-sleep na siya mag-isa." Sagot naman niya.

Napangiti naman ako sa kaniyang sagot. Parang kailan lang nung karga karga ko pa lang siya. Ngayon, nag-aaral na at unti-unti ng namumulat sa mundo. Baka mamaya'y biglang may nililigawan na siya. Naku!

"Mommy? Why are you smiling po?" nagtatakang tanong ni Sam.

"Kasi, ang asim mo! Halika na nga, maliligo ka na." sabi ko at binuhat siya kahit na napaka bigat na niya.

"Bigat mo na, baby boy."

Pagkatapos niyang maligo ay hinayaan ko na siyang manood ng T.V, tutal ay wala namang pasok kinabukasan.

Bumaba ako at nag stay doon sa sala. Dito ko na hihintayin ang asawa ko.

Siguro nama'y hindi siya uumagahin dahil inventory lang naman 'yun.

15 minutes na ang lumipas..... masyado sigurong marami 'yung inaayos nila.

30 minutes..... syempre may kwentuhan parin silang nagaganap kaya medyo tumatagal.

1 hour...... magb-byahe pa 'yun.

1 hour and 30 minutes..... traffic siguro.

Darn it! Alas onse na ng gabi at wala pa siya! Dati rati noong nag iimbentarto sila ay nandito na siya sa bahay ng alas syete o alas otso pa lamang ng gabi! Unless kung may iba pa silang ginagawa.

I dialed his number. Naka dalawang miss call na ako at doon pa lamang niya sinagot.

Bumungad ang napaka lakas na tugtog ng isang kanta mula sa kabilang linya.

"Hello? Sino 'to?"

Nalimutan kong bago nga pala itong number ko. Imbentaryo pala ha! Eh halata namang nasa bar siya.

"Anthoney Jerico! Alam mo ba kung anong oras na?! Umiinom ka nanaman ba?! wala ka bang pamilyang uuwian, ha?! Nasaan ka?!"

Halos kainin ko na iyong cell phone sa sobrang inis.

I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon