sinong may mali?

291 3 0
                                    

Diane pov:
Its been a month since nagstart  ang bago naming project. Naging maganda naman ang pagtakbo nito kahit nagsisimula pa lang ang lahat. Magaling na architect si michael akala mo batikan na sya kahit hindi  pa naman. Si basty naman ang pinangasiwa ko muna ng isang bakeshop sa isang mall ko sa pasay para naman magkaroon sya ng experince sa pagmamanage kapag nag open na ang hotel at restaurant. Oo sabay na namin un pinagawa dahil sabi naman ni michael ay kaya nya daw pagsabayin un. So hindi nga ako nagkamali dahil ang bilis nyang nagawa ang mga pinapagawa ko. And yes malapit na itong matapos. Halos lahat ay ayos na, masaya na kami dahil stable na company, at ang mall na minsan ng muntik bumagsak. And kung tatanungin nyo ang tungkol sa mga umalis kong board members ayon nagsisisi at gusto ng bumalik pero sad to say hindi ko na kayang tanggapin ang mga taong minsan ng kinalimutan ako.

Besty alin ba dito ang maganda? Itong white o pink?

Siguro besty pink na lang para mabago naman..

Yes tama nga kayo ng iniisip magpapakasal na itong lokaret kong bestfriend. Kanino? Syempre kanino pa edi kay harold nya. Nandito kasi kami ngayon sa kung anong tawag nila dito kasi nagsusukat sya ng kanyang isusuot. Hay ako kaya kelan ikakasal. Mukhang wala pa kasi sa isip ni michael ang pagpapakasal. Masyadong tutuk sya sa project nya. Hindi ko nga alam kung dapat ba akong matuwa o magalit sa nangyayari. Ako kasi ang nag offer sa kanya ng trabaho na ito and dalawang project agad kaya ang dating walang time sakin mas tutuk sya sa mga pinapagawa dun. Gabi na kung umuwi sya kadalasan tulog na ako. Yes nagsasama na nga kami kung baga live in na kami pero walang kasal pa na nagyayari. Actually mas matagal pa sya na kasama ang mga trabahdor nya sa akin eh. Oo ako nga may ari pero hindi ko pa din hawak ang oras nya dahil ang lagi nyang sinasabi sakin kailangan daw nyang matapos ang project nya agd dahil may importanteng bagay pa daw syang inaasikaso ngayon pero hindi naman nya masabi sakin kung anong importanteng bagay yon basta daw hindi daw kasi pwede sabihin masyading masekreto. Eh ano ba nya ako..oo nga hindi pa naman kami pala kasala so hindi pa nya ako asawa girlfriend pa lang pala ako. 

Besty ok na nafit ko na ang damit so ung pink ang kinuha ko. Excited na ako besty..

Sus hindi naman halata eh. Tara na nga

Aalis na sana kami kaso may nakita ako na pamilyar na mukha. And hindi nga ako nagkakamali si rose yon ang hindi ko malaman kung tunay ko bang kaibigan o hindi. Hindi pa kasi malinaw ang lahat samin kahit sabihin nya na wala syang alam sa nangyari samin nun pero feeling ko talaga meron eh. Pero sana nga nagkakamali ako. Pinili ko na lang na hindi sya pansinin dahil wala naman akong sasabihin sa kanya pero napabalik tingin ako sa kanya ng makita ko ang kasama nyang lalake. And yes its michael..kasama nya din dito kung saan nagsusukat din ng damit si rose. So ano ito bakit magpapakasal na ba sya and sino o kanino at bakit kailangang si michael pa ang kasama nya. Pinili kong wag na lang din pansinin itatanong ko na lang sa kanya kapag nakauwi na sya sa bahay. Pero itong magaling kong kaibigan nagsalita pa nakita din pala nya.

Besty sila michael oh magkasama sila ni rose.. Alam mo ba ito?

Still hindi ako nagsalita eh ano ba naman ang sasabihin ko db.

Basty!!

Loko tinawag pa no choice ako kundi tignan tuloy..at ang walang hiya nilapitan pa..napasunod tuloy ako

Basty bakit magkasama kayo?

Aba ang walanghiya nauna pang magtanong sakin. Asawa lang ang peg?

Mahal nandyan ka pala? (michael)

Malamang nakikita mo diba? Joke sabi ko lang yan sa isip ko..
Oo kanina pa. Anong ginagawa nyo dito ni rose at bakit magkasama kayo?

Ah nagpasama lang sakin si rose dito.

So nagkakausap na pala kayo? May contact kayo,sa isat isa?

Wala mahal ano ka ba nagkita kasi kami sa coffe shop hindi ko naman alam na un pala ang sinasabi nya na mag oopen na so dun kami nagkita.

Then?

Un nagpasama sya sakin.

Ahh hindi mo man lang sinabi sakin?

Alam ko kasi busy ka eh.

Alam mo naman pala. Alam mo din na pupunta kami dito diba?

Alam ko pero hindi ko naman alam na dito din pala.

Ok buti pa sya nasamahan mo kami ni teresa hindi. Sige una na kami baka makaabala pa ako.

Wait lang mahal.

Biglang labas ni rose mula sa fitting room
Michael ok na ba ito?(rose)
Oh nandito pala sila san sila pupunta?

Wala pabayaan muna sila.

pero baka kasi mamaya iba isipin nun?

ok lang kakausapin ko na lang mamaya sya.

sure ka michael ayoko na kasi mag isip pa sya ng iba eh tulad ng nangyari noon

ano ka ba wala na yon.

naubos ang oras namin ni rose sa kakapili ng damit na isusuot nya. opsss mali kayo ng iniisip dahil hindi pa sya ikakasal abay lang sya sa isang kasal ng kanyang malapit na kaibigan. gabi na ng umuwi ako sa bahay and yes nadatnan ko si diane na busy sa computer.alam ko galit pa sya sakin about sa nakita nya pero hindi ko naman sya masisisi kahit naman siguro ako ang makakita sa kanya ng ganon diba magagalit din ako.

mahal gising ka pa pala. sabay halik ko sa pisngi nya. pero sad to say hindi nya ako pinansin ganito talaga toh kapag naiinis o nagagalit.
mahal galit kapa ba sakin? sorry na sabay yakap ko sa kanya at halik sa pisngi. hindi ko naman kasi alam na ang coffee shop na pinuntahan ko ay sa kanya pala mahal. sana naman maintindihan mo ako.

eh bakit hindi mo sinabi sakin?

kasi nagmamadali na si rose at nawala na din sa isip ko. sorry na talaga hindi na mauulit. please

ok sige basta hindi na mauulit ha.

ok promise sabay taas ko pa ng kanang kamay ko na parang nangangako

The Billioners GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon