Kabanata 10

4.5K 77 3
                                    

"Hon naman!"

Medyo napa lakas ang kaniyang boses kaya nagising si Sam, bumangon ang aming anak mula sa pagkakatulog.

"Mommy? Daddy?"

Pinipigilan ko naman ang pagbulwak ng aking luha sa harapan ni Sam, ayoko sa lahat ay makita ako na umiiyak ng anak ko.

"We're just checking you. Come on, close your eyes." Sabi ko at hinaplos-haplos ang kaniyang buhok.

Umupo naman si AJ sa kabilang side ng kama ni Sam. Inihilamos niya ang kaniyang dalawang palad sa kaniyang mukha. Nang maramdaman kong nakatulog ng muli ang aking anak ay ipinikit ko ng muli ang aking mga mata.

"Hon, Bianca. Mag-usap tayo please, ayoko na nag-aaway tayo."

Dahil sa sinabi niya ay napamulat ako.

"Ayaw mo na nag-aaway tayo? Pero ikaw mismo ang gumagawa ng dahilan para magalit ako sa'yo." Mahina ngunit halatang galit ang aking boses.

"Kaya nga mag-usap tayo e."

Napa 'tss' naman ako at inirapan siya.

"Sige na, mag-usap na tayo." Mahinahon niyang sabi at ang kaniyang mga mata ay nagsusumigaw sa pagmamaka-awa.

Masama parin ang tingin ko sa kaniya. Tumayo ako at naunang lumabas ng kwarto ni Sam at pumasok ng aming kwarto.

Pagpasok niya'y agad agad niyang hinawakan ang aking kamay.

"Sorry na, nagkayayaan lang kasi."

Kaagad ko namang iwinaksi ang kaniyang kamay.

"Gaano ba kahirap sabihin sa akin na nasa bar ka at hindi nag iimbentaryo?! Bakit kailangan mong mag imbento at subukan pa akong gawing tanga?! Bakit, sa palagay mo ba mahina ang utak ko?!" singhal ko sa kaniya.

Napayuko naman siya.

"Hindi 'yun sa ganun. Natakot lang kasi ako na umamin sa'yo kaya nasabi ko iyon sa'yo. Nabigla lang ako, sorry na, hindi na mauulit 'to." sabi niya at pilit na hinahawakan ang aking kamay.

"Huwag mo akong hahawakan baka masampal kita." Banta ko.

"Ok lang, basta ok na tayo please? Hon." Sabi niya at kinintilan ako ng maliliit na halik sa pisngi na lalong kinaiinis ko naman.

"Do you think I was born yesterday?!" dagdag ko pa.

Tinulak ko siya palayo upang tigilan niya iyang ginagawa niya. Masakit pa rin ang loob ko kaya hindi ko kayang makipag ayos sa kaniya ngayon.

"Ok na tayo please?"

Umiling naman ako, sadyang hindi ko lang matanggap iyong ginawa niya.

Ang sakit para sa part ko nasawa niya ako pero nakukuha niya parin akong pagmukhaing tanga.

"Matutulog ako sa room ni Sam, ayoko na makatabi kang matulog ngayon. Dahil sa totoo lang, masakit ang loob ko sa'yo." Sabi ko at akmang pipihitin ko na ang door knob ngunit yumakap ito saakin.

"Bitawan mo ako, AJ. Hayaan mo muna ako, dahil hindi ako natuwa sa ginawa mo." sabi ko at inaalis ang kaniyang mga braso na nakapalupot sa akin.

"Hon, please naman oh. Huwag kang ganyan." Sabi niya na halos umiyak na siya sa aking harapan.

"Huwag akong ganyan? Bakit ako? Nagsinungaling ba ako sa'yo? Kung oo, kailan? Niloko ba kita?!" sabi ko at sapilitang inalis ang pagkakayakap niya sa akin.

"Hindi. Sorry na kase, hindi na nga mauulit. Tabi na tayo matulog, sige na, hon."

"Palamigin mo muna ang ulo ko, AJ. PLEASE!" manginig nginig kong sabi at tinalikuran na siya.

Dere-deretso ako sa kwarto ni Sam at muling tumabi sa aking anak, niyakap ko naman ng pagkahigpit higpit si Sam upang maibsan ang sakit ng loob ko.

--

Nang mamulat ang aking mata, bumungad sa aking harapan si Sam at si AJ. Nasa gitna namin ang bata at yakap yakap rin niya ito.

Naalala ko nanaman ang nangyari kagabi. Nakakainis parin!

Gumalaw naman ako ng kaunti na naging dahilan upang magising din si AJ.

"Hon..."

"Umaga na, maligo na kayo." Sabi ko at tinapik ang pisngi ni Sam upang magising na din ito.

"Hon, hon." pigil niya saakin. "Walang pasok si Sam, Saturday ngayon."

Oo nga pala, bakit ko ba nakalimutan? Hindi na lang ako nagsalita ulit at tumalikod ako sakanila, ipagpapatuloy ko na lamang ang aking tulog.

"Hindi ako papasok ngayon, lalabas tayo ni Sam." Sabi niya sa akin.

Liningunan ko naman siya. "Bahala ka." sabi ko at muling tumalikod sa kaniya.

--

Nang magising na si Sam ay sobrang excited pa ito nang sabihin ni AJ na lalabas kami. Kaagad din itong naligo na hindi usual sakaniya dahil napakarami niyang kapritso tuwing bago ito maligo.

"Tara na, dali." – AJ

Sa kotse, nasa likod si Sam at ako naman itong nasa front seat. Ang gusto ko sana ay makatabi ang aking anak ngunit kaagad akog pinagbuksan ng pintuan nitong si AJ.

Tahimik lamang ako sa sasakyan samantalang itong si Sam ay sumasabay pa sa mga kanta na lumalabas mula sa stereo.

"Mukhang may singer tayo ah?" sabi ni AJ at nginitian ako.

Ngumiti na lang din ko ng pilit at tumango.

"Ayaw mo bang maging model, Sam?" tanong naman ni AJ sa bata.

"No, It's not my style." Sagot naman nitong anak ko.

"Pero, cool 'yun." – AJ

"Kahit na po. Basta, I don't like it." Sabi nito at pinag patuloy ang pagkakanta niya.

Sa buong biyahe namin ay napuno ang kotse ng ingay sa pagkanta ni Sam.

Minsan ay hindi pa namin maintindihan ang mga lyrics niya kaya natatawa kami ng sobra.

Limang taon pa lamang sya pero, napaka bibo na ng anak ko.

Nagulat naman kami nang biglang sumigaw itong si Sam. Naging dahilan upang mapa-preno si AJ.

"Waaaah!"

"Sam! Hindi ba't sinabi ko sa'yo na huwag kang sisigaw kapag nasa biyahe tayo?" Suway ko rito.

"Kasi po mommy, I like that po! I want to eat like that po!" sabi niya at itinuro ang mga stall sa labas ng kotse.

Street foods.

"Ikaw, hon? Gusto mo ba ng ganun? Ok lang sa akin." Sabi niya at itinabi ang aming sasakyan sa daan.

"Sige, tara." Pag sang-ayon ko naman.

I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon