Kabanata 11

4.4K 67 2
                                    

Napakasaya naman ni Sam nang makalapit na kami sa mga food stall na nagtitinda ng iba't-ibang street foods.

"I like this, this and this!" turo ni Sam.
Betamax, isaw at paa ng manok pa ang gusto.

"Are you sure, mauubos mo ito?" tanong naman ni AJ nang ituro ni Sam lahat ng gusto niya.

"Yes po, daddy."

Inilibot ko ang aking paningin sa buong lugar. Hindi ko maiwasan na maalala ang pangyayaring iyon, our first ever official date. Noong ininsulto pa niya lahat ng tawag ng street foods dito.

Ano ba, Bianca! Why am I thinking that stupid memory anyway?!

"Hon, oh." Abot naman ni AJ sa akin ng isang maliit na baso na may lamang kwek-kwek.

Organisadong organisado na ito. Hindi tulad noon, cart lamang ang nagsisilbing tindahan ng mga nagtitinda, but now I can say na nag improve na ito.

"Salamat." Sabi ko naman at kaagad na sumubo.

Nang makita kong sumubo si AJ ay bigla nalang sumulpot sa utak ko si Bernard noong nasarapan siya sa mga pagkaing ito na ayaw niyang kainin at nag-iinarte pa noong una.

Bigla namang may lumapit na lalaking naka uniform ala traffic enforcer sa amin.

Si AJ ata ang pakay.

"Boss, sa'yo ho ba 'yung kulay itim na sasakyan?" tanong niya.

"Opo. Bakit po?" sagot ng aking asawa.

"Paki park na lang po sa ibang lugar, bawal kasi don boss."

"Oh, sure... --Hon, wait lang ha? Babalik ako kaagad." paalam ni AJ.

Pagkatapos kumain ni Sam ay binayaran ko na lahat ng nakuha namin doon sa nagtitinda.

Bigla namang hinila ni Sam ang aking damit papunta doon sa isa pang stall.

"Mommy, dito naman po. I want to try this." Sabi niya at itinuro ang mga pagkaing kinain niya ilang minuto palang ang nakalilipas.

"Eh hindi ba pareho lang 'yan nung kinain mo dun? Bakit pa tayo lumipat?" tanong ko sa kaniya.

"I want to try it again, pero sa iba naman po." Sabi nito at sabik na sabik sa pag-abot ng plastic na baso. Napa kamot na lang ako ng ulo.

"Hi. What a coincidence at naparito kayo."

Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang marinig ko ang boses niya.

Oh shit! Why now?!

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko naman.

"Dito lagi ako nagmemerienda kapag break ko. Kayo? Anong ginagawa ninyo rito? Kasama mo ba ang asawa mo?" tanong nito.

Tumingala naman si Sam at sumilay ang ngiti sa kaniyang labi.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong kamukhang kamukha ni Bernard ang anak ko kapag ngumingiti.

Bakit ngayon ko lang iyon napansin? Sheez

Kaagad niyang itinaas ang kaniyang dalwang braso hudyat na nag papakarga ito sa kaniya.

"Tito!"

Walang alinlangan naman niyang kinarga si Sam. Ngayong magkalapit ang kanilang mukha, mas nakikita ang resemblance nila sa isa't-isa.

"Oh, Bernard hijo nandito ka na pala. Himala at isinama mo ang mag-ina mo rito, akala ko'y hindi kayo ang nagkatuluyan." Sabi nung ale na nagtitinda sa stall na iyon.

Ngumiti naman si Bernard dun kay manang.

Natatandaan ko siya, siya 'yung matandang babaeng tanong ng tanong sa amin noong kaming dalawa ni Bernard ang pumunta dito.

"Mag-ina ko ho sila."

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni AJ mula sa aking tabi na ngayo'y akbay-akbay na ako nito, pero si Sam ay nanatiling karga ni Bernard.

"Pasensya na, ser. Akala ko'y sila paring dalawa, magkamukha kasi sila nung bata. Hindi ba?" sabi pa niya sa kaniyang kasama at sinikuan pa ito.

Sumang-ayon naman iyong kasama ni manang.

"Sam, halika na uwi na tayo." Sabi ni AJ at siya naman itong kumarga sa kaniya.

"Pero daddy, I'm not finish yet." Reklamo ni Sam at naka kunot noo pa ito sa harapan ng kaniyang daddy.

"Ubusin mo na lang iyan sa kotse, ok?" sabi ni AJ at inabutan na ng bayad iyong si manang.

Pagkatapos noon ay naglakad na si AJ papunta sa aming kotse.

"M-mauna na kami." Paalam ko.

Tinanguan naman ako ni Bernard at nginitian.

"I'll call you later." Pahabol niya bago pa ako makatalikod.

Hindi ko alam kung anong sumapi sa akin at tumango ako sa kaniya.

Shit! So, I'm responsible to answer his call later?! Damn!

Pero pwede ko namang di nalang pansinin. Marami akong pwedeng idahilan kung bakit hindi ko iyon nasagot at saka may asawa na ako!

"Hon, halika na!" tawag ni AJ.

Nang makalapit na ako sa aming kotse ay lumingon akong muli kay Bernard. Nakatingin parin ito sa amin kahit na medyo malayo na kami.

Nang umandar na ang sasakyan ay naka tanggap pa ako nang isang mensahe.

'I'm dead serious. Aasahan kong sasagutin mo ang tawag ko mamaya.'

Napalunok ako nang mabasa ko iyon.

"Who's that?" usisa ni AJ.

"Ah, si Francesca." I lied.

Damn, last ko ng pagsisinungaling iyon sa asawa ko.

Tumango naman siya at ipinokus na ang sarili sa daan.

Hindi na ako sumagit pa sa kaniyang mensahe at agad na binura iyon saaking inbox. Mahirap na't baka mabasa pa ni AJ, magkagulo pa kami.

Ilang saglit lang ay nasa isang sikat na mall na kami.

"Daddy! Daddy! I want to play po! I want to get some stuffed toys for mommy po. Pretty please!" si Sam na parang nag mamaka-awa pa sa kaniyang daddy.

"Sure." Sang-ayon naman ni AJ at ginulo pa ang buhok nito.

"Huwag na, Sam. Mauubos lang ang pasensya mo dun sa machine 'yun." Sabi ko sa kaniya.

"Daddy! Si mommy oh!" nagsumbong pa.

Tinawanan na lamang ito ni AJ.

Pagdating namin sa Quantum, dali-dali siyang pumunta sa isang claw machine na halata namang wala siyang makukuha doon.

Madaya kaya 'yang kuhanan ng stuffed toy na 'yan.

Naka lima na siyang token pero wala pa rin siyang nakukuha.

Sumingit na itong asawa ko.

"Let me do it."

Sa palagay ko'y naaasar na din itong si AJ dahil malapit ng maiyak itong anak namin. But still, linalaro parin niya ito kahit na malabong makakuha siya.

Tumabi naman si Sam at pinanood ang daddy niya na mag maniobra sa claw machine.

Akala ko'y makukuha na niya 'yung stuff toy kaso, nabitiwan iyon ng claw.

"Damn it! Eh madaya naman itong larong 'to e." inis niyang sabi.

"Huwag na kasi diyan, sabi ko naman kasi sa inyo na wala kayong mapapala diyan." Sabi ko at hinawakan na ang kamay ni Sam.

"Ganito na lang, you'll play all of the video games here. Tapos kung gaano karaming ticket ang makuha mo, ipapapalit natin doon." Suhestiyon ni kay Sam.

"Sige po, daddy!"

Ang kaninang maiiyak na, ngayon ay nabuhayan ng dugo. Para bang nalilimutan ko ang naging problema namin kagabi ni AJ ngayong nakikita kong masaya ang anak ko. 

I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon