Kabanata 17

4K 73 10
                                    

"Friend, tiwala ka ba sa asawa mo?" tanong niya sa akin.

Tinitigan ko naman siya ng mataman.
"Oo naman. I know that he loves me. Bakit mo naman natanong?"

"Wala lang. Just askin'. Ako kasi, natatakot akong magtiwala once na nag-asawa na ako. feeling ko'y, pwede niya akong lokohin any time." Sagot niya.

"Cesca, kapag mahal mo ang isang tao magtitiwala ka sa kaniya. Huwag kang negative! Wala kang mararating kapag ganiyan ka." Sabi ko sa kaniya at inirapan siya.

"Bakit ikaw ba? Mahal mo si AJ? I mean, mula noong nagsama kayo minahal mo na siya?"

Para bang napaisip ako dun sa tanong niya.
Duh! Ano ba Bianca! Syempre, mahal mo si AJ.

Oo, mahal ko siya.

"Oo naman! M-mahal ko si AJ no." sagot ko sa kaniyang tanong.

"Mainahal mo ba siya dahil mahal mo talaga? O mahal mo siya dahil asawa mo na siya?" sabi niya sa akin habang naka taas pa ang kilay.

"Ano ba, Cesca. Malamang, mahal ko siya. Hindi naman ako magpapakasal sa kaniya kung hindi ko siya mahal. Saka, mas lalo ko siyang minamahal kasi tunay na anak talaga ang turing niya sa anak ko."

Bigla naman siyang nag-iwas ng tingin.

"What if...."

"What if?"

"What if, malaman mong AJ is cheating on you? What if, malaman mong hindi ka na niya mahal? Anong gagawin mo?" tanong iya.

Napa 'tss' naman ako sa kaniyang sinabi.
"Syempre, alam ko namang hindi niya gagawin 'yun. Pero, kung sakali mang magawa niya sa akin ang bagay na iyon, hindi ako magdadalawang isip na layasan siya. And for his other woman, ipapahiya ko 'yun sa maraming tao. 'yung tipong pagsisisihan niyang kinalantari niya ang asawa ko." Matapang kong sagot.

"Ows? Talaga? Magagawa mo talaga 'yun? What if, ako 'yun? Kaibigan mo parin ako. sasaktan mo ako? ipapahiya mo ako?"

This time, ako naman itong nagtaas ng kilay sa kaniya.
"Oo. Walang kaibi-kaibigan pag ganun. I'll show you the fucking ways how to die that you never even fucking dreamed." Pananakot ko rito.

Para namang na-estatwa siya sa mga sinabi ko.

"Syempre, joke lang 'yun." bawi ko sa aking sinabi.
"Baliw ka. Hindi mo naman gagawin 'yun diba?" tanong ko.

"Of course! I love you kaya." Sabi naman niya at niyakap ako.

Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag may kaibigan ka pang natitira na sobrang thoughtful at sobra ka niyang pinangangalagahan.

"O ano, hindi mo pa ba nakita 'yung lalake mo?" pag-iiba ko.

"Maka-lalake ka naman. Syempre, hindi. Ewan ko na lang kung anong mangyayare sa amin ng baby ko. Baka bigla paglaki niya itatanong niya kung nasaan ang daddy niya at kung sino 'yung moros na 'yun." Sagot naman niya at sumimangot.

"Ipahanap mo kaya siya? Ano bang ginagawa ng mga pera mo diba?" suhestiyon ko.

"Eh, h-hindi ko nga alam 'yung pangalan. Ang kulit mo din. Saka, baka may pamilya na 'yun. Ayokong makasakit at makasira." Sabi nito at nag-iwas tingin.

"Paano kung wala?"

"Ah basta! Randam ko na may family na siya. Huwag mo nga akong ini-stress! Nung ikaw 'tong buntis eh hindi naman kita ini-stress tulad ng ginagawa mo ah." Reklamo naman niya.

"Fine, fine. Shut up na ako." sabi ko at nag-act pa na parang izinipper ang aking bibig. Heheheh~

--

Nang oras na ng uwian ni Sam ay kaagad ko na itong pinuntahan sa school niya.
Bahagya akong naghintay sa labas ng kaniyang school nang makita ko na siyang palabas.

w-wait... sino iyong kasama niya?
Si Bernard ba iyon?

"Mommy!"

Bumitiw naman itong si Sam kay Bernard at tumakbo papalapit sa aking kotse.
Pero, itong si lalake ay lumapit din. Argh!

"Sakay na Sam." Utos ko.

"Mommy, can we play muna po kina tito Bernard? Kasi po, si Miley po doon siya mag-sleep sa house ni tito."

Ang tanda ko, ito 'yung batang tinuro ni Sam kaninang umaga sa akin na partner niya dun sa program nila sa school.

"Eh, baka hanapin tayo ng daddy mo, Sam. Some other time na lang." sabi ko sa kaniya.

"Pustahan tayo 'di kaagad uuwi 'yang asawa mo." sabat naman ni Bernard.

Tila ba iyong tono ng kaniyang pananalita ay sobra kung nakaka-insulto. Ewan ko ba! Naiinsulto ako sa way ng pananalita niya ngayon.

"Bakit mo alam? Saka..—"

Suddenly, my phone is ringing. Agad ko namang kinalkal ang aking bag at nakitang si AJ pala ang natawag.

"Hon?" bungad ko rito.

"Malelate ako ng uwi. Huwag mo na akong hintayin."

Ewan ko ba kung bakit ako napa tingin kay Bernard nang sabihin ni AJ na malelate siya ng uwi.

"Ah, sige. Mag-iingat ka." Cold kong sagot saka na ibinaba ang tawag.

Marahas akong napabuga ng malalim na hininga.
Iyong mga tingin ni Bernard ngayon ay parang nang-iinis at sinasabing 'o, diba? Tama ako?' Argh!

"Ano? Sunod na lang kayo sa amin?" tanong nito sa akin.

Nagawi naman ngayon ang aking tingin sa aking anak na si Sam.
Nag pu-puppy eyes pa ito habang nakangiti.

"Sakay na, Sam. We're going to that man's house." Utos ko saka na pinaandar ang sasakyan.

"Alright, just follow me, my lady." Sabi pa nito at kinindatan ako.

Arg! That man is getting into my nerve! Jeez.
So, as what he have said sinundan ko ang kotse niya patungo sa kaniyang tinitirhan.
and I can't believe na dito parin siya nakatira after lots of bad memories happened here between us.

Pagkababa naman ni Sam sa kotse ay kaagad siyang tumakbo sa kaniyang tito Bernard kuno =___=

"Tito, your house is very big naman po pala. We can play habulan here because it is very wide." Ani nito.

"Naku, Sam. Hindi pwedeng mag laro ng habulan si Miley. May hika siya." Sabi naman ni Bernard at in-unlock na ang kaniyang main door.
"Pasok."

Bumabalik nanaman ang mga ala-alang ngayon ay hindi na kailanmang maibabalik.
'yung mga ala-alang masaya at kuntento kami sa isa't-isa kahit na may Jasmine na humahadlang sa'ming dalawa.

"Tito, I'll just wash my self. Sam, wait for me ha?" paalam nung Miley bago umakyat sa hagdan.

Tahimik lamang akong naka-upo sa sofa when Bernard broke the ice all of the sudden.


I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon