EPILOGUE

5.4K 112 200
                                    

WIWOOOO WIWOOOOO WIWOOOO WIWOOOO!
Final waaaaaaaaaaaaaaave! Epilogue na this
J
Wang wang aleeeeert! Asahang may matinding pasabog!

EPILOGUE

Malapad ang aking ngiti, tila ba abot ito hanggang tenga habang naglalakad ako patungo sa altar. Sa lahat ng kinakasal, ako itong balot na balot.
Ang aking kasama sa paglalakad sa nagyeyelong daanan ay ang aking anak. since, wala naman si papa at si mama lamang naman ang nandito. At isa pa, ang anak ko na ang nag suggest na siya daw ang maghahatid sa akin.

Nang marating na namin ang altar kung saan naroroon si Bernard ay natuwa ako sa sinabi ng aking anak.

"Please take care of my mom, daddy. I will punch you po if you hurt her. Ok?" para namang mas matanda pa itong anak ko sa daddy niya kung makapag salita.

"Ok po , little Bernard. I will never hurt your lady. I will love her, instead. Ok ba 'yun?" – Bernard.

"Yes poooooo!" – Sam

Nag fist bump naman sila pagkatapos noon. Inilahad naman niya ang kaniyang palad sa aking harapan. Ano pa nga ba ang dapat kong gawin hindi ba? Edi tanggapin iyon.
Umupo na kami at nag-umpisa ng magsalita ang pari.

"Nilalamig ka?" tanong niya sa akin.

Ang tanging isinagot ko na lamang sa kaniya ay tango.

"You want me to hug you?"

Sa ikalawang pagkakaton eh, tumango ako.
"Ikaw kasi e. Dami mong nalalaman at may pawedding wedding during the snow ka pa."sabi ko.

"Hindi ba't unique tayo? Ako si Jack Frost at ikaw si Queen Elsa. Si Jasmine si Anna at si Sam naman si Olaf." Natatawa niyang sabi.

"Ikaw talaga ginawa mo pang snow man ang anak natin. You are so naughty. Pati panonood ata ng pangbatang palabas ay hobby mo na ngayon." Biro ko.

"Hindi no. I just want this day to be our unforgettable moment." Sagot naman niya sa akin.

"Hmm, oo na lang. Teka, akala ko bang yayakapin mo ako?" sabi ko at nagpout pa sa kaniyang harapan.

Hinawakan naman niya ako sa balikat at inilapit sa kaniya. Kahit na nilalamig parin ako, nararamdaman ko parin na komportable ako sa kaniya.

Hindi nagtagal ang kung ano-anong ritwal sa kasal nang marinig na namin ang...

"You may now kiss the bride."

Napuno ng tunog ng mga maliliit na bell na hawak ng mama, jas at anak ko ang paligid. We married simple but still, para sa akin napaka bongga na ng kasal namin. Binuhat niya ako tulad ng ibang mga kinakasal.

Isinakay niya ako sa kotse na siya rin ang nagmamaneho nito. Hindi kami dumeretso kung saan saan. Bagkus, sa bahay na aming tinutuluyan ang aming tuloy.
Konting salo-salo kasama ng mga mahahalaga sa aking buhay pati narin ang nagsilbing abogado ko noong nakaraang hiring.

"Hindi ba kayo mahho-honey moon?" tanong naman ni Jas.

"Sa Pilipinas na lang siguro. All we have to do now is enjoy our day with our son. With our love ones. At kayo iyon." Sabi ko sa kanila.

Nagpakita naman ng makalokong ngiti itong kapatid ko.
"Kayo na sweet." Biro niya.

"Pero, maiba ako ate... I'm happy for the both of you. Swear, walang halong kaplastikan. Promise! Alam mo namang mula noong nagkabati tayo, all I want is the best for my sister." Ngiti niya.

Hindi ko mapigilan ang yakapin siya.
"Ayan, dinadramahan mo kasi ako. I love you, Jas." Sabi ko habang yakap-yakap siya.

"Nako, I love you too, ate. Panget mo."

I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon