Mika!! 15

493 6 0
                                    


Matapos ang pagtatalo namin ni mika hindi na nya ako kinausap. Ngayon day off ko kaya dito lang ako sa bahay nagpapahinga ng bigla kong matanaw si michael na papalis kaya agad ko syang tinawag mula sa bintana 


 Michael saan ka pupunta db day off natin ngayon?


 Ui diane nandyan ka pala..papasok akong school ibibigay ko ang project ko..sige bye! 


 Ano daw papasok sa school? Ano un nag aaral sya eh nagtatrabaho sya ha.. 


 Kayayari ko lang maligo ng mapagdesisyunan kong pumunta kila nay dolores total wala naman akong gagawin. Naabutan ko syang naglalaba kahit gabi na 


 Nay dolores gabi na po ah bakit naglalaba pa po kayo? Magpahinga na po kayo 


 Naku diane nandyan ka pala tara pasok ka dito..kailangan ko kasing tapusin ito kasi bukas mamamalansta ako kila aling minda 


 Ho? Hindi po kaya mapagod po kayo? Baka magkasakit po kayo nyan


 Naku iha kailangan eh maraming gastusin dito sa bahay at isa pa nag aaral pa ang mga anak ko kailangan namin ng pera.. 


 Ganon po ba? Eh asan po pala ang asawa nyo parang hindi ko nakikita. 


 Ah ung tatay nila na sa bukid nila mag ambo 


 Ano po ginagawa nya doon?


 Kasi mula ng mawalan sya ng trabaho doon na sya pumasok bilang magsasaka para kahit papaano eh kumita. Minsan isang linggo lang sya umuwi para hindi masayang ang pamasahe..


 Ganon po..ang sipag nyo namang lahat po 


 Naku ganyan talaga kapag gusto mong mabuhay sa mundo lahat kailangang paghirapan..


 Tama po kayo jan..nga po pala si michael po nandito na? 


 Naku wala pa baka hating gabi na un umuwi..


 Bakit naman po? 


 Pumasok kasi sya sa school 


 Talaga po! Nag aaral po ba sya?


 Oo iha alam mo napakaswerte ko sa anak ko na iyon..isipin mo nag aaral sya habang nagtatrabaho


Buti kaya po nya? 


 Oo naman at kahit alam ko na nahihirapan na sya eh pilit parin nya ung kinakaya kasi daw may pangarap sya..alam mo ba wala kaming iniintindi nyan sa pag aaral nya ni singko 


 Talaga po? 


 Oo sya kasi ang nagpapaaral sa sarili nya..kaya nagtatrabaho sya para sa pag aaral nya tapos tumutulong pa sya sa gastusin dito sa bahay.

The Billioners GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon