The Plan!! Part 18

440 7 0
                                    


Diane pov
Ilang araw din kaming masaya na para bang walang nangyari..siguro sadyang kinalimutan na lang namin un para di kami magkailangan

Nandito ako ngayon sa loob ng stockroom nautusan kasi ako ni mika na magbilang ng delivery namin..hindi ko naman alam na bigla pa lang dumating dito si basty para tulungan ako kaso dahil sa di ko sinasadyang pangyayari nagkauntugan kami kaya dumugo ang labi nya. Agad ko namang pinunasan ang labi nya ng biglang dumating si mika..

Anong ginagawa nyo?! Sigaw ni mika

Wala! Sagot ko naman

Naghahalikan kayo dito?

Ha? Hindi noh hindi yon totoo

Bigla naman nyang pinagkalat sa mga kasamahan namin ang maling kwento kaya usapan ako sa buong store

Mika alam mong hindi un totoo bakit maling balita ang kinakalat mo? Tanong ko sa kanya

Well ano ba sa palagay mo?

Bakit ba galit na galit ka sakin? Wala naman akong ginagawang masama sayo ha..

Akala mo lang wala..

Bakit ba galit na galit ka sa akin?

Kasi ayoko sa mga tulad mo na kahit walang alam eh tinanggap dito alam mo bang ang laki ng hirap ko para lang makapasok dito tapos ikaw na walang alam eh nakapasok agad hindi yon patas!

Kung ganon naman pala dapat tinanong mo sa hr kung bakit ako tinanggap

Ano ako tanga!! Tapos ngayon inaagaw mo si basty sa akin..

Ano? Hindi ko inaagaw si basty sayo wala kaming relasyon at saka hindi naman kayo diba?

Hindi nga pero kahit na inaagaw mo pa rin sya sakin kaya humanda ka!!

Diane pinapatawag ka sa office..(rose)

Sir hindi ko po un ginawa..at kaylanman hindi ko un gagawin..mali lang ng nakita si mika sir..

Alam ko diane na hindi mo un gagawin pero nag usap usap na kami kailangan kang bigyan ng suspencion

Ho? Suspended ako! Pero wala akong ginawang masama sinabi ko na sir hindi namin un ginawa!

Ginawa nyo man un o hindi wala na tayong magagawa nagdesisyon na ang lahat kaya hindi ka muna makakapasok ng isang linggo..makakaalis ka na..

Diane ok ka lang ba? Ano sabi sayo ni manager? Tanong agad ni rose ng makabalik ako sa selling

Ayon suspended ako..ng isang linggo

Ano? Eh d nyo naman un ginawa ehh

Kaya nga ehh pero hindi sila naniniwala ehh..

Naku dapat lang yan sa kanya dapat nga tinanggal na yan ehh singit ni mika sa kanila

Ano ka ba mika hindi ka pa rin ba titigil? Ang sama mo talaga mika..galit na sabi ni rose

Oh diane umalis ka na dapat wag ka ng bumalik

sa bahay...

Diane totoo ba? Bungad agad sa akin ni michael ng makauwi sya galing mall

Ang alin?

Na isang linggo kang mawawala

Oo..

Bakit dahil sa kumakalat na balita?

Oo..

Pero hindi naman un totoo db?

Pano mo nalaman? Nandoon ka ba ng nangyari un?

Wala pero naniniwala ako na hindi mo yon gagawin

Bakt naman

Basta alam ko na hindi mo un kayang gawin..

Talaga? Salamat ha michael at naniniwala ka sa akin..

So anong gagawin mo ngayon? Wala dito lang sa bahay magpapahinga ok nga un ehh mahaba habang pahinga nakakapagod din kasi magtrabaho..

Oo nga tama un magpahinga ka na lang muna

Oh bakit ka malungkot?

Wala lang naisip ko lang kasi basta basta silang nagdesisyon ng wala man lang ebidensya o d man lang tinanong ang side ko basta lang nila ako sinuspend..

Naku diane talagang ganyan ung matataas ayos lang sa kanila magtanggal ng magtanggal o kahit anong gawin nila kasi nasa taas sila mas iniisip nila ang reputasyon nila kesa sa malaman ang tunay na nangyari

Talaga bang ganon sila?

Oo

Meron namang iba na hindi tulad nila ehh

Alam ko..kaso wala pa akong nakikitang ganon ehh..kumain ka na ba? Namili ako ng sopao baka gusto mo

Salamat michael..buti na lang nandyan ka..gumagaan tuloy ang loob ko..

Ok lang yon..

Limang araw na ang nakakalipas ng biglang pinapasok ako agad sa mall...nagtataka man ako pero pumasok na ako..

Ano un rose? Ginawa ba talaga un ni basty?

Oo ang lakas nga ng loob nya na kausapin ang manager ehh..

Tapos....

Un sinabi nya ang lahat..na Hindi daw totoo ang binibintang nya na mali sila..

So tapos anong nangyari..

Ayon di sila naniniwala kaya ginawa ni basty umalis sya ang kapalit eh papasukin ka na..

Ano?! Hindi naman nya dapat un ginawa..2 days na lang naman makakapasok na ako ehh

Naku sis un ang akala mo..Alam mo ba narinig namin na wala na daw talagang balak na papasukin ka dito kahit after 7 days kaya ginawa un ni basty..

Nakakaawa naman sya..hindi nya kailangang gawin yon..

Yon nga sabi ko kaso lang ayaw nya papigil para daw sayo..

Ang sweet noh..kaya nya talagang mawalan ng work just for you..

Mula ng pangyayaring yon naging mailap na ang pakikitungo sa akin ng kapwa ko workers..maliban Kay rose..iniisip kasi nila na malanding Babae ako at mapapahamak lang sila kapag nilapitan ako.

Diane OK ka lang ba? Tanong ni Michael

oo OK lang ako

Naku parang hindi naman ehh..kanina pa ako salita ng salita dito pero wala kang imik

Ganon ba? Ano bang sinasabi mo?

Wala Ano ba kasi ang iniisip mo? Wag mong sabihin na yong nangyari parin sayo nun at ung ginawa parin ni basty para sayo?

O..oo kasi nahihiya ako sa kanya ehh at naaawa dahil sa akin nawalan sya ng trabaho

Alam mo puro ka na lang hiya..Hindi ba pwedeng kahit minsan isipin mo ang sarili mo? Alam mo Diane minsan talaga kailangang may magsakripisyo para sa iba. Lagi mo yan tatandaan. At kung ako ang nasa kalagayan nya at yon lang ang paraan para makapasok ka ulit gagawin ko din yon para sayo..

Talaga? Para sa akin?

oo naman..kaya wag ka ng mag isip dyan o kumain ka na ng dala ko..pasalubong ko yon sayo..

Pano mo toh nabili eh magkasama lang tayo ha saka anong pasalubong eh pareho lang tayong pumasok sa mall..

Oo nga paslubong ko yan sayo kanina di kasi tayo sabay kumain kaya binili na lang kita para ipasalubong sayo..

Ikaw talaga..salamat ha..

The Billioners GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon