ang susunod na pagbabanta

209 1 0
                                    

hello rose ayos ka na ba?(diane)

oh kayo pala..ayos naman ako anong ginagawa nyo dito?(rose)

si besty kasi eh ayaw paawat gusto ka nyang dalawin..(teresa)

eh diba nandito lang kayo kagabi? (rose)

oo nga pero gusto kita kasing alagaan at bantayan eh..(diane)

pero diane hindi muna kailangan pang gawin ito. May mga nurse naman dyan para bantayan ako at alagaan, ano pang silbi at na sa private hospital ako kung hindi din naman nila ako aalagaan diba?(rose)

naku rose sinabi ko na yan sa kanya pero wala..ayaw talagang paawat..(teresa)

Alam ko naman diane kahit hindi mo sabihin nararamdaman ko, (rose)

ang alin? (diane)

alam ko sinisisi mo ang sarali mo sa nangyari sakin..(rose)

Hindi naman sa ganon pero kung hindi dahil sa akin hindi mangyayari sayo yan, kung hindi mo sinalo ang bato na tatama sakin hindi ka sana magkakaganyan, makakalakad ka pa sana..(diane)

besty diba sabi naman ng doctor pwede pa sya makalakad basta magpapatherapy lang sya at aalagaan nya ang sarili nya may possible na makalakad pa sya.(teresa)

possible pero pano kung hindi..(diane)

ano ka ba diane wag kang nega, magpapatherapy ako once na makalabas na ako ng ospital saka aalagaan ko ang sarili ko at kung sakali man na hindi nga ako nakalakad na ok lang ayaw mo yon mapapahinga na ako..hehehehe (rose)

ano ka ba rose..(diane)

basta dont worry na ok..kaya ko ito at alam ko naman na nandyan kayo para sakin diba handang suportahan ako ano man ang mangyari..(rose)

oo naman syempre..(diane)

txt form unknown:
nakita mo na ba ang kaya kong gawin?
masaya ka ba sa nangyari?
sayang hindi ka nakasakay ng kotse edi sana boommmmm!!!! hahahahaha masaya sana..sana nagkita na kayo..wag kang mag alala dahil simula pa lang ito ng pangamba mo. Ngayon pa lang mag iingat ka na baka ang isunod ko ay ang mga kaibigan mo!!!

sinong???? sino ba sya?? bakit nya ba ito ginagawa..lihim kong nasabi sa isip ko dahil ayokong ipaalam sa kanila ang nangyayari.

reply:
sino ka ba talaga? at anong kailangan mo sakin? pwede ba magpakilala ka at anong sinasabi mong sana nagkita na kami..sino ba ang tinutukoy mo? pwede ba wang mong idamay ang mga kaibigan ko!! magpakilala ka sakin kung matapang ka!!

naghintay sya ng reply pero wala syang reply na natanggap. Tinawagan naman nya ito pero nakapatay na ang cellphone. Hindi nya din malocate ang txt dahil lahat ng txt sa kanya ay iba iba ang number. siguro ginawa talaga yon para hindi malocate ang distination ng txt.

mahihirapan ako dito pano ko ba ito masusulosyunan ngayon pa na malapit na ang kasal namin. ano ba ang dapat kong gawin?

diane ok ka lang ba? tagal mo magbalat ng mansanas ha (rose)

ahh sorry may nagtxt lang galing sa office..
ito na ang apple..(diane)

gabi na rin kaya napagdesisyunan na nila na umuwi..

txt from unknown:
hindi muna ako dapat pang makilala dahil matagal muna akong kilala

dahil sa reply na yon ay lalo syang naguluhan at nagtaka dahil ito ang kauna unahang pagkakataon na nagreply ito sa mga txt nya. sinubukan nyang tawagan ito pero hindi na muli ito nagriring tulad ng inaasahan nya.

diane nandito na ako..(michael)

oh mahal nandyan ka na pala kamusta ang office nakakapagod ba?

sakto lang..may good news ako sayo.

ano yon?

regarding sa mga pinapatayo mo po..

oh ano un?

sa palagay ko matatapos na yon by next month..almost finish na kasi eh

talaga!! thats good news!!

alam ko, magaling din kasi si basty mamahala ehh, sya namahala ng iba kapag walA ako and take note halos kunin na nga nya lahat ng trabaho ko eh.

talaga? hindi talaga ako nagsisi na kunin sya..

lagi ka nga nya kinakamusta sakin, ang sabi ko naman ayos ka lang nagtataka kasi sya bakit daw hindi ka na pumapasok sa office..mukhang namimiss ka ng basty mo ha.

ano ka ba michael sira ka talaga..mag isip ba naman ng kung ano ano alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko ehh..

alam ko yon pero baka si basty hindi pa nya alam..

ui nagselos ang magiging asawa ko..

alam mo hindi naman ako nagseselos..naawa lang ako sa tao baka kasi pinapaasa mo..

naawa lang ako sa tao baka kasi pinapaasa mo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

u

i sobra ka hindi noh magkaibigan lang kami..tara nga dito nakasandal ka pa dyan kala mo naman gwapo ka..

bakit hindi ba?

hindi noh kapal naman ng mukha mo

talaga ba? kung ganon san mo pala ako nagustuhan?

secret..

secret secret ka pa dyan..

opss wait lang may nagtxt..

sige baba lang ako bumaba ka na din para makakain na tayo ha..

opo..

txt from unknown:
parang may gusto akong kausapin yong kaibigan mo ba na napakabait, alam ko sya ang kakahire mo lang at sya ang isa sa namamahala sa pinapatayo mo ngayon, ano kaya kung isang araw ang pinapagawa mo ehh bigla na lang......................bumigay at ang masakit pa nito nandoon sya sa loob ano ang gagawin mo? diba busy ka naman ngayon so hindi mo sya mababantayan..hahahaha sige dagdagan pa natin ng isa kung magagawa mong maligtas ang susunod kong bibiktimahin makikipagkita ako sa inyo,

sino ka ba talaga? at balak mo pang idamay talaga si basty..sino ka ba talaga at ano ba ang ginasa ko sayo??

The Billioners GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon