"Yehey! Mommy, look! Andami ko pong ticket oh!" sabi ni Sam at pinakita pa sa akin ang mga ticket na hawak niya.
Nginitian ko naman siya.
"Masaya ka ba kasi masaya ang anak natin?" biglang sabi ni AJ sa akin at hinapit ako sa bewang.
"Oo naman." Sagot ko na nakatingin sa aming anak.
"So, ok na tayo? Magkatabi na tayong matutulog mamaya sa kwarto natin?" bulong niya sa akin.
Magpapa hard to get pa ba ako? Wala na kami sa dati, hindi na kami high school o teenager para mag inarte pa. We are already matured at magulang na kami kaya...
"Oo na, basta, don't lie to me again." sabi ko at ngayo'y nakatingin na sa kaniya.
Agaran naman siyang tumango at nginitian ako.
"Mommy, sorry if I'm not able to get you a toy. Ito lang po 'yung nakuha ko." Sabi niya at iniabot sa akin iyong wallet na may tatak na barbie.
Ngumiti naman ako at lumuhod sa kaniyang harapan upang maka lebel ko siya.
"Ok lang, baby. Mommy will treasure this wallet, I promise."
"I love you, mommy!" sabi niya at yumakap pa saakin.
"I love you too." sagot ko naman at kinarga siya. "Bigat mo." dagdag ko at nakipag nose-to-nose sa kaniya.
"Let me carry our big boy, hon. Alam ko namang halos hindi mo na siya kayang buhatin." Sabi ni AJ.
Ipinasa ko naman kaagad si Sam sa kaniya. Because to be honest e tama si AJ, hindi ko na nga matagalan buhatin si Sam.
"Daddy, I want to eat na po." Sabi niya at nagpout pa sa kaniyang daddy na ikinatuwa ni AJ.
Oras na rin kasi ng tanghalian kaya siguro nagutom na itong anak namin. Medyo tumagal din kasi kami sa Quantum kakalaro niya.
"Where do you want to eat?" tanong ni AJ.
"McDoooooo!" sigaw niya.
Natawa naman kaming dalawa ng asawa ko dahil sa lakas ng boses ni Sam.
Sana laging na lang ganito, sana lagi kaming masaya.
Naglalakad kami patungo sa McDonald's sa loob ng mall nang makasalubong namin si Cesca.
"Uy, what brought you here?" tanong nito sa amin.
"Family bonding lang, Cesca. Ikaw, anong ginagawa mo rito?" tanong ko din.
"May binili lang ako. Kaya pala iba 'yung nagdeliver ng lunch sa akin kanina kasi hindi pumasok si AJ." Sabi niya at tumingin sa asawa ko.
"Ah, oo. Pasensya ka na ah, iba 'yung nagluto ng pagkain mo." hinging pahumanhin ni AJ.
"Naku, ok lang 'yun. Ahm, bianca can I talk to your husband? Kahit 5 minutes lang?" sabi naman ni Cesca.
"Oh, sure sure." Agree ko naman.
"Hindi yata masarap 'yung niluto ni Tom na lunch para sakaniya." Biro naman ni AJ.
Pinagmasdan ko sila habang nag-uusap. Si Cesca ay napaka seryoso. Samantalang si AJ ay napa kamot ng batok.
Bigla namang hinila hila ni Sam iyong dulo ng shirt ko.
"Mommy, matagal pa po ba sila mag talk? Gutom na po ako." sabi ni Sam.
"Sandali na lang, anak." sagot ko, kaagad din namang kaming binalikan ni AJ.
Pero si Cesca ay nag-iba na ng direksyon. Bruha 'yun! 'di man lang nagpaalam sa akin.
"Oh, saan nagpunta 'yun? Hindi man lang siya nagpaalam sa akin." Reklamo ko.
"Ahh, ano. Papasok na kasi daw siya, nagmamadali, may tumawag sakaniya e." Sagot naman sa akin ni AJ.
