the day!!

328 6 0
                                        

Maya maya lang magsisimula na ang concert na ginawa namin. Katabi ko si michael at si leo sa kabilang side naman sila teresa at harold hinahanap ko si edward na sya daw na artista eh di ko makita naku may pasurprise pa talaga ang mga loko sila leo kasi ang nag asikaso nito. Nakita ko ang dami ng tao, nakakatuwa, talagang dinagsa kami sana magtagumpay na kami,

Nagstart na ang concert may kumanta at sumayaw maya maya pa ay umakyat na si edward..

Wow!! Un lang nasabi ko dahil nag iba ang itsura nya. Ibang iba sa itsura na nakita ko nung una..

Tumingin lang sya sakin at kinindatan ako. Nagulat naman ako sa ginawa nya.. Nakita ko na nakita un ni michael kaya biglang nagwalk out ang lolo mo..

Bigla naman nagtilian ang mga tao sa paligid..naks sikat din pala sya dito..

I love you edward!

Wooohhh! Sa wakas nakita din kita ng personal!

Un ang narinig ko na tili nila. Nagsimula na syang kumanta at sumayaw..

Ako naman umalis para icheck ang mall kung anong ganap..pagpasok ko sa department store nakarinig ako ng bulungan

Sayang hindi natin sya nakita noh? Nakaduty kasi tayo.

Oo nga ehg crush ko pa man din sya.. May mga movie nga nya ako sa bahay ehh

Alam mo kung makikita ko lang sya kontento na ako..

Narinig ko un mula sa likod nila hindi kasi nila napansin na nandun ako tapos umalis na sila kaya nagpatulot na ako sa pagcheck kung ok na ba ang lahat..

Tinanong ko kung ok ba ang sales ng oras na un at sabi naman ng manager eh nagincrease daw sale na kaya natutuwa ako pagbaba ko narinig ko na may biglang problema..

Paano na ang gagawin natin? Un pa man din ang next

Kaya nagtanong ako kung ano ang nagyayari. Sinabi nila na ang may solo na kakanta ay paos kakapractice kaya wala ng kakanta.. Nag alala kami na baka masira ang ginawa namin biglang sulpot naman ni michael mula sa likod ko..

Ako na lang ang kakanta

Lahat kami ay nagtinginan

Kaya mo ba? Wala kang practice

Wala naman tayong magagawa db?

Bigla na lang sya nagpunta sa c.r at paglabas laking gulat ko ng nakita ko na nagpalit pala sya ng damit..

Buti na lang may pamalit ako at laging handa
Sabi nya

Ngumiti lang ako sa kanya at umalis na pumunta ako sa harap ng stage para panoorin sya pero laking gulat ko ng umakyat sya ay nag iba ang itsura nya..

Ang loko nag ayos pa.. Naging mas gwapo pa tuloy sya ngayon..

Nagsimula na syang kumanta, nagtilian naman ang tao,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagsimula na syang kumanta, nagtilian naman ang tao,

Wooh sino sya ang pogi
Pang artistahin sya ha..

Gwapo!!

Un ang sigaw nila mula sa likod ko..

Oo nga pang artistahin nga naman sya.. Sabi ko tuloy sa isip ko. Nagulat ako ng tumingin sya akin at nagflying kiss bigla tuloy lalong hiyawan ng tao

Wow!! Sino ang girl na un ang swerte nya!!!

Sabay na tili ng mga babae

Nahiya tuloy ako bigla..tatayo na sana ako kaso hinawakan ako ni leo

Dito ka lang hindi pa sya tapos

Bigala akong tumingin sa kanya sa sinabi nya..pero ngumiti lang sya sakin

Biglang tumahimik naman ang lahat kaya napatingin ako sa stage nakita ko na may dalawang babae na lumapit sakin.. Niyayaya nila ako sa stage.. Nagulat ako dahil hindi ko alam ang gagawin tumingin lang kay leo kung kasama ba ito sa palabas pero tumango lang sya kaya no choice ako kundi sumama sa kanila. Pag akyat ko sa stage biglang nawala si michael bababa na sana ako kaso bigla syang lumabas mula sa backstage na may dala dalang bulaklak..nagulat naman ako sa nakita ko

The Billioners GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon