Kabanata 14

4K 71 9
                                    

Ikinagulat ko naman ang kaniyang pag-iling.

What the hell!

"What?! Paano na niyan? Bakit mo hinayaang iwan ka niya after something happened to the both of you without knowing his name?!" tanong ko at napa upo ng wala sa oras. "And for Pete's sake! What if may aids pala 'yun?! Cesca naman!" sermon ko rito.

"I-i don't know, lasing ako nun. Hindi ko na alam ang mga ginagawa ko."

Nasapo ko naman ang aking noo. Oh my God, Francesca!

"I'm sorry." Out of the blue niyang sabi.

"Why? Why are you saying sorry?" tanong ko at nilapitan siya upang bigyan ng isang mahigpit na yakap.

Umiiyak siya na siya.

"K-kasi, pati ikaw nag-aalala pa. Ayoko na dinadamay kita sa problema ko, ayoko na mainvolve ka." Sabi niya at niyakap rin ako.

"It's okay, ano pa't magkaibigan tayo kung hindi mo naman din pala ako maasahan, 'di ba? Okay lang, Cesca."

"No, mali ako." sabi niya at lalong bumuhos ang kaniyang luha.

"Alam na ba ng daddy mo? How about your mommy?" tanong ko.

Umiling siya.

"Wala pa silang alam, nasa Colorado sila now." Sagot niya.

Napa 'tsk tsk' naman ako.

"So, what is your plan?"

"I think, I'll just forget everything. Magfofocus nalang ako sa trabaho ko at sa magiging anak ko."

Kumalas naman ako sa aming yakapan at binigyan siya ng isang matamis na ngiti.

"Kaya mo 'yan, nandito naman ako e. Basta, when you need a friend, alam mo na kung sinong tatawagan mo, ok? Kapag hahanapin mo na 'yung gunggong na 'yun sasamahan kita!" sabi ko rito at nag-thumbs up sa kaniya.

Hindi naman ako nagstay doon ng matagal pa. Alam ko namang may trabaho siya at ako naman e aasikasuhin na din ang mga bagay bagay sa bahay.

Pagkatapos kong maglinis ng bahay at maligo, lumabas ako upang makalanghap ng sariwang hangin. Paglabas ko naman ay biglang may maingay na speaker na tumunog mula sa katabing bahay.

Sa palagay ko ay may party na nagaganap sa bahay ni Excel.

"Neighbor! Halika, pasok ka." Aya niya sa akin.

"Huwag na, ok lang." tanggi ko.

"Naku, halika na. Birthday ko ngayon, makisalo kana sa amin." Sabi niya at tuluyan ng lumabas sa kaniyang bahay.

Nang makalapit siya sa akin ay hinatak niya ang aking kamay papasok sa kaniyang bahay.

Hindi naman gaanong maraming bisita, ayos lang. Ang iba'y nasa gilid ng pool, ang iba naman ay nasa mismong pool.

"Happy birthday nga pala, pasensya ka na hindi ko alam. Babawi na lang ako sa susunod na taon." Hinging pahumanhin ko.

"Ok lang 'yun! Totoo niyan kaibigan ko lang talaga ang mga inimbita ko, at dahil kaibigan na rin kita, kaya nandito ka." Sabi nito at itinaas ang kaniyang kanang kamay.

Tila ba nakikipag apiran ito. Hindi ko naman siya ipinahiya kaya nakipag apiran ako rito.

"Want some drinks?" tanong niya sa akin.

"Oh no, hindi na ako umiinom." Tanggi ko.

Magmula noong ipagbuntis ko si Sam ay hindi na ako uminom pa.

"Oh..." sabi niya at napatango-tango.

"What about juice? Iced tea?" suhestiyon niya.

"Salamat na lang, Excel." Sagot ko rito.

"Hmmm, you sure?" he asked, that's why I nod.

"Okay, sandali lang ha. Nandito na 'yung isa kong kaibigan na pa-V.I.P. Maiwan muna kita, babalik din ako. If you want to eat feel free to go there." Sabi niya at itinuro ang isang mahabang buffet.

Tinanguan ko naman na siya. Nagbabalak na sana akong lumabas muna, wala din naman akong kausap at kakilala. Ngunit ilang minuto lamang ay bumalik si Excel.

"Neighbor, si Bernard nga pala. Business partner ko." Pakilala nito.

Hindi naman ako kaagad nakapag react dahil sa lalakeng kaharap ko ngayon. Ilang beses na naming pagkikita ito, still halos wala pa rin akong masabi kapag nakakaharap ko siya.

"Good to see you here Bianca." panimula niya at nangiti pa saakin. "Magkakilala pala kayo ni Excel." dagdag ni Bernard.

Tumango naman ako at ngumiti ng pilit.

"Actually pare we're neighbors, diyan siya sa kabila nakatira." – Excel.

"Ohh, we're lovers back then. Kung nagtataka ka bakit kami magkakilala."

Nagulat naman ako sa ibinunyag ni Bernard sa aking kapit bahay. Hindi naman niya kailangan pang banggitin iyon.

"Really? Tingnan mo nga naman, dito pa kayo nagtagpo. Ngayon naniniwala na akong may taste ka, pare. Si bianca nga lang ang walang taste dahil pinatulan ka niya." sabi ni Excel at humalakhak pa habang hinahampas si Bernard.

"Gago ka." Pabirong sabi naman ni Bernard at sinuntok ng mahina sa braso.

"Last w— ugh, last girl friend ko siya. Never pa akong nakipag relasyon since we broke up." Dagdag pa nito.

Last girl friend... akala ko ba may wife siya? O baka ako 'yung tinutukoy niya that time?

"Move on na, pare." Natatawa pa nitong saad kay Bernard.

Maya-maya'y naman ay may tumawag kay Excel.

"Cel! Come her, join us. Kami muna ang i-entertain mo." sabi nung babae sa kaniya at kinawayan ito.

"Maiwan ko muna ulit ikaw, Bianca. Tutal eh nandito naman si Bernard, kayo muna mag-usap. Kunware reunion ito sa inyo." Biro nito bago kami iniwanan.

Pag alis niya ay wala ng nagtangkang magsalita pa saamming dalawa. Tahimik lamang ako na nakatingin sa mga tao na naglalaro sa pol. Ngunit ilang sandali lamang ay nagsalita siya.

"I'm sorry if I'm not able to call you early yesterday. Pero, I tried to reached you ang kaso mukhang nakapatay ata ang phone mo." sabi niya.

"Oo." Sagot ko naman.

"So, siguro ngayon ko na dapat sabihin sa'yo." Sabi niya habang may hawak na wine glass.

"Ano naman?"

"Watch your husband's moves, 'yun lang. Huwag mong isiping sinisira ko siya sa'yo or what. As what I've said last time, I'm concern. And to be honest 'di pa ako naka move on sa'yo."

'di pa ako naka move on sa'yo

Agad naman akong napatingin sakaniya. Baliw ba siya? May asawa na ako.

"It's silly, but yes. Tama ang narinig mo dahil napaka lakas ng impact na iniwan mo sa buhay ko, 'yung tipong hanggang ngayon.." tumigil siya sandali.

"Hanggang ngayon, ikaw parin, ikaw parin ang laman nito." Tiningnan niya ako ng mataman.

Hinawakan niya ang aking kamay at inilapat sa kaniyang dibdib na agad ko naman binawi ang aking kamay.

I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon