---;-;---------- Asan ba naman si michael kanina ko pa sya hinahanap sa taas wala naman makababa na nga lang..
Teka si michael ba un? Bakit naman nandun sya? Ui michael bakit ba nandyan ka kanina pa kita hinahanap sa taas wala ka un pala nandito ka lang..ano bang ginagawa mo dito kala ko tuloy iniwan muna ako
Hindi ahh..hindi kita iiwan kaylanman
Ano?
Wala sabi ko dito lang ako naghintay tara na nga..
Ui diane pauwi ka na ba? Tanong ni basty
Ui basty oo pauwi na kami..oo nga pala basty si michael...michael si basty friend ko
Ahh sya ba yong sinasabi ni rose?
Oo sya nga..
Well pare basty nga pala
Michael pare sige una na kami malayo pa ang pupuntahan namin..pagpapaalam ni michael
Wait sabay na kayo sa akin may service ako
Naku wag na pare malayo ang uuwian namin baka maligaw ka lang
Hindi ok lang hatid ko na kayo
Di na talaga pare ok lang..sige alis na kami..sabay hila ni michael kay diane
Basty bukas na lang ..sigaw ni diane sa di kalayuan
Ano ka ba michael bakit hindi tayo sumabay dun pwede naman tayong sumabay paraa makatipid tayo db nagtitipid ka?
Oo pero kahit na nagtitipid ako ayokong sumabay sa kanya
Eh bakit nga? Oh dont tell me na iinsecure ka sa kanya..hahaha bakit mas pogi sya sayo noh..
Ano ba diane bakit naman ako maiinsecure sa kanya?
Naku kunwari ka pa di ka naman ganyan dati ehh ..ikaw talaga sabay kiliti ni diane sa tagiliran ni michael
Ano ba diane wag mo nga akong kilitiin..
Bakit ba..sabay kiliti ulit sa gilid nito
Sinabi ng hindi ako nakikipagbiruan!!
Bakit anong gagawin mo ha..oh ito pa oh oh..
Sinabi ng tumigil ka eh..sabay halik ni michael sa labi ni diane...
Mahabang katahimikan ang nanaig sa kanila sa mga minutong yon..
Sabi ko kasi tumigil ka na ehh..agad na bungad ni michael ng magkahiwalay ang kanilang mga labi. Ta..tara na nga may sasakyan na.
Naiwang nakatulala si diane sa gitna..
Hoy! Diane tara na maiiwan ka ng jeep! Sigaw ni michael na ngayon ay nakasakay na ng sasakyan
Nakarating sila sa bahay ng walang imikan
Diane..about sa kanina..gusto ko lang humingi ng sorry ... Ito flowers para sayo..kinuha ko kanina sa garden ng mall para ibigay sana sayo agad kanina ng magkita tayo..sige alis na ako dali daling tumalikod sya kay diane at umalis
Lokong lalakeng un pagkatapos akong nakawan ng halik magsosorry at magbibigay ng bulakalak..ano to suhol sa ginawa nya kanina..lagot talaga sya sakin bukas...
What!! He kissed you? Gulat na sabi ni Teresa sa kabilang linya
Oo nga sabi eh paulit ulit?
Pero pano nangyari un? Don't tell may gusto sya sayo?
Aba malay ko wala naman syang sinasabi eh Basta ginawa na lang nya un
Aba dapat tanungin mo sya Hindi pwede ang ganyan ba!!
Oo bukas na bukas tatanungin ko un sa kanya..
Kinabukasan Nay Dolores nandyan pa po ba si Michael? Kanina pa po ako naghihintay sa kanya sa bahay pero wala pa po sya ehh
Naku iha kanina pa sya wala dito..akala ko nga sabay kayo eh..Hindi ba sya dumaan sayo kanina?
Hindi po eh..sige po una na po ako.. Siraulo talagang lalakeng un after nya akong halikan iiwan ako di man lang talaga nya ako hinintay..
Good morning rose nakita mo ba si Michael kanina ?
Hindi ehh bakit di ba kayo sabay pumasok kanina?
Hindi ehh..nagtataka nga ako bakit Hindi nya ako hinintay..
Oh nagkukwentuhan na naman kayo Dyan ha..ang aga aga!! Singit ni mika ng dumating
Naku sige magpupunas muna ako ng module..pagpapaalam ni Diane
Teka ung taas na yon hindi napupunasan mapunasan nga...asan ba ang hagdan? Ayon nakita ko rin makasampa na nga..
Yan malinis na edi mas maganda..makababa na nga..ngunit bigalang dumulas ang sapatos ni Diane kaya nawalan ito ng balance..
Putcha mahuhulog ako!! Hinintay ko na mahulog ako sa semento Pedro Hindi nangyari yon ng minulat ko ang aking mga mata agad Kong nakita si basty
Ok ka lang ba Diane?
Basty!! Bakit nandito ka?
Buti nga nandito ako kung Hindi baka nahulog ka na ang taas pa man din nyan..
Salamat ha buti nga nandyan ka..
Naku Diane tama na yang Arte mo..basty ibaba mo na yan.. Hindi naman yan nasaktan..galit na sabi ni nila
Sige basty salamat ulit ibaba muna Ako..
MICHAEL POV nakita kong karga karga ni basty si diane ano naman kaya ang issue nila? Nagkataon pa kasi na hinatid ko ang customer ko sa girls section kaya nakita Kong karga karga sya..dapat di ko na lang nakita un.. Nasasaktan Ako
Gabi na Hindi ko parin sya nakikita sa mall..iniiwasan ba nya ako? Dahil ba ito sa kagabi? Diba dapat ako ang umiiwas sa Kanya? Hindi ung sya ang umiiwas sa akin..Nilibot ko ang loob ng mall Pero di ko na sya nakita siguro umuwi na un at hindi man lang nya ako hinintay..bang makauwi ako sa bahay agad akong tumungo sa kanila para itanong kung nandun na sya pero laking gulat ko ng malaman ko na wala pa pala sya kaya minabuti Kong hintayin sya sa labas ng bahay..
MICHAEL POV alam Kong hinahanap ako ni Diane nagtago talaga ako para Hindi nya ako makita nahihiya pa kasi ako sa kanya sa ginawa ko kagabi kahit ako hindi ko din alam kung bakit ko nagawa un basta ng makita ko sya gusto ko na lang sya halikan..kahit Hindi ako Nagpakita sa kanya hinatid ko parin sya sa pag uwi mula sa malayo ng sa ganon alam kong ligtas syang makakauwi.. Papasok na sana ako sa loob ng bahay ng marinig ko ang sigaw ni Diane
Michael!! Bakit ngayon ka lang! Hindi mo ba Alam na kanina pa kita hinihintay? Bakit iniwan mo ako sa mall hindi muna nga ako hinintay papasok tapos iiwan mo naman ako sa pag uwi..bakit ka ganyan?
Kasi..Diane..Ano ehh..pero bigla na syang natigilan ng bigla syang halikan ni Diane
Ayan kwits na tayo!! Sabay na tayo sa page pasok bukas ha..wag mo akong iiwan ha
O..oo sige..
Pagkatapos nyang halikan si michel ay dali dali itong pumasok sa bahay..
Ano ka ba diane bakit mo un ginawa? Nababaliw ka na ba? Tanga ka talaga naku!! Pero atleast alam nya na di ako papatalo..ihh ihhh makatulog na nga..
Michael pov Nagulat talaga ako sa ginawa nya. Hindi ko akalain na gagawin nya un..ang saya ko ngayon..
Kinabukasan Diane! Diane! Late ka nanaman! Sigaw ni michael mula sa bintana
Hoy michael sinong tinatawag mo dyan?
Ikaw! Oh bakit nasa labas ka na? Kala ko nasa loob ka pa
Akala mo lang yon kanina pa ako gising hinihintay nga kita dun sa paradahan ehh..buti pala pumunta ako dito kung hindi maghihintay lang ako sa wala
Oo at magtatawag naman ako sa wala din..
Hahaha
Hahahaha
Tara na nga..
BINABASA MO ANG
The Billioners Girl
RomancePano Kung sawa na si Diane sa pagiging mayaman at gusto nya maranasan ang pagiging simpleng tao ngunit ano ang gagawin nya kung di sinsadya na mainlove sya sa isang lalakeng mababa ang katayuan sa buhay. Magagawa kaya nyang aminin ang tunay na sya k...