Urban Legend: Carmen

1.1K 18 0
                                    

  Si Carmen ay 17 na taong gulang noong natanggal ang kanyang ama sa trabaho at kailangan nilang lumipat sa isang liblib na lugar sa Indiana. Dahil sa kakulangan sa pera at nais ng kanyang ama na makahanap agad ng mas murang malilipatan at isang bagong trabaho, mabigat man sa loob ay pumayag si Carmen. Mahal niya kasi ang mga kaibigang maiiiwan niya at isa pa, ayaw niyang umattend sa bago niyang eskwelahan.
Pagkalipat nila ay naging mahirap kay Carmen ang makipagkaibigan sa mga kamag-aral niya. Nasa gitna na kasi ng buwan ng klase at halos lahat ay may kanya-kanya ng mga kaibigan. At halos lahat rin ay hindi interesadong makipagkaibigan sa kanya. Kaya't madalas ay mag-isa nalang siyang kumakain tuwing recess, naglalakad papunta sa kanyang klase ng nag-iisa, ni wala talagang kumakausap sa kanya. Maliban na lang noong simula siyang makipagkaibigan sa limang mga babae. Ang grupo ng mga limang babae na ito ay lubos na ikinatuwa ni Carmen dahil sa wakas ay may mga kaibigan na siya. Madalas na silang magkakasama at nagkaka-kwentuhan tungkol sa buhay-buhay. Buong akala ni Carmen ay mababait ang mga ito, lingid sa kanyang kaalaman, pagkatalikod niya, ay nagpapakalat na ito ng mga kwento na pawang kasinungalingan sa buong school laban sa kanya.
Ngunit isang araw ay nalaman ito ni Carmen. Kinumpronta niya ang mga ito ngunit imbes na matakot ay binully pa si Carmen. Araw-araw ay ginagawa nilang miserable ang buhay ni Carmen. Sinimulan nila sa pagtatawag ng kung anu-anong mga pangalan kay Carmen, hanggang sa pisikal na ang pag-atake. Ang pambubully nila, habang patagal ng patagal ay nagiging sobra na. Isang hapon, nakalimutan niya ang kanyang mga libro sa kanyang desk sa kanilang classroom. Pagbalik niya ay nakita niya na punit punit na ang mga ito at may mga sulat na puro vulgar words against sa kanya. Minsan naman ay nag-cr lang siya ng sandali at pagbalik niya, pagka-open ng bag niya ay sobrang lagkit ng nasa loob dahil marami palang yoghurt ang nandun. Mukhang may naglagay. Minsan ulit, pagkarating niya palang sa school, didiretso siya agad sa kanyang locker, at ang laki ng pagka-dismaya niya ng makita na puno ng sulat/vandalized ang kanyang locker. At ang pinaka-matindi ay uupo palang siya sa kanyang upuan, at hindi niya napansin na may tae na pala ng aso doon pagkaupo niya. Dahil sumusobra na, plinano ni Carmen na ipaalam ito sa kanilang guro para maisalba ang kanyang buhay. Lingid sa kanyang kaalaman, mukhang hindi na ito mangyayari pa.
Isang hapon, ang buong school ay nagsagawa ng fire-drill. Noong tumunog na ang alarm, ang mga estudyante ay dali-daling pumila at lumabas sa kani-kanilang mga classroom at nagtipon sa labas ng school. Habang ang mga guro ay abala sa pagtawag ng mga pangalan ng kani-kanilang mga estudyante, naisip ng limang grupo na mga babae na ito na ang tamang panahon para mas maipahiya si Carmen sa harap ng buong school. Isa sa mga babae, tiningnan kung nasaan si Carmen, dahil magkakatabi ang mga babae at sa kinasamaang palad ay nandun din si Carmen, nginitian niya ito, ngiting aso. Si Carmen naman ay walang kamalay-malay at panay ang tingin sa guro dahil gusto na niyang isumbong ang mga pinagagawa sa kanya. Ang isang babae na tumingin kay Carmen ay bumulong sa mga kasamahan na katabi ni Carmen ang isang man-hole na kung saan, puno ng mga tae, putik at dumi ng mga hayop. Dali-dali namang nagplano ang lima at sa isang iglap, ang isa sa limang babae ay tumabi kay Carmen at bahagyang umusog ng kaunti. Dahil busy nga ang guro at siksikan ang mga estudyante, parang wala lang kay Carmen ang pang-uusog sa kanya. Maya-maya, noong malapit na siyang tawagin, at lumakad siya ng bahagya ay pinatid siya ng isa sa limang babae at sabay tulak sa kanya papunta sa manhole. Nagtawanan ang limang mga babae at ang mga estudyante na nakakita. Ni isa, walang tumulong sa kanya. Nang tawagin na ang pangalan ni Carmen ay sumigaw ang isa sa mga babae na, "Ma'am, nahulog po sa manhole! Ta-tanga-tanga kasi eh!" sabay tawanan. Lumapit ang guro papunta sa manhole, ganundin ang mga estudyante. At biglang nawala ang tawa ng makitang si Carmen ay hindi na gumagalaw, bali-bali ang mga buto at puro duguan ang katawan. Ang kanyang ulo ay tila na-twist ng bahagya. In short, patay na siya.
Dead -on-the-spot ng maihatid si Carmen sa hospital. Noong dumating ang mga pulis, pinaiwan ang lahat ng mga classmate ni Carmen. Ang limang mga babae ay sinabi na aksidente lang ang lahat. Nakita nila na aksidenteng napatid si Carmen at nahulog ito. Ang mga pulis, sa pag-aakalang aksidente lang talaga, ay sinarado ang kaso. Lahat ng mga tao at estudyante doon ay nag-aakalang iyon na ang huli nilang mababalitaan at maririnig si Carmen. Ngunit lahat sila ay mali.
Ilang buwan na ang nakalipas, ang mga classmates ni Carmen ay nakaka-receive sa kanilang mga emails ng "Tinulak nila ako" at kine-claim na hindi aksidente ang pagkakahulog niya sa manhole. Kundi may tumulak. Yung emails rin ay nagsasabi/nagbababala na ang mga taong may kasalanan ay mananagot sa kanilang mga gawa. Kung hindi sila aamin ay may mga consequences na mangyayari. Yung iba, ay tinuturing iyon bilang hoax ngunit ang iba naman ay hindi sigurado.
Ilang araw lang ang nakalipas ay ang isa sa mga tumulak kay Carmen ay umuwi sa kanilang bahay para magpahinga. Pagdating niya ay agad siyang pumasok sa shower ngunit hindi pa siya nakakapasok ng tuluyan ng biglang may narinig siyang tumawa ng mahina. Mukhang galing iyon sa drain. Natakot ang babae at dali-daling lumabas sa kanyang banyo. Ngunit dahil sa takot, hindi na niya naikwento ito sa kanyang mga magulang. Nang gabing iyon ay nagpaalam ito sa kanyang mama bago matulog.
Pagkalipas ng limang oras, nagising ang kanyang ina mula sa isang malakas na kalabog at sigaw. Dali-dali namang pumunta ang kanyang ina sa kwarto nung babae ngunit sa pagkadismaya niya ay wala ito. Binuksan niya ang mga kabinet ngunit wala pa rin. Hanggang sa tumawag siya sa mga pulis, at pagkadating ng mga pulis ay sinubukan nilang hanapin ang babae sa buong bahay. At ang laki ng kanilang pagtataka sapagkat wala ito sa buong bahay. Ngunit maya-maya ay may isang nakadiskubre ng katawan ng babae. Nasa isang manhole lang pala ito, malapit sa school, puno ng mga dumi at bali-bali ang mga buto, at ang kanyang mukha ay tila na-deformed.Ang nakakapagtaka ay lima silang mga babae. At alam nilang magkakaibigan ang mga ito. Nang parehas na araw ding iyon, ay natagpuang mga patay ang limang mga babae iyon na siyang tumulak kay Carmen. Sila ay namatay at natagpuang patay sa lugar na kung saan namatay at natagpuan si Carmen--parehas na parehas sa pagkamatay ng huli.
Ngunit hindi lang natapos ang malagim na trahedyang iyon. Tila lahat ng mga kaklase ni Carmen na hindi naniwala na ang pagkamatay niya ay hindi aksidente ay namatay rin, kaparehas ng pagkamatay ni Carmen at ng limang babae.
Ang sabi nila, nanatili pa ring galit si Carmen sa bawat mga taong hindi naniniwala sa kanya. Ayon sa legend, kukunin ka ni Carmen pag hindi ka naniwala sa kanya. Ang babalang kukunin ka niya ay pag narinig mo ang kanyang tawa, na tila nanggaling sa ilalim ng lupa. Pagkatapos noon ay magigising kna lang na nasa manhole ka na, puno ng dumi at nakakasulasok ang amoy, at maririnig mo muli ang kanyang tawa at manghihilakbot ka sapagkat nasa harapan mo na siya bigla-bigla at magbabago ang itsura nito. Ang itsura nito ang siya mo ring magiging itsura at isang palatandaan na papatayin ka niya. Ide-deform niya ang mukha mo, babaliin ang mga buto at wala kang magagawa kundi ang humiyaw sa sobrang sakit at tuluyang malamon ng kamatayan.
KAYA mag-ingat kayo sa kung sino ang binubully niyo. Baka si Carmen mismo ang makasagupa niyo.  

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon