13th Floor

1.5K 20 0
                                    

Sinasabi sa mga pamahiin na malas raw ang numerong trese (13) sa anumang uri ng aspeto, mapa-petsa, kaarawan, palapag ng isang gusali, at iba pang bagay, kayanaman, maraming tao ang natatakot at umiiwas numerong trese (13).

Ang mga ibang nagtataasang mga establishemento ay walang ikalabing tatlong palapag sapagkat naniniwala ang mga may-ari na magdadala ito umano na kamalasan sa kanilang mga negosyo at personal na buhay. Kayanaman, pagkatapos ng ikalabing dalawang palapag ay ikalabing apat na palapag ang itatawag dito imbis na ikalabing tatlo.
Ngunit sa isang lumang establishemento sa Paranaque City ay may ikalabing tatlong palapag. Dito nagtatrabaho si Enrico Katampalasan, isang Customer Care Representative kilala sa tawag na 'Call Center Agent.'

Si Enrico, edad 24 ay bago pa lang sa kumpanyang iyon at siya ay nag-apply sa posisyon bilang isang Call Center. Si Enrico ay nagtapos ng Nursing at nais niyang matupad ang kanyang pangarap na maging isang nurse. Habang naghihintay siya ng resulta ng board exam, ay nag-apply muna siya bilang isang Call Center Agent.
Simula ng matanggap siya sa trabaho, siya ay na-assign sa ikalabing tatlong palapag ng gusaling iyon. Tulad ng iba, para kay Enrico ay malas ang dalang dulot ng numerong trese.
Nagsimula ang paniniwala ni Enrico na malas ang numerong trese noong labing tatlong taon gulang siya. Namatay kasi ang mga magulang niya sa isang aksidente at siya lamang ang tanging nakaligtas. Friday the 13th din iyon kaya doble malas para sa kanya ang numerong trese.

Labag man sa kalooban ang pagkaka- assign sa kanya sa ikalabing tatlong palapag, ay tinanggap na lamang niya ito. Siya ay nalagay sa graveyard shift. Sa shift na yun, tanging 3 lamang silang empleyado ang nagtatrabaho. Bilang isang graveyard shifter, gising sila sa gabi at tulog sila sa umaga. Sina Abi, James, at Enrico ang magkakaramay sa ikalabing tatlong palapag.
Isang araw, wala masyadong tawag na pumapasok kaya napagpasyahan ng tatlo na magkwentuhan tungkol sa mga kababalaghan na nangyayari sa kanilang palapag.

"Tutal bago ka pa naman dito Enrico eh dapat malaman mo na may mga nagpaparamdam na mga multo dito sa 13th floor," kwento ni Abi.

"Oo nga tol, isang beses nga habang nagsasalamin ako sa CR, nakita ko talaga sa may salamin na may kamay na nakakapit sa balikat ko. Pero nung paglingon ko, wala naman." kwento ni James.

"Grabe naman pala dito. Teka, 'di ba kayo natatakot?" tanong ni Enrico.

"Nung una pero sanayan na lang yan." tugon ni James.

"Mas grabe yung naexperience ko. Nagta-type ako ng mga assignments ko ng biglang may naririnig akong nagtatawanang mga lalaki. Nakakatakot yung mga boses nila. Wala namang ibang tao noon." dagdag pa ni Abi.

"Hahahahaha... Grabe pala mga ganyang bagay. Hindi kasi ako naniniwala sa mga multo hangga't 'di ako nakakakita." Sagot ni Enrico.

Bumalik na sa trabaho ang tatlong empleyado na nagtatrabaho sa ikalabing tatlong palapag ng gusali. Wala masyadong tawag sa mga oras na iyon, Hanggang sa isang ring mula sa telepono ang narinig ni Abi.

Lalaki sa telepono: "Hello, Abi."

Abi: "Hi? Sorry Sir, We can't entertain personal calls. How did you know my name?"

Lalaki sa telepono: "Kilala kita, isa kang kabit at may asawa ka na at nagpalaglag ka ng anak mo."

Abi: "Hayop ka! Wala akong pakialam kung naka record ang pag-uusap natin. Kung wala kang magawa, wag ka ng tumawag ulit!" iyak na sagot ni Abi.

Lalaki sa telepono: "Nagpalaglag ka ng dalawang beses, may karelasyon ka kahit may asawa ka na. Hahahahaha.... siya nga pala, huling araw mo na ngayon."

Tut... tut... tut...

Hindi na nakasagot si Abi dahil ibinaba na ng caller ang telepono. Agad namang pinuntahan ni James at Enrico si Abi dahil narinig nila itong umiiyak.

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon