DIANE POV
nagising ako na nasa kwarto na ako..siguro nilipat ako ni michael kagabi ng natutulog pa ako..buti na lang naalala pa nya ako..akala ko ay talagang nalimutan na nya ako..pag labas ko ay may nakita na akong lutong pagkain..pritong tuyo, itlog at sinangag na kanin..hindi ko na nakita si michael siguro pumasok na sya opening kasi sya at ako ay closing.. Nakita ko ang namuong dugo sa paa ko hindi ko nga pala ito nalinis kagabi dahil hindi ko kinayang tumayo sa sobrang sakit ng balakang ko..buti na lang hindi na gaanong masakit..pagkatapos kong kumain ay naligo na ako at pumasok inabutan kong nagkakagulo sa loob ng mall
Bakit anong nangyari? Tanong ko agad sa guard
Naku diane may magnanakaw sa supermarket kaya walang pwedeng pumasok at lumabas ng mall sagot ng guard
Ano!! Hindi pwede ito paano ang mga tao na nasa loob! At si michael nasa loob din ito..agad akong pumasok sa loob kahit pinagbabawalan nila ako pero wala silang nagawa.. Nakita ko ang manager na natatakot..ano ba ito ang manager pa ang unang natatakot sa kanila..hindi ako napansin ng mga tao sa loob pati ang guard kaya mabilis akong nakapunta sa kinaroroonan ni michael.. Nakita ko na yakap yakap nya si rochell nagulat ako sa nakita ko.. Kaya pinuntahan ko na lang ang supermarket na malapit lang sa pwesto nila.. Mula sa kinaroroonan ko nakita ko mga magnanakaw na may takip ng mukha at may hawak hawak na bata..
Anak ko!! Sigaw ng babae sa likuran ko..
Anak nya siguro ang bata..ano ang gagawin ko..
Bigla namang may nagpaputok ng baril mula sa loob kaya nagkagulo na sa loob lahat ay nagtatakbuhan ang iba ay nagtatago..dali dali naman akong lumapit sa kinaroroonan ng lalakeng magnanakaw na may hawak sa bata buti na lang hindi nya ako nakita kaya agad ko itong hinampas ng lata ng gatas..akala nyo kung ano na ang ihahampas ko noh..nagulat naman ang lalake kaya agad nabitiwan ang bata dali dali itong tumakbo papalayo samantalang ang lalakeng magnanakaw ay galit na galit sa akin. Babarilin nya sana ako ng baril pero agad akong nakatakbo.. Sa kakatakbo ko nakita ko ang isang lalakeng magnanakaw na may babariling tao. Nakita kong si michael ang babarilin ngunit humarang si rochell kaya natamaan si rochell buti na lang sa balikat lang nakita kong inalalayan ni michael si rochell bago bumagsak sa sahig babarilin pa sana ng magnanakaw sila michael pero agad kong niyakap ang magnanakaw kaya ako ang tinamaan ng baril hindi alam ni michael na babarilin pa sila at hindi din nakita ni michael ang ginawa ko..bago pa ako mawalan ng malay nakita ko ang sarili ko na naliligo na sa dugo bago dumating ang mga pulis at kasama si leo
BINABASA MO ANG
The Billioners Girl
RomansaPano Kung sawa na si Diane sa pagiging mayaman at gusto nya maranasan ang pagiging simpleng tao ngunit ano ang gagawin nya kung di sinsadya na mainlove sya sa isang lalakeng mababa ang katayuan sa buhay. Magagawa kaya nyang aminin ang tunay na sya k...
