Red Lady

1.1K 15 0
                                    

 Naalala ko pa nung buhay pa si lola suncion ko. sya ang paborito nming lola.. marami syang mga kwento na totoo at talagang naranasan nya .. naabutan pa nga nila ang world war two lalo na si lolo namin namatay sya edad na 105. may anting po kc sya.. pero tsaka ko n lng kukuwento ang tungkol sa anting ni lolo.. eto muna si red lady.. bata pa si lola nangangahoy (kumukuha ng kahoy ) silang mag kakapatid (nakalimutan ko na kung ilan sila eh ). mejo hapon ng mag pasya silang umuwe.. nung pauwe na sila di nila matukoy kung saan ang daan kc paulit ulit lang sila ng dinaraanan (parang natikbalangan) pero hindi daw ganun kc kung tikbalang lng yun dapat pag baliktad nila ng mga damit nila ay makakauwe na sila, pero di ganun ang ngyare paulit ulit pa rin ang dinadaanan nila .. bigla silang pinahinto ng panganay nilang kapatid. (mejo may alam po kc sa mga dasal at mga engkanto ang panganay nila). habang nakatigil nag simulang mag dasal ang panganay nila pabulong lang then after nun sinabi nya na sabay sabay daw silang titingin sa ilalim ng dalawang hita nila.. (katulad nung ginawa sa peemak kung nanuud kayo) pag tingin nila nakita nila ang isang babaeng pulang pula ang damit at napakaganda . as usual mahaba din ang hair nito. pero pag tingin nila sa mukha parang galit na galit at nanlilisik ang mga pula ring mga mata. matapos nun kinausap ng panganay nila na paraanin sila para silay makauwi na.. tapos nag usal ulit ito ng dasal at doon na nag laho ang ang babae.. nakauwi na sila sa bahay at takot na takot p rin s lola nun..  

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon