Kabanata 27

3.3K 62 3
                                    

"Birthday mo po mommy?" tanong ni Sam sa akin.

"No. bakit, baby?"

"Bakit madaming foods sa baba?"

Ngumiti naman ako at iniupo siya sa aking hita.
"Family day ngayon. Diba, you want to eat with us? 'yung kasama si daddy." Sabi ko sa kaniya.

"Talaga po? Gagawin din po ba ni daddy nun 'yung ginagawa ni tito Bernard satin? 'yung ipagseserve niya po tayo?" –Sam

"H-ha? Oo naman." Sagot ko at nginitian siya.

Maya-maya'y tinawagan ko si AJ. Pero sa aking palagay, nakapatay ang kaniyang cell. Hindi ko siya matawagan o ano.
Huwag naman ngayon.

"Mommy, pwede po ba akong magwatch ng T.V habang wala pa po si daddy?" paalam ni Sam.

Tumango na lamang ako para hindi naman mainip itong anak ko.
Sinubukan ko siyang tawagan ngunit out of coverage area parin ito.

Ilang oras na akong naghihintay sa sala namin. Titig na titig pa ako sa pinto. But, no AJ appeared. Gabi na, hindi siya nagpapagabi ng ganito unless may ginagawa sila okaya nama'y may lakad siya.
At madalas, nagpapaalam sya sa akin kapag gagabihin siya.

"Nasan ka na ba, AJ?" bulong ko sa aking sarili habang sinusubukan paring idial ang kaniyang numero.

"Mommy, matagal pa po ba si daddy? I'm hungry na po and I want to sleep na." si Sam na kinukusot pa ang kaniyang mga mata.

"Sandali na lang, baby ha? Sandaling sandali na lang." sabi ko na nakatuon ang aking tingin sa aking cell.

"Pwede na po ba akong mauna?" paalam nito.

"Wait na natin si daddy, ok? Sandali na lang si daddy. Tiis muna, Sam ha?" sabi ko at hinaplos ang kaniyang buhok.

Its already 9 in the evening, wala parin siya. Si Sam ay nakatulog na sa dining table. Sayang lang ang mga inihanda ko. sayang ang pinlano ko.
Kaya, minabuti ko ng gisingin si Sam upang kumain na siya.

Hindi naman na gaanong nakakain ng maayos si Sam sa kadahilanang inaantok na nga siya. Ngayon, ako naman ay hihintayin parin si AJ.
Ayoko sa lahat ang nag-iisip ng masama tungkol sa kaniya. Pero, hindi kaya niloloko niya nga ako?

NO BIANCA! ERASE! ERASE!
WALA SIYANG IBA!

Hindi ko pa alam na nakatulog na ako sa kakahintay ng kaniyang tawag at kakahintay sa kaniya na dumating siya.
Nagising lang ako nang marinig ko na may sasakyang dumating. Kaagad akong tumayo at sinilip kung siya na ba iyon. At hindi ako nagkamali.

Lalabasan ko sana siya nang bahay nang makapasok na siya ng bahay na ang lakad ay pagewang gewang pa.

"are you drunk?!" sita ko rito.

"bakit hindi ka pa natutulog? Gabi na."

Ikina init ng dugo ko ang kaniyang sagot. Ni hindi man lang niya pinansin ang aking tanong! What the hell diba?!

"Ano bang nangyayari sa'yo?! Lately, lagi ka nalang umuuwi ng late! Ang lamig lamig ng pakikitungo mo sa akin!" sigaw ko rito habang hinahampas ang kaniyang dibdib.

Hinawakan naman niya ang aking kamay at pinigilan ako.

"Pagod ako! gusto kong magpahinga, hindi ba pwede iyon?!" sigaw niya sa akin at binitawan na ako.

"Pago ka?! Bakit ka uminom?! Hindi mo alam kung gaano ako nag-aalala sa'yo sa tuwing 'di ka uuwi ng maaga! Hindi mo din alam na naghanda ako ng dinner nating tatlo para lang magkasabay-sabay tayong kumain sa hapag kainan kahit na minsan lang!"

Kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi hudyat na siya ay naka inom nga.
Sumimangot naman siya at tinalikuran na ako.

"Ito lang pala ang madadatnan ko rito sa bahay. Kung aawayin mo lang ako, mabuti pa't matulog na lang ako." sabi niya at umakyat na sa hagdan.

Hindi ko naman mapigilan ang umiyak dahil sa mga nangyayari ngayon.
Nagkukulang ba ako bilang asawa? Nagkukulang ba ako bilang katuwang niya sa buhay? Ginawa ko naman ang lahat upang makalimutan si Bernard at siya na lamang ang mahalin. Pero, bakit ganito ang isinusukli niya sa akin ngayon?!

Nginig ang aking dalawang kamay na hinugot ang cellphone mula sa aking bulsa.
hinanap ko ang pangalan ni Cesca at saka pinindot ang dial button.

"Hello, gabi na?" bungad nito sa akin.

"Cesca, pwede ba akong pumunta sa bahay mo?" tanong ko.

"Bianca? Umiiyak ka ba?"

Hindi na ako nagdalawang isip na pumunta sa bahay ni Cesca.
Tutal, siya lamang ang mag-isa sa bahay kaya free ako na mag open sa kaniya.

"Nag-away kayo? Bakit?"

"Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kaniya. Madalang na lang kami nagkakausap, kumakain ng sabay. Ni hindi man lang niya ako matanungan kung kumusta ang araw ko. kung ok ba iyon o hindi." Sagot ko.

"So, anong balak mo? hihiwalayan mo na siya?"

Napa angat naman ako ng tingin.
"syempre, hindi. Hanggat wala akong nakikitang dahilan para mag hiwalay kami hindi ko gagawin 'yun. Hanggat kaya ko pang ayusin ang sa aming dalawa. Siguro, kailangan ko lang siyang bigyan ng time."

"Ano ba kasi ang nangyayari sa inyo sa bahay? Bakit hindi kayo nag kakausap?" usisa niya.

"Madalas, late na siyang umuwi. Minsan ay naka inom pa siya kaya kami nag-aaway. Pero kanina, iba siya. Parang hindi siya si AJ." sagot ko naman.

"Alam mo, ganun talaga kapag pinilit mong mahalin 'yung isang tao. 'yung mga expectations mo dati sa kaniya, iba pala. Hindi akma sa iniisip mo." sabi ni Cesca habang siya ay kumakain.

Buntis nga naman.

"Sa tingin mo, may problema siya?" tanong ko.

"Oo. Hayaan mo muna kase friend. Magkakaayos din kayo, pero kung sa tingin mo hindi mo na kaya, makipag kalas ka na."

"Hindi naman madali 'yun. Ano na lang sasabihin ni Sam diba? Hindi pwede." Sabi ko at nagsalumbaba.

"Edi hindi."

"Pero alam mo, kung ako sa'yo sabihin mo na diyan sa anak mo kung anong totoo." Dagadag naman niya.

"anong totoo?"

"'yung tungkol sa tunay niyang ama. Para hindi na siya mabigla kapag naghiwalay kayo ni AJ."

Hindi na lamang ako sumagot sa kaniya. Mga advice ng babaeng 'to puro patapon. Imbis na macomfort ako eh mas lalo lang akong namomroblema.

Naiisip ko ngayon ang kapakanan ng aking anak. Natatakot ako na maging magulo ang kaniyang buhay sa oras na mangyari iyon. Ayokong malito siya kung sino ang tunay niyang ama dahil sa siya'y bata pa lang para masangkot sa problema namin.


I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon