"My help? Bakit ako?" tanong ko.
Bakit ganito ang nafefeel ko? may dapat ba akong malaman?
Damn! Nakaka-kaba!Nagkatinginang muli 'yung dalawa bago niya ako sinagot.
"B-bernard... si Sam.."Nabitin pa ako kay Bianca o. Pero nang sabihin niya ang pangalan ni Sam e kinabahan na talaga ako. Feeling ko'y napaka importante sa akin ng kaniyang sasabihin.
"Si Sam, anak mo. Ikaw ang tunay niyang ama." Nakatungo niyang sabi sa akin.
Parang hindi pa na-Absorb ng utak ko 'yung sinabi niya kaya napa tanong ako ng:
"Ano?" ulit sa kaniya."Pare, si Sam anak mo." this time, si Anthon na ang sumagot.
Anak ko si Sam? Ako 'yung ama? Hindi si Anthon ang tunay na tatay ni Sam? Anak namin ni Bianca si Sam? Buntis si Bianca nung maghiwalay kami? Shit!
"Hindi ko alam kung magsasaya ako o magagalit ako sa inyo. Fuck!" napa mura pa ako dahil sa aking nalaman.
Sabi ko na nga ba! Kaya magaan ang loob ko dun sa bata. Kaya feeling ko e ako talaga ang tatay niya.
"B-bernard, I'm sorry. Pero, sa ngayon... isipin muna natin si Sam. May sakit siya at kailangan niya ng dugo. Si Jasmine mismo ang nagsabi sa amin na AB ang blood type mo." – Bianca
Hindi na kami nagsayang ng oras at kinuhanan na ako ng dugo. Well, hindi naman ako drug user at wala akong tattoo kaya safe na safe ang anak ko sa aking dugo.
Pagkatapos kong magpakuha ng dugo ay pumasok ako sa kwarto ni Sam. Gising siya at sumilay ang ngiti sa kaniyang labi nang makita niya ako.
"Daddy Bernard." Kahit na nanghihina ito nakuha niya paring banggitin ang pangalan ko.
"Daddy?" sabat naman ng bitter na Anthon na 'to.
"Oo, Anthon. At mula ngayon, Sam... daddy na talaga ang itatawag mo sa akin. Ok?" sabi ko at hinaplos ang kaniyang buhok.
"No, bernard, huwag ka ngang..—"
Pinutol ko ang kaniyang sasabihin "Sam, ako talaga ang daddy mo. Galing diba? Siguro ngayon hindi mo pa maiintindihan. Kapag old enough ka na, ieexplain ko sa'yo 'yun..—""Stop it Bernard!" this time, si Anthon ang pumutol sa aking sasabihin.
"Enough the both of you." Awat naman ni Bianca.
"Bakit ba, Anthon? Ayaw mong ipaalam ko sa ANAK KO na ako talaga ang daddy niya at hindi ikaw?" sarkastiko kong tanong.
"Tama na 'yan!" – Bianca
"Sira ulo ka pala e! Hindi ka man lang makapag hintay na gumaling si Sam!" si Anthon naman ay sinugod ako at kinwelyuhan.
"Mommy..."
Binitawan lang ako ni Anthon nang makita niyang umiiyak na ang anak ko.
Inayos ko ang aking kwelyo at neck tie at lumapit sa aking anak."Shh, hush now." Alo ko rito at nginitian siya upang siya'y mapanatag.
Ilang sandali lamang ay may pumasok na iilang nurse at 'yung doctor.
Sasalinan na daw si Sam ng dugo kaya ililipat muna siya sa isang kwarto."Hindi pa tayo tapos." Sabi ko at linagpasan na si Anthon.
Pansamantala muna akong umalis sa hospital. Babalik naman ako kapag natapos na ako sa dapat kong gawin.
Patuloy naman ako sa pagbuzzer sa labas ng condo ni Cesca. Alam kong sa condo niya lang siya nagi-stay.
Bakas sa kaniyang muka ang inis."Ang kulit ah. Nagpapahinga 'yung tao o." sabi niya at pinandilatan pa ako.
"Mag-usap tayo." Sabi ko at hinatak siya papasok ng kaniyang condo.
"Ano ba! Huwag mo akong kinakaladkad! Buntis ako!"
Tinulak ko naman siya sa kaniyang sofa upang maging dahilan ng pagkabagsak niya doon. Wala akong pakialam kahit na buntis siya.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na anak ko si Sam?!"
Magsasalita na siya nang unahan ko ito.
"huwag mong sabihing hindi mo alam!" sigaw ko."Aba! Sinuswerte ka kung ganun! Sinasabi ko na nga lahat sa'yo para makuha mo ulit si Bianca 'no! Imbis na sigaw sigawan mo ako, magpasalamat ka nalang dahil naging malapit ka sa anak niya. Hindi mo naman malalaman na nandito na sila sa Pilipinas kung hindi sa akin lang. At, hindi ulit kayo magkaka-communication ni Bianca ng dahil sa akin!"
Inirapan ko naman siya.
"My point is, bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol kay Sam?! Wala akong pakealam sa'yo. Kung sinabi mo kaagad sa akin edi ako nalang naghanap sa mag-ina ko. Kaya ko naman mag-isang gawin 'yun!""Still, you owe me a lot!"
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya gamit ng aking isang kamay.
"Ano pang alam mo? tell me!""wala na! bitawan mo ko!"
Bigla namang may humila sa akin mula sa aking likod. 'yung tarantadong nangwelyo kanina sa akin at nagpapanggap na ama ng anak ko lang naman ang nanutok sa akin ngayon.
"Tarantado ka! Don't you ever touch her!" sigaw niya sa akin at sinangga si Cesca mula sa kaniyang likuran.
I laughed sarcastically then I wiped the fucking blood beside my lips.
"Gago ka pala e. 'yung sinasabi mo na anak mo may sakit! Bakit ka nandito?! Alam ba ni Bianca kung sino ang pinupuntahan mo? sira ulo ka!" sigaw ko sa kaniya."Wala ka ng pakealam dun! My concern here is the child!"
I smirked.
"Gusto mo tawagin natin si Bianca ngayon at sa kaniya mo sabihin 'yang mga concerns mo?" panghahamon ko at inilabas ang aking cell phone."Huwag mong madamay-damay ang asawa ko rito! Labas siya!"
"Bakit? Sabihin mo, natatakot ka na hiwalayan ka niya once na malaman niya ang katarantaduhang ginawa mo. at, isa pa... magagamit ko ang anak ko para makuha sila sa'yo. How ironic, babalik din pala sila sa akin ng hindi ko inaasahan." Mapang-asar kong saad.
"Tigilan mo na 'yang kahibangan mo, Bernard. Ginagawa ko ang lahat para maging buo kami kaya huwag mong sisirain lahat ng plano ko!"
"Wow! Pati ba ang pambubuntis mo sa best friend ni Bianca ay plano mo rin?" sabi ko na napapa-iling.
"And you, Cesca... you're a whore." Pagkasabi ko noon ay tinalikuran ko na sila."You're a bastard Bernard! Desperado!" sigaw naman ni Cesca sa akin.
Hindi ko na sila nilingon pa o ano. Sisiguraduhin kong makukuha kong muli ang mag-ina ko. at sisiguraduhin ko ring malalaman ni Bianca ang lahat.
![](https://img.wattpad.com/cover/84360241-288-k841320.jpg)
BINABASA MO ANG
I don't seduce SEDUCERS (COMPLETE)
RomanceBook 2 of Seducing the Seducer. NOT EDITED