First move ni rochell!! Part 28

400 4 0
                                    


Kinagabihan hinihintay ko sa labas ng mall si michael ng makita kong kasama nya si rochell

Diane nandyan ka pala akala ko umuwi ka na..bati agad ni michael ng makita si diane

What!! Umuwi! Eh diba lagi naman tayong sabay umuwi! Galit na sagot ni diane

Akala ko kasi nasabi sayo ni rose na hindi ako sasabay sa pag uwi kailangan ko kasi ihatid si rochell napilay yata kasi sya kanina sa pagkakahulog nya sa hagdanan kaya ito ihahatid ko

Walang sinabi sa akin si rose saka pabayaan muna nga sya isakay mo na lang sya sa taxi tapos pahatid mo na lang sa tinutuluyan nya para makauwi na tayo

Ano ka ba diane kailangan ni rochell ng tulong natin kung gusto mo samahan mo ako na ihatid sya bago tayo umuwi..

Hindi na baka makaabala pa ako sa inyo!! Sigaw ni diane sabay talikod

Kung ganon diane ingat ka nalang ha.. Sagot ni rochell habang nakaakbay kay michael..

Pwede ba rochell hindi mo ako katulad na mahina! Sagot naman ni diane bago umalis

Tara na michael baka gabihin tayo..nakangiting sabi ni rochell

Bwusit na michael un unahin ba naman si rochell..naku nakakainis! (Diane)

Diane! Bakit mag isa kang naglalakad asan si michael? Tanong ni leo ng makita si diane

Oh buti napadaan ka.. Hatid mo nga ako sa bahay wala si michael busy kay rochell..

Bakit mo sila pinabayaan pano kung may gawing masama si rochell sa kanya..

Naku leo kaya ni michael ang sarili nya..tara na

Ng makarating kami sa bahay ay hindi muna agad umalis si leo hinintay nya na makarating si michael bago sya umalis..

Diane anong kukunin mo? Tanong ni leo ng makitang sumampa ng bangko si diane

Magluluto kasi ako para kay michael..teka kukunin ko lang toh bakit kasi ang taas ng pinaglagyan ni michael dito ehh parang ayaw pakuha..

Diane mag iingat ka..

Ayyyy!!!!!! Sigaw ni diane ng madulas sya sa upuan na tinutuntungan nya hinintay na lang nya na bumagsak sya sa sahig.

Diane ok ka lang ba? Natatawang sabi ni leo habang tinitignan si diane na nasa sahig sabi ko naman sayo mag iingay ka..alam mo naman kasi na maliit ka ehh pilit mo pang kinukuha toh sana inutos mo na lang sa akin

Ayoko po kasi kitang abalahin dyan kaya ako na lang ang kumuha

Naku..oh kaya mo bang tumayo?

Oo naman..ngunit pagtayo ni diane ay bumagsak din sya..

Oh akala ko ba kaya mong tumayo. Halika na nga buhatin na kit..sabay buhat ni leo kay diane

Bigla naman dumating si michael

Anong ginagawa nyo? Nagtatakang tanong ni michael ng makita na karga karga ni leo si diane

Naku michael mali ka sa iniisip mo..sagot agad ni diane

Ok lang pala na hindi mo ako kasabay umuwi may kasama ka na pala dito..sagot naman ni michael nag aalala pa man din ako sayo kasi sabi ko wala kang kasama pero mukhang nagkamali ako mukhang nag eenjoy ka pa yata.

Naku pare mali ka sa iniisip mo nalaglag yan sa upuan..sabay baba ni leo sa sofa..oh pano diane nandyan na si michael una na ako..

Sige ingat ka salamat sa paghatid..

Pare ikaw na bahala kay diane ha ..sige pagpapaalam ni leo

Sige pasok na ako sa kwarto..

Teka michael kumain ka na ba? Ipagluluto kita..

Wag na busog pa ako kumain ako kila rochell..sige

Kumain ka na? Ako hindi pa magluluto pa man din sana ako ng pagkain para sayo malungkot na sagot ni diane..

Bakit hindi ka pa kumain..hindi ko naman sinabi na hintayin mo ako..sabay alis ni michael nadaanan nya ang nagtapong harina sa sahig.. Oh bakit puro harina dito?

Ahh wala natapon lang yan kanina sige lilinisin ko na lang mamaya

Pumasok na ng kwarto si michael at hindi na lumabas naiwang mag isa si diane sa sofa

Teka nga malinis na ang nagkalat para makatulog..teka..aaaraayyy..ang sakit ng balakang ko pambihira ang tindi yata ng pagkalahulog ko..aray may sugat pala ako sa paa hindi ko napansin siguro tumama sa pako dun sa pader.. Hindi ako makatayo dito na nga lang ako matulog bukas na lang yon linisin..

MICHAEL POV hindi ko pa naririnig si diane na pumasok sa kabilang kwarto para matulog kaya sinilip ko sya sa labas nakita kong natutulog na sya kaya nilapitan ko sya para ipasok sa kanyang kwarto.. Nakita ko ang nagkalat na harina sa sahig kaya nilinis ko na ito. Siguro totoo nga na magluluto sya..pagkatapos ay natulog na rin ako sa kwarto ko.

The Billioners GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon