Naniniwala ba kayo na kapag may Dementia ang isang tao ay nakakakita siya ng mga bagay na hindi nakikita ng iba katulad nung bagong horror movie ni Nora Aunor na "Dementia"?
Kasi yung lola ko, madalas palagi siyang may kinukwento sa amin na mga nakikita niyang kakatwa sa bahay nila. Yun kasing bahay ng lola ko itinayo pa daw iyon noong 1902. Taun-taon lang nire-repair kaya hanggang ngayon matibay pa rin kahit gawa lamang sa kahoy yung bahay. Dati, alas dyes daw ng umaga nakita niya akong nagpunta sa kusina. Hindi na daw niya ako binati kasi nagmamadali daw ako. Kapag kasi nagmamadali ako pumunta sa kusina ibig sabihin natatae ako nun. Eh pagkarating ko ng alas dose nagtaka siya at tinanong niya kung kakauwi ko lang ba daw O kanina pako dumating. Sabi ko naman kakarating ko lang kasi always naman na 12 ng tanghali ang labas namin sa school eh. Sinabi niya nakita daw niya ako kaninang 10am na pumasok sa kusina. Eh wala naman ibang tao dun maliban sa kanya. Tapos minsan naman kapag nasa balkonahe siya naaabutan niya ako pumapasok sa gate at pag-akyat ko sabi niya bakit hindi ko daw pina-akyat yung mga bisita ko. Eh sabi ko wala naman ako ibang kasama umuwi. Wala rin naman mga tambay malapit sa bahay namin kasi halos lahat sa plaza lang nakatambay. Tahimik kaya sa lugar namin. Sabi niya may mga bata daw na sumunod sa akin papasok sa gate pero nung pag-akyat ko sa hagdan at isinara yung pinto hindi na raw nakaakyat yung mga bata. Eh wala naman akong kasama nung umaakyat ako. Bukod dun, marami pa siyang mga kakatwang nakita. Hindi lang mga multo kundi pati na rin mga engkanto. Pero imposible namang may Dementia ang lola ko kasi ang alam ko kapag may sakit na Dementia ang isang matanda, wala na siyang naaalala, hindi na siya nagsasalita, hindi na marunong lumunok ng pagkain at hindi na nakakapag-isip ng tama. Kasi yung lola ko 87 na pero malakas pa rin. Hndi nag-uulyanin. Madalas pa nga niya ikuwento sa akin yung mga pangyayaring naganap noong bata pa siya. Tandang tanda pa niya pati nung nagtatrabaho daw cla sa Sta. Mesa bilang mananahe pati ung mga kaklase at teacher nila noong nag-aaral pa cla kilala pa rin niya hanggang ngayon. Tapos magaling rin siya magluto at mag-manicure kahit matanda na. Kaya imposibleng dala lamang iyon ng katandaan niya. Kasi kahit yung ilang mga kapit bahay namin, minsan daw may nakikita clang lalaking nakaitim na barong sa bintana namin. Yung lola ko madalas rin daw niya makita iyon sabi niya yun daw yung lolo ko. Hndi pa man daw ako pinapanganak namatay na daw un dahil sa tumor sa utak. Minsan kapag may mga kasambahay kami o naglilinis sa bahay namin may nagpaparamdam rin daw sa kanila. Patunay lamang iyon na lahat ng mga nakikita ng lola ko ay hndi lamang gawa ng kanyang imahinasyon. Dahil marami dito sa amin ang nakakakita rin niyon pero sa akin, walang nagpapakita. Pero sumasapi, meron!
WAKAS
Ang kwentong ito ay base sa tunay na pangyayari. Kayo, may na-experience na ba kayo na kapareho ng sa amin?
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 2
HorrorHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events