Ito ay binahagi taon 2017.
This story is very popular to all Samarnon. "Carolina" "Biringan" "The Lost City" ilan lang yan sa mga salitang palaging nababanggit sa kwento. Babala: Lahat ng ito ay mga kwento ng mga matatanda at hindi pa napapatunayan ng agham ngunit pano natin masasabing wala itong katuturan kung karamihan sa mga Samarnon alam ang nakakatindig balahibong kwento na ito?
Si Carolina ay isang mala dyosang babae na nagbabantay sa buong Samar. Sinasabing ginahasa ito bago pinatay ng mga kalalakihan ngunit nabuhay sa isang lugar, ang Biringan. Biringan (Bilingan) ang katumbas sa tagalog ay "hanapan ng mga nawawala". Mapa-hayop, bagay at mas lalong pati tao. Sinasabing ang lugar na ito ay marami ng naninirahan at lahat sa kanila'y pinaghahanap pa hanggang sa kasalukuyan at lahat sila'y nakaharap muna si Carolina bago sila nawala. Ang Biringan ay isang syudad na animo'y paraiso sa sobrang ganda. Matataas na gusali, mayayamang tao, magagandang nilalang, mababait at walang krimen ang nagaganap. Sinasabing ang tanging taong kayang magdala ng bagong mamamayan doon ay walang iba kundi si CAROLINA. Siya'y nagpapakita sa mga taong gusto ng mamaalam o ayaw na sa kasalukuyang pamumuhay. Pero sinasabing mas lalo siyang interesado sa mga mababait at halos walang kasamaan ang puso para sa kanyang mas binubuong syudad. Kaya niyang linlangin ang mga baguhan at walang kaalam alam sa kanyang istorya, kapag inimbitahan ka niya, siguradong mapupunta ka sa Biringan. Ang tanging pananggalang sa mabulaklakin niyang pang eengganyo ay ang pagmamahal sa Diyos at pamilya.
Dahil sa mahaba na ang aking naisulat, ito ang isang nakakatakot na pangyayari.
2010
NV
Mang Joey: Pre balita ko ang yaman na ng Calbayog ah? (Calbayog isa sa mga syudad ng Samar)
Lolo: Bakit naman?
MJ: Kasi nong papauwi kami ng misis ko galing sa America may nakita ako sa internet (social media) na ang Calbayog ay may mall na. Nakalagay dun "Calbayog City SM"
Lolo: Pre, wala pang mall ang Calbayog. Kahit pumunta ka doon sa bayan wala pang mall
MJ: Ganun ba? Eh galing kami ng misis ko sa bayan. Pagkababa pa lang namin ng bus maraming mga taxi ang nag alok na ibyahe kami dito sa inyo kaso sabi ko, centercar nalang kami sasakay, mura pa (Centercar ay isang uri ng tricycle sa amin. Pero kasya dito ang 10 tao).
Lolo: Nahumon ka la! (Naku! nagkakamali ka) Wala pang taxi dito. Walang mall at taxi dito.
MJ: Pre, talaga ba? Eh sino ang mga taong yun? Ba't lahat sila kami lang yung inaalok eh ang daming tao dun kanina.
Para sa pagkakaalam ng lahat. Ang taong yun ay lumaki sa Calbayog at dahil sa kanyang mga anak nagmigrate na sila sa America. At sa taong (2010) wala pang mall sa Calbayog, 2016 nagsimulang magkaroon. At hanggang ngayon ni isang taxi wala pa ang syudad na iyon. Tanging tricycle at pedicab pa lang ang transportasyon sa syudad.
Marami din nagsasabi na bawat taon ay may kinukuhang mga tao (kaluluwa) para dalhin sa misteryosong syudad. Pag may nakasalubong kang mga taong walang gitna ang ilalim ng ilong "yung canal-like na nasa pagitan ng bibig at ilong" sila'y nanggaling sa lost city. Kukuha at oorder ng mga gamit sa iba pang lugar sa Samar ngunit ang address ay wala naman talaga sa Samar o maging sa mapa ng Visayas. Minsa'y may kakatok sayong mga nagtatanong na saan daw ang Biringan dahil may nag oorder daw at doon nakapirma ang address. Pero wala ni isang nagki-claim. Noon pang minsa'y paluwas ang tita ng kaibigan ko papuntang Samar sakay ang isang bus. Nang makarating sila sa tulay na may ilog sa ilalim, tumigil sandali ang driver ng bus sa pagmamaneho dahil may dadadaan daw na "Malaking barko". Tumigil ang bus ng labinlimang minuto para lang padaanin ang sinasabing ghost ship na tanging ang driver lang ang nakakaalam. Respeto daw iyon sabi ng driver para sa mga sinasabing bagay at mga nilalang.
Ito pa, dahil nga sikat ang istorya ni Carolina at ang Biringan City. Nagkaroon ng pagsasadula sa isang teatro (Hindi ko na babanggitin ang Org na iyon) tungkol sa buhay ni Carolina para sa mga manonood. Pero noong iimprinta na ang pangalan ng pangunahing tauhan sa "script" nito ay hindi ito lumalabas at bagkus mali mali ang paglabas sa printer na hindi naman sira at maayos namang tintatype. "Caro" , "Lin" , "Caroline" etc. kaya nagpasyahan nila na baguhin ang pangalan at ginawang "Carol".
Ang isa namang babae nag aantay ng masasakyan, nakatayo at palinga linga, may nakitang babaeng papalapit sa kanya. Isang maganda't mahaba ang buhok, maputi at nakaputing damit na nagsabing "Tiuli ka na?" (Papauwi ka na?) at tumango lang siya senyales ng "Oo" kasabay ang matamis na mga ngiti. Nag-usap silang dalawa, tumagal ng kalahating oras tantya niya. Pero pagtingin niya sa paligid walang katao tao maliban sa kanila ng dalaga. Pagkalipas ng ilang minutong pag uusap bigla itong nag aya na sumakay daw sila sa isang bus. Nagtaka ang dalaga na kung papaano napunta sa harapan nila ang isang malaki at magarbong bus na walang ni isang ingay na narinig. Wala na siyang nagawa kundi sumama at sumakay sa bus sa kadahilanang wala na siyang masasakyan pa. Pagkasampa nila sa bus ay nagbow lahat ng nakasakay at lahat nakatingin sa kanya. Iisa ang tumama sa kanyang isipan, lahat sila walang canal-like sa pagitan ng ilong at bibig. Dumaan ang isang oras at walang umiimik sa mga nakasama niya sa bus. Lahat sila ay parang hindi himihinga, na ayos lang ang up, bata man o matanda. Tumigil ang bus at sinabing nandito na sila. Bumaba siya at tinanong siya ni Carolina na kung gusto pa ba niyang sumama sa lugar nito. Pero naisip niya na hinahanap na siya ng mga magulang nito. Bumaba siya at nagpasalamat. Umalis ang bus at naiwan siyang nakatayo sa pintuan ng kanilang bahay. At pagbukas nito ay agad siyang niyakap ng kanyang inang umiiyak. At sa halip na umiyak ay tinawanan niya lang ang kanyang ina. Pero bakas sa mukha ng kanyang ama ang pag alala. "Nak, 3 araw ka na naming hinahanap, saan ka ba nagsusuot?" Ang nakangising ekspresyon ng dalaga ay napalitan ng takot at pangamba sa sinabi ng kanyang ama.
Ang kwentong ito ay ilang beses kong tinanong sa mga nagsabi sakin at pawang katotohanan ang kanilang sambit. Salamat sa pagbabasa.
At sa mga Wrong Spelling ko.
(c) spookify
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 2
HorrorHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events