Nanay Duray

1.2K 13 0
                                    

kwento ko nanman tungkol sa anting ni nanay duray.. at pamahiin..

matanda na si nanay duray nung nasa grade skul pa lang ako.. bakasyon nun nasa manila ako sa bahay ng ninang ko tapos yung eldest namin nasa quezon sa province namin. mahina na nun si nanay duray.. dala na rin ng sobrang katandaan ( di ko na maalala age nya basta nasa 80 or 90 na ata sya) alam na namin na isa sa mga araw na yun babawian na sya ng buhay .. ganun nga ang ngyare .. syempre dapat ihanda na nila lahat ng mga kailangan ang damit ataul patina rin yung pag lilibingan.. pero may di inaasahang ngyare.. dala na rin siguro ng kyuryosidad(curiosity) balibalita na kasi noon pa na may anting si lola or nanay duray. na yung anting daw nya pag pinainom mo sya ng water ay muli syang mabubuhay.. kaya yung isa sa mga anak nya pinatakan nya ng tubig sa labi si nanay.. at ayun nga parang magic huminga ulit sya.. kahit ilang oras na syang patay.. dahil dun n postpone ang burol nya.. nang makailang araw ( sabi kasi nila pag wala daw nag mana ng anting kusa na lang tong iluluwa at pag patak sa lupa or pag patak sa bibig ng may ari bigla n lng tong mawawala) binabantayan ng isa kong pinsan si lola nag salita daw ito sabi ni lola kung gusto nya dw b ng mahabang buhay, kung gusto mo kunin mo na ang anting ko kasi oras ko na at di na siguro nya kaya. tumanggi nmn yung pinsan ko kasi mouth to mouth ipapasa yun eh tsaka ayaw nya tlaga. tapos nakita nya na lang daw na open na yung bibig ni lola at may lumabas na bilog daw na puti ( parang bato ni darna) tapos pag bagsak sa sahig ambilis daw mawala.. kaya yun naniwala na kami sa anting anting nila... tungkol naman sa pamahiin samin bawal maligo pag may kamag anak na namatay.. eh yung eldest sister ko nasa may batis (sapa) nag lalaba.. bigla daw sya nakaligo nung tym na yun di nmn kc nya alam n namatay n si lola nung tym na yun.. kaya may weird na ngyare pag upo nya daw bigla na lang nag lagutukan yung tuhod nya (tunog na parang nabalian ng buto or something na may naputol na buto sa knees nya) pero hindi nmn dw masakit .. until now ganun pa rin ang tuhod nya.. di nmin alam kung nagkataon lng b ang lahat?

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon