diane o rose!!

312 3 0
                                    

Michael salamat sa paghatid sakin dito sa bahay pati narin ang pag aalaga sakin. Kung wala ka siguro hindi ko na alam ang gagawin ko (rose)

Ok lang un. Sa susunod mag iingat ka na kasi, tignan mo ang nangyari sayo dahil sa kapabayaan mo nadisgrasya ka buti na lang hindi ka gaano nasaktan.

Opo..😁😁😁

So paano una na ako baka hinahanap na ako ni diane hindi na ako nakatawag pa sa kanya eh..

Sige michael salamat ha.

Sige..

Aalis na sana ako kaso bigla namang nalaglag sa upuan si rose.

Oh anong nangyari?

Sorry pinipilit ko kasi na tumayo kaso di ko pala kaya..sorry michael

Ok lang.saan ka ba pupunta?

Magluluto sana ako para sa hapunan..

Oo nga pala hindi ka pa kumakain..
Sige ako na ang magluluto ano ba ang gusto mo?

Naku wag na nakakahiya na sayo. Tinulungan muna nga ako tapos ngayon ipagluluto mo pa ako.. Sobrang nakakahiya na sayo michael

Wag ka sabing mahiya ehh ano pa at naging magkaibigan tayo db?

Sa kabilang dako hindi alam ni michael na kanina pa tumatawag sila leo sa kanya.

Lumalim ang gabi na hindi napapansin ni michael ang oras. Masyado syang busy para kay rose kaya hindi nya alam kung ano ang nangyari sa kanyang girlfriend.

Hinintay pa nya na makatulog si rose bago sya umalis. Pero nagtataka naman sya kung bakit hindi tumutunog ang cellphone nya na tanda na may nagtxt o tumatawag sa kanya kaya minabuti nya na tignan ang cellphone sa kanyang bag. Laking gulat nya na halos empty na ang battery nya dahil sa dami ng txt at tawag mula kila leo at diane.

Dali dali syang umalis at naghanap ng masasakyan. Pagsakay na pagsakay pa lang nya isa isa nyang binuksan ang message .
From diane:
Babe san ka kakain?

Babe wait kita dito sabay na tayo umuwi mamaya.

Babe bakit hindi ka sumasagot sa tawag ko.

Babe magtxt ka naman. Nag aalala na ako sayo break mo kanina pero wala ka man lang txt may load ka naman.

From leo:
Pare san ka?

Pre nag aalala sayo si diane

Pre....

Ui pre sasagot ka ba o babangasan ko ang mukha mo..

From harold:
Pre lagot ka galit na si diane sayo magreply ka naman..

Ito ang nag agaw pansin sa kanya na higit nyang ikinagulat.

From teresa: michael na sa ospital si diane..!!!

Hindi alam ni michael kung ano ang gagawin..

Manong sa ospital po tayo..buti na lang natxt din ni teresa sa akin kung saan ospital nandoon si diane. Tatawagan ko sana si diane kaso nakapatay ang cellphone nya. Si teresa na sana ang susunod kong tatawagan ng bigla ng namatay ang cellphone ko..pinilit ko pang buhayin ang phone ko pero talagang empty na.

Ano kaya ang nangyari sa kanya. Sana naman hindi malala. Bakit ba kasi wala ako sa tabi nya. Bakit kasi hindi ko napansin na tumatawag sya. Hindi naman nakasilent ang phone ko bakit hindi ko narinig ang mga tawag at txt nila sakin..bakit?!!!

Sir nandito na po tayo. Sabi ng driver
Bumaba na ako at tatakbo na sana ng biglang sumigaw ang driver sa akin.

Sir ung bayad nyo po..

Oo nga pala nalimutan kong magbayad..sorry ho manong nagmamadali lang po.

Dali dali akong nagpunta sa emergency room para hanapin sila diane at buti na lang nakita ko agad sila leo at harold sa labas ng emergency room

Pare si diane!!
Hindi pa ako tapos magsalita ng bigla akong suntukin ni leo..

Bro wag dito..pigil ni harold sa kanya

Kung sumasagot ka kasi sa tawag namin o kahit sa kanya hindi sana mangyayari ito. Sana man lang marunong kang magtxt!! Galit na sigaw sakin ni leo

Sorry pare nagkaroon lang ng emergency..

Anong emergency ha!

Si ano kasi..
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang sumingit si harold

Si rose ba??

Ha??

Si rose ba ang dahilan kung bakit hindi ka sumasagot sa amin!!

Oo kasi..

Bullshit!!! Sigaw ni leo

Bakit ano bang masama sa pagtulong sa isang kaibigan. NadisgrasyA sya tumulong lang ako..saka pwede ba sabihin nyo sakin kung anong nangyari kay diane. Kamusta na sya. Ano bang nangyayari!! Please naman sabihin nyo sakin

Pero imbes na magsalita at sabihin sakin ang nangyari nanatili silang tahimik.

Ano ba hindi ba kayo magsasalita??

Bigla na lang may lumabas na doctor mula sa emergency room..

Family of the patient..???

The Billioners GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon