The place

551 7 0
                                    


nahihirapan parin akong matulog dito bukod sa maliit ang kwarto eh matigas pa para sa akin ang higaan kahit nakabili na ako ng kotchon..but anyway i need to do this just to feel how hard to become a poor girl..i want to know the feelings of my workers how hard is this at kung papano nila kinakaya ito. Mula pagkabata ko ay lumaki na ako sa marangyang buhay ngunit  minulat din naman ako ni mama at papa sa kahirapan na hindi sa lahat ng pagkakataon eh dapat ay mataas ka sa tao kahit mahirap ito. Dapat laging intindihin ang mga tao anoman ang gawin nila masama man un o mabuti dahil lahat ay may dahilan which is true na lagi ko namang ginagawa kahit hindi ko sila kasama. Dahil sa sobrang daming negosyo madalang na lang kami magkita at isa pa may sarili na rin akong company na sarili kong hirap pati resort  at ilang mall. Mahirap magtagumpay sa simula buti na lang nandyan ang parents ko na handang umalalay sa akin syempre pati na rin ang kaibigan kong sosyal..


na sa ganon akong pag iisip ng di ko namalayan na nakatulog na pala ako..kahit hating gabi na ako nakatulog ay maaga parin akong nagising. magluluto sana ako ng pritong itlog ngunit wala akong nabiling itlog kaya minabuti kong mamili sa may tindahan sa kabilang kanto. Pauwi na ako ng makasalubong ko si michael..


michael saan ka pupunta??


ha? papasok na ko..


ha!! bakit ang aga mo naman pumasok??


oo marami pa kasi akong gagawin ehh kaya kailangan kong pumasok..


saan ka ba nagwowork??


sa construction lang sa kabilang bayan..


ahh doon ba kung san tayo unang nagkita??


oo dun nga sige una na ako malayo pa ang lalakarin ko eh..


ano?? bakit maglalakad ka lang ba??


oo para tipid...sige una na ako..


pambihirang lalakeng iyon malayo ang lalakarin nya...kaya ba ang aga nyang pumasok para makatipid sa pamasahe nya...


wala akong ginawa maghapon sa bahay kundi manood ng tv, maglaptop, at magpatugtog...gabi na rin kaya kumain na ako...

&\

&

&

&

isang linggo na rin pala akong walang ginagawa dito kundi manood ng tv at kumain nakakainip...makapagluto na nga lang..

ayyyyyyyy!!!!!!!! sunog sunog!!!!!!(diane)


bakit diane ano yan?? bakit ang taas ng apoy??


sunog! sunog! sigaw ni diane bubuhusan sana nya ito ng tubig ngunit agad naman yon kinuha ni michael


ano ka ba diane wag mong buhusan ng tubig yan lalong lalake ang apoy..(michael)


kumuha ng kumot si michael at binasa bago itinaklob sa kawale..unti unti namang nawala ang apoy sa kawale.


wow ang galing ha pano mo napatay un??...(diane)


kasi po dapat kumuha ka ng basang damit at itaklob un sa nasusunog wag mong bubuhusan ng tubig kasi lalong lalaki ang sunog ok ba un??


yes!! ang galing naman ganon lang pala yon??


oo bakit ba nagkaroon ng apoy un??


ehh kasi magluluto sana ako siguro napalakas ang apoy ko kaya ayon..teka nga pala bakit nandito ka pa tanghali na ha wala ka bang pasok??


ha?? wa,,wala na akong trabaho kakatapos lang kahapon kaya ito maghahanap ako ng trabaho..ikaw ba hindi ka ba pumapasok ng trabaho?? 


ha trabaho??? oo nga pala hindi ako nagtatrabaho at lagi lang nasa bahay...sabi ng isip nya...ah maghahanap pa lang ako ng work eh..(diane)


ganon ba kung gusto mo sabay na tayong maghanap ng trabaho? (michael)


talaga sige!! wait maliligo lang ako at magbibihis(diane)


sige hintayin kita sa labas...(michael)


hindi na sya nag ayos pa ng matagal total naman pagpapawisan lang sya sa paghahanap ng trabaho..tumungo sila sa computer shop para magpagawa ng resume..


The Billioners GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon