Saglit na shopping at grocery ang ginawa namin bago umuwi, ppagdating naman namin sa bahay ay knock out na itong si Sam.
Pagpasok namin sa kwarto ay muling kumuha ng damit pang-alis si AJ. Napansin ko din kanina na panay ang tingin niya sa cellphone niya.
"Saan ka pupunta? Maggagabi na lang aalis ka pa?" sita ko rito.
"Kailangan kong pumunta sa resto, hon. Kapag talaga wala ako'y may kapalpakang nangyayari." Sabi niya at nag-alis na ng pang-itaas niya.
Hindi na ako nakapagsalita pa pagpasok niya sa banyo. Pagkatapos naman niyang maligo, mabilis niyang sinuot ang kaniyang damit.
"Ayokong late ka nanamang uuwi, magagalit ako ulit sa'yo." Banta ko.
"Saglit lang ako, tatawag ako kapag pauwi na ako." sabi naman niya at humalik na sa akin bago lumabas ng kwarto.
Hindi ko na siya sinundan hanggang sa baba dahil pagod na rin ako.
Pumukaw naman sa aking pansin ang aking cell phone.
Naalala ko iyong sinabi ni Bernard na tatawag siya sa akin ngayon.
Tsk! Bakit ko ba siya hinihintay tumawag?! Wala naman sa akin kung tatawag siya o hindi. Iniwas ko na lamang ang aking tingin sa aking cellphone at nagpasya na ipikit ang aking mga mata.
Naidlip ako ng kaunti. Ilang saglit lamang ay may tumatawag sa akin.
Hindi ko na iyon tiningnan at kaagad na itong sinagot.
"Hello?" bungad ko.
"Pauwi na ako, hon."
"Ah, sige. Mag-iingat ka." Sabi ko at pinatay na iyong tawag.
Bumaba na ako sa sala at doon ko na binalak hintayin si AJ.
Hindi ko naman alam sa aking sarili kung bakit tingin ako ng tingin sa aking cell phone.
Argh! Peste! Nacurious kasi ako sa sasabihin ni Bernard kung bakit siya tatawag ngayon. Iyon lang!
Hanggang sa makarating si AJ ay hindi man lang tumawag sa akin si Bernard. Ano ba, Bianca! Para ka namang tanga sa iniisip mo e!
Tinurn-off ko ang aking cell upang hindi siya makaistorbo sa amin ng asawa ko kung tatawag man siya sa akin mamaya.
Pagpasok namin sa kwarto ay kaagad na siyang humilata sa kama.
"Matulog na tayo" sabi niya sa akin at tinapik ang kama upang mahiga na rin ako.
Yumakap naman ako sa kaniya at handa na ako para lambingin siya. Nanibago kasi ako sa mga kinilos niya ngayon. Dati rati'y hahalikan muna niya ako bago matulog.
"Anong problema sa resto? Napagod ka ba? Gusto mo ng massage?" tanong ko rito.
Inunan naman niya ako sa kaniyang braso.
"Bukas na natin pag-usapan iyan. Ok lang ako, gusto ko lang na matulog na tayo dahil bukas na bukas ay maaga pa ang pasok ko." seryoso niyang sabi habang nakapikit.
Hindi na rin ako namilit, baka mag-away pa kami pag nagkataon.
Kinabukasan, nagising ako na wala na sa aking tabi si AJ. Bumangon na ako at nagtungo sa kwarto ni Sam, pati ang anak ko ay wala na rin.
Nang tingnan ko ang orasan ay alas dyes na pala ng umaga.
Bakit hindi man lang nila ako ginising? Sumobra nanaman ako sa tulog ko.
Pagpasok ko sa dining area ay may nadatnan ako na sulat sa aming refrigerator.
'Hon, sumama si Sam saakin sa restaurant, masyadong masarap ang tulog mo kaya hindi ka na namin ginising. I prepared your breakfast, nasa ref. Eat well, I love you.'
Napangiti ako pagkatapos kong basahin iyon.
Pagkatapos kong gawin ang pang araw-araw na ritwal kong ginagawa, naisipan kong puntahan ang aking kaibigan. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakaka-usap.
Pagdating ko sa hospital na pagmamay ari din nila ay dumeretso ako sa information desk.
"Miss, naka duty ba ngayon si Doctora Maniego?" tanong ko.
"Ah, opo. Ang kaso, sabi ho niya'y huwag po munang basta basta magpapasok sa kaniyang opisina. Nasa loob po ata 'yung boyfriend niya." sabi nung nurse.
"Ah, sige. Salamat, maghihintay na lang ako dito." Sabi ko naman at umupo doon sa waiting area.
May boyfriend pala ang bruha, wala man lang sinasabi sa akin!
Ilang saglit lamang ay may lalaking lumabas sa kaniyang opisina. Kahit medyo malayo ito ay tanaw na tanaw ko ito kung sino, kaya mabilis namang akong napatayo.
"Hon?"
Tila nagulat pa siya nang makita niya akong nakatayo. Kaagad siyang lumapit sa akin.
"Bakit ka nandito?" tanong nito sa akin.
"Ikaw dapat ang tanungin ko kung bakit ka nandito?" mahinahon kong tanong.
Ayoko namang maghysterical dito hanggat alam kong pwede pang magpaliwanag itong asawa ko. Boyfriend pala ha? Unless, may ibang tao ang nasa opisina ni Cesca.
"Ah, hinatid ko iyong lunch ng kaibigan mo. Hindi ba't, utos mo 'yun sa akin?"
Kung kanina'y ang bilis ng tibok ng puso ko, ngayo'y unti-unti na itong nagiging kalmado.
"Ikaw lang ba ang nasa loob? I mean, wala kayong ibang kasama?" usisa ko.
"Oo. Huwag mong sabihing pinag-iisipan mo kami ng masama ng kaibigan mo?" sabi nito sa akin at tinaasan pa ako ng kilay.
"H-hindi naman, pero kasi sabi nung nurse nasa loob daw ng opisina ni Cesca 'yung boyfriend niya kaya hindi muna ako pumasok kanina." Mahina kong sabi.
"Sus, baka akala nila eh boy friend ako ni Cesca. Kasi 'di ba laging ako ang naghahatid sa pagkain niya." paliwanag ni AJ.
"Hayaan mo, sa susunod si Tom na lang ang uutusan kong maghatid. Selos ka pa e." sabi niya sa akin at hinaplos ang aking pisngi.
"A-ano? H-hindi no! Nagtatanong lang naman ako. Sige na, pupuntahan ko na si Cesca, bumalik ka na sa resto mo." sabi ko at pinagtabuyan siya.
"Bye, hon." Paalam nito then he gave me a peck of kiss.
Pagkaalis din niya'y pumasok na ako sa opisina ni Cesca. Wala ng katok-katok.
"Hello!" masigla kong bati.
"Ah shit! Hindi ka ba marunong kumatok?!" galit niyang saad at dali-daling iniligpit 'yung mga nasa table niya.
"Nagalit? Ano 'yan? Nagdu-drugs ka ba?" tanong ko.
"Tanga, ba't naman ako magd-drugs? Baliw ka talaga, wala 'yun." Sabi nito at inilagay na sa kaniyang drawer 'iyong mga nakatissue.
"Eh, ano nga 'yun?" usisa ko at lumapit na ng tuluyan sa kaniya.
"Wala sabi."
Nagmake face naman ako.
"Parang hindi mo naman ako kaibigan, naglilihim ka na sa akin." Sabi ko.
Napabuga naman siya ng isang malalim na hininga at inilabas 'yung kaninang itinago niya.
Inilatag niya ang tatlong pregnancy test na may tig da-dalawang guhit. Ibig sabihin, positive. Buntis siya?
"Pregnancy test?"
Tumango naman siya.
"Kanino?" agad kong tanong.
"Someone I met in the bar. I-I was so drunk, then he approached me. May problema daw siya that's why I comforted him. And then ayun, it happened na. Lasing ako, hindi ko alam." Sagot niya habang nakayuko.
"Do you even know his name?" tanong ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/84360241-288-k841320.jpg)
BINABASA MO ANG
I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)
RomanceBook 2 of Seducing the Seducer. NOT EDITED