"Anong pinag usapan ninyo?" tanong ko.
"Tungkol lang sa isa kong empleyado. Mukhang may problema daw, nung nagdeliver daw kasi siya mukhang tuliro."
Napakunot naman ako ng noo.
"Hindi niya ba pwedeng sabihin sa'yo iyon na nakaharap ako?"
"Hon naman, hayaan mo na 'yun. Saka, ayoko din naman pinoproblema mo ang mga problema ko." sabi niya at hinawakan na ang aking kamay. "Halika na nga, siguradong gutom na itong baby boy natin." Sabi ni AJ at pinsil pisil pa ang pisngi ni Sam.
"Ouch, daddy! You're hurting me."
Pagpasok namin sa loob ng fast food chain, kaagad niyang linapitan iyong estatwa ni McDonalds at ginaya pa ang pose nito.
Napaka bibo talaga ng anak ko, hindi naman ako ganyan. Maybe..-- argh, nevermind.
"Ako na mag-oorder, a;am ko na ang favorite ni Sam. Ikaw ba, hon?" tanong niya sa akin.
"Tulad na lang ng sa'yo." Sagot ko.
Habang hinihintay namin si AJ ay biglang lumipat ng pwesto si Sam sa kabilang table.
"I want to sit there, mommy." Sabi ng anak ko. Eh mukhang may nakaupo naman doon.
"Sam!" tawag ko rito.
Nang makita ko kung sino ang pinuntahan niya, again napapahinto ako sa paghabol ko sa kaniya. Letse! Bakit ba nandito din ito?!
Busy siya na nakaharap sa kaniyang laptop at may pagkain na nakalagay sa tabi ng kaniyang mga folders.
"Oh nandito ka rin, Sam? Ang mommy mo?" tanong niya.
"Favorite ko po si McDo, tito." Sagot naman ni Sam.
"Talaga? Ako din e, pareho pala tayo ng favorite." Sabi ni Bernard habang nakangiting tumingin sa akin.
"Opo! I like singing po, I like eating here, I like eating street foods, I like everything!" masiglang sabi ni Sam at tuwang-tuwa pa.
"Talaga? Ang swerte naman ng mommy and daddy mo, they have you. Sayang, hindi kami nagkababy nung wife ko." Sabi ni Bernard na naka tingin parin sa akin.
Wife niya? So, may asawa na siya? Pero napakagat parin ako ng labi, pinipigilan kong hindi maasar sa mukha niya dahil hindi ako komportable sa tingin niya.
Umiwas na lamang ako ng tingin sa kaniya at iginawi ko ang tingin kay AJ na nasa counter. Nagbabayad na ito.
"Sam, halika na. Balik na tayo sa pwesto natin, patapos na mag order si daddy." Aya ko rito at hinawakan na ang kaniyang kamay.
"But I still wanna to talk to tito Bernard pa po. Mamaya na lang po kapag nibalik na po si daddy." Tanggi niya at binawi ang kaniyang kamay.
"Mukhang hinahanap na kayo ng daddy mo, Sam. Sige na, may gagawin din ako. Next time na magkita tayo, maglalaro tayong dalawa." Sabi naman ni Bernard at pinat pa ang ulo ni Sam.
"Promise?" – Sam
"Promise." Sabi naman ni Bernard at nakipag pinky swear pa kay Sam.
"Bianca, tatawag ako."
Hindi na ako sumagot o lumingon pa sakaniya.
Nang bumalik na kami sa aming pwesto ay saktong dating ni AJ.
"Saan kayo galing?" tanong nito sa akin.
"Ang likot nitong si Sam e, kung saan saan pumupunta." Pagdadahilan ko habang inaayos na ang kakainin ni Sam.
Tumango naman si AJ at nag-umpisa ng kumain.
![](https://img.wattpad.com/cover/84360241-288-k841320.jpg)
BINABASA MO ANG
I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)
RomantizmBook 2 of Seducing the Seducer. NOT EDITED