Kabanata 15

4.6K 82 18
                                    

"It's silly, but yes. Tama ang narinig mo dahil napaka lakas ng impact na iniwan mo sa buhay ko, 'yung tipong hanggang ngayon.." tumigil siya sandali.

"Hanggang ngayon, ikaw parin, ikaw parin ang laman nito." Tiningnan niya ako ng mataman.

Hinawakan niya ang aking kamay at inilapat sa kaniyang dibdib na agad ko naman binawi ang aking kamay.

"Please, hindi magandang biro ito." Sabi ko at akmang tatalikuran siya nang higitin niya ang aking braso.

"Satingin mo nagbibiro ako? Kailan pa ba ako nagsinungaling sa'yo tungkol sa nararamdaman ko? Siguro, 'yung time na sinabi kong hindi na kita mahal. That was a big lie."

Umiling naman ako.

"I still love you. I love you, Bianca." Pagpapatuloy niya.

Feeling ko'y, nanigas lahat ng kalamnan ko.

Feeling ko, pati pagtibok ng puso ko ay tumigil.

Feeling ko, tumigil 'yung ikot ng mundo.

Feeling ko, na-estatwa pati mga taong nasa paligid namin.

Hindi! Hindi ito pwede, may asawa't anak ako.

Alam ko, alam kong sa loob loob ko'y si Bernard ang tunay na ama ni Sam.

Pero, hindi sapat ang lahat ng ito para kalimutan ang mga sakit na pinaranas niya sa akin, at isa pa... nariyan na si AJ.

"Minsan na tayong napag tuglong sa harapan ng diyos. Can't you love me back again? Wala akong pakealam kahit na tawagin akong kabit mo. I love you, wala namang mali doon 'di ba? Hindi naman mali na magmahal, at ako ang nauna sa'yo at hindi si Anton. Ako ang una mong naging asawa. I know, you still have soft spot for me." Sabi nito sa akin at hindi parin binibitawan ang aking braso.

"Nahihibang ka na." sabi ko at pwersahang binawi ang aking brasomula sa kaniyang mga kamay.

"There are certain people who are not meant to fit in your life, no matter how much you want them to be."

Malapit ng bumuhos ang luha ko, pero pinipigilan ko ito. Ayoko na gumawa ng eksena rito. Mas mabuti na iwasan ko na lang siya.

"Bianca..—"

"Masaya na ako, Bernard." sabi ko at humugot ng napakalalim na hinina. "I have my own family now. Humanap ka na ng iba, hindi na tayo pwede." Sabi ko at tinalikuran na siya.

Sa aking paglakad palayo, unti-unti ng bumaba ang luhang kanina pa gustong bumagsak.

Pagkasarado ko sa pinto ng bahay ay kaagad kong hinawakan ang aking dibdib, where my heart locates.

Para bang may libo-libong punyal na nakasaksak rito.

"I still love you. I love you, Bianca."

"I still love you. I love you, Bianca."

"I still love you. I love you, Bianca."

Paulit-ulit iyong pumapasok sa akin utak. Para bang, sirang plaka ito na pare-pareho na ang sinasabi.

No! kalimutan mo ang sinabi niya! You're now living with AJ as his wife for 3 fucking years! Kaya, hindi na pwedeng bumalik ang pesteng feelings mo sa Bernard na 'yun! Siguro itong nararamdaman ko ngayon ay hindi na iyong dati.

Nothing but pain!

Ayoko ng balikan ang nakaraan, ayoko ng malaman pa ni Bernard at Sam ang totoo!

Lumaki si Sam na kinikilala niyang tunay na ama ay si AJ, lumaki siya na dala-dala ang apelyido ni AJ bilang Samuel L. Jerico, lumaki si Sam na masaya.

At ayoko ng guluhin ang buhay ng anak ko.

Ako nalang, ako nalang ang parusahan ng langit. Huwag na ang anak ko! Hindi baleng hindi ako makatulog ng mahimbing sa gabi, huwag lang ang anak ko ang makaranas nun.

"FUCK! FUCK! FUCK THIS FEELING!" sigaw ko at patuloy na kinakabog ang aking dibdib.

"Hon! What's happening?"

Si AJ na kaagad akong linapitan at niyakap.

"Mommy? Why are you crying?" tanong ni Sam.

"Sam, umakyat ka sa taas. Hurry." Utos ni AJ sa kaniya na sinunod naman ni Sam.

Yumakap ako sa aking asawa at patuloy paring umiiyak.

"Hon, what happened? Tell me, why are you crying?" alalang tanong nito at hinaplos ang aking buhok.

"I don't know what to do. I-I don't know what is this feeling, naiinis ako!" sigaw ko.

"Why? M-may nagawa ba ako? Tell me." Sabi nito at hinigpitan ang yakap niya sa akin.

Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya na tungkol ito kay Bernard. Hindi ko rin pwedeng sabihin sa kaniya na nagkita at nagka-usap kami kanina.

Ayokong may isiping iba ang asawa ko tungkol sa akin.

Naalala ko iyong sinabi ni Bernard.

'Watch your husband's moves.'

"Are you cheating on me?" tanong ko sakaniya at nakipag kalasan ng yakap.

"N-no. I will never do that, my love. I promise to the Lord GOD above that I will cherish you and our son."

Tumango naman ako at muli siyang niyakap.

"Stop the tears, hon. Ayokong nakikitang umiiyak ka, please." sabi niya sa akin at inalo ako.

"I love you." Sabi ko rito.

"I love you the most." Sagot naman nito sa akin.

"Tigilan mo na ang pag-iisip ng kung anu-ano. Ikaw lang ang babae sa buhay ko, ok? Now, clear your mind and focus to us.... sa aming dalawa ni Sam." Dadag pa niya.

Tumango ako at niyakap siya ng pagka higpit-higpit.

Sana, wala lang 'yung sinabi ni Bernard. Sana nga parte lang iyon ng paninira niya saamin. I can't afford to break my son's heart.

--      

"Mommy, can I sleep with you and daddy tonight?" tanong ni Sam saakin pagkatapos naming kumain ng cup cake na binake niya sa school.

"Of course, halika nga dito. Yayakapin ka ni daddy." Sabi ni AJ at ibinuka ang dalawang braso nito upang magyakapan sila. Ito namang si Sam ay dinamba ng yakap si AJ.

"Ipagkanta mo nga si mommy at daddy para makatulog kagad kami." Suhestiyon naman ni AJ.

Kaya si Sam ay dali-daling tumayo sa kama, hawak-hawak niya ang brush ko sa buhok habang pumu-pwesto na ala singer na nasa stage, at nag 'ehem ehem' pa ito.

Nang magsimula siya'y natahimik ako sa kantang kaniyang kinanta.

I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon