ito na ba ang katotohanan?

210 3 2
                                    

ano yon until now wala pa ring nakakaalam kung sino ang bumaril kay basty at kay michael?! (leo)

yess boss mukhang pinaghandaan po kasi ang nangyari kaya wala kami makitang kahit anong ibedensya...(tauhan)

kahit na gawan nyo yan ng paraan! ilang araw na ang nakakalipas at hanggang ngayon wala parin kahit konti! ano pa at binabayaran ko kayo, kaya nga ako kumuha ng katulad nyo dahil ang mga pulis ay mababagal..(leo)

sige po boss gagawan po nmin ng paraan agad..

sige na bilisan nyo!(leo)

tok tok tok

mukhang mainit ang ulo mo ha (harold)

oh bakit kayo nandito?(leo)

wala lang para kasing may dapat kaming malaman(harold)

ano naman yon?(leo)

wag ka ng maglihim alam kong pinapaimbistigahan mo ang nangyari samin ni basty (michael)

ano na may resulta na ba? (harold)

anong magiging resulta? ayon kalalabas lang ng inutusan ko at ang sabi wala silang makitang ibedensya.(leo)

pano na yan mag iisang linggo na yan ahh (harold)

oo nga..wala ka na ba talagang natatandaan michael sa nangyari na pwede natin gamitin para makakuha man lang tayo ng idea? (leo)

actually meron akong pinagtatakahan..(michael)

ano yon? (harold)

ng gabing mabaril sya may pagkakataon pa sana na barilin dn ako pero di nya ginawa.(michael)

bakit? (leo)

hindi ko din alam, pero ang nakakapagtaka yong sinabi ni basty..para bang kilala nya ang gumawa non..(michael)

bakit ano bang sinabi nya(harold)

sabi nya lang tama na..(michael)

sus un lang pala ehh ano masama naman dun (harold)

wala naman pero ung way nya makipag usap at tumingin dun parang iba ehh..basta may something..(michael)

mukhang kailangan natin makausap si basty..(leo)

tama un din ang naiisip ko total ayos naman na sya..(michael)

so ano pang hinihintay natin? tara na (harold)

ospital..

oh guys anong ginagawa nyo napasugod kayong lahat ha..(basty)

kamusta na ang pkiramdam mo? (leo)

ok na lalabas na daw ako bukas..(basty)

basty..(leo)

ano yon?(basty)

may itatanong kami tungkol sa nangyari sa inyo ng gabing yon..kilala mo ba ang may gawa nyan? o may idea ka ba sa nangyari? (leo)

si michael ay nanatili lng nakaupo sa sofa habang hinihintay ang sasabihin ni basty samantalang si harold naman ay abala sa pagbabalat ng mansanas.

meron...ang tanging nasabi ni basty na nagpatigil sa kanilang ginagawa pero hindi na nadugtungan pa ang sinabi nyang iyon dahil kasunod non ay ang pagbukas ng pinto kasabay ang paglitaw nila teresa,diane at rose..

nanatiling tanong ang binitiwang salita ni basty sa kanilang isipan. Alam nila na hindi yon basta basta sagot na nabigla lang. Alam din nila na kailangan na nilang makausap ng masinsinan si basty. sinubukan nilang kausapin ulit si basty ng nakaharap ang mga babae pero iniwas lang ni basty na sagutin ang tanong nila na lalong nagpataka sa kanila. Dahil alam nila na parang may tinatago ito na ayaw ipaalam sa mga girls kaya nanatili na lang silang tahimik at humanap ng chance para makausap nila si basty.

matapos ang araw na yon ay sabay sabay na silang umalis ng ospital at kinabukasan ay sabay sabay din silang dumating para sunduin si basty sa paglabas nila, tanging si rose lang ang wala ng araw na yon. nagkaroon ng konting kasiyahan sa bahay nila diane dahil sa paglabas nya. Naisip ng mga lalake na pagkakataon na yon para makausap si basty. At alam nila na hindi na nila kailangan pang ilihim ang gagawin nila sa mga babae kaya napagdesisyunan nila na sabihin na din sa kanila ang kanilang balak, sakto din at wala na si rose dahil sino pa ba naman ang hindi nila dapat sabihan ng tungkol dito, hindi pwede si diane ano sya tanga para ipahamak ang mahal nya at hindi din naman pwede si teresa dahil wala nmn syang lihim na galit sa mga ito saka kababata nila si teresa tanging si rose lang ang naiisip nila na hindi ganon katiwatiwala..

The Billioners GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon