Mediumship

710 14 2
                                    

  Mediumship

by:  Vince Louie


Bata pa lang ako bukas na ang aking isipan sa mga bagay na di mapaliwanag.

Sobrang daming unexplained experiences na nangyari sa buhay ko. Sguro ikwekwento ko na lang sa inyo ang isa sa mga pinakarecent.

Nanood kami nang bunsong kapatid namin sa sala nang anime, pahiga o patulog tulog siya that time habang nanood.

Then suddenly may presense akong naramdaman sa gilid ko i sense na lalaki siya malaki ang katawan may kalakihan ang tiyan dad body ika nga nila.

Di na bago sa akin ang kumausap sa mga patay dahil inaaral ko ang pagiging mediumship sa gabay nang aking mga kaibigan na into paranormal.

"Ano pong maipaglilingkod ko sa inyo? Tanong ko sa kanya verbaly.

"ipanalangin mo ako" sagot niya sa isip ko.

Then naramdaman ko na nawala ang presense niya.

Dumating na mama ko, mga after 30 mins. Mangyare yun.

Kwinento niya sa akin na ang kapitbahay namin na si kuya "lando" (di niya tunay na panggalan) ay nasa hospital at makailang beses na nirevive at lumalaban dahil inaatake ito sa puso.

Bilang taong bahay di ko kilala personaly si kuya lando (di niya tunay na panggalan) tinanong ko simama kung anong feature ni kuya lando based sa lalakeng nagparamdam sken kanina.

Sinabi niya oo nagmamatch nga at ganun na ganun nga si kuya lando.
Nagising naman ang kapatid ko nang oras na yun sinabe niya kay mama na may kausap daw ako magisa.

Kwinento ko kay mama ang nangyari na yun nga may lalakeng entitiy na lumapit sa akin at humihingi nang dasal. Nung time na yun nagpadasal kami ni mama at kapatid ko sa bahay.

2 months nakaratay si mang lando matapos nang pangyayaring iyon sa kasamaang palad kinuha na den siya.
Nanaginip ako nang gabing iyon at nagpapasalamat siya sa dasal at suporta galing sa pamilya namin nung araw nang burol niya.

As much as possible di ako nagkwekwento sa iba about sa ability kung ito dahil nakakairita na gusto nilang ipatawag ko daw yung yumao nilang kamag anak. As much as possible ayaw kung aralin yun ganung part okay na ako sa ako nilalapitan nang kaluluwa pag may kailangan sila.

May mga nagungulit den na paki solve naman yung murder nang kamag anak kung namatay etc. Etc. Hindi naman sa ayaw kung tumulong or ayaw ko lang talaga may batas naman po tayo at imbestigasyon sa mga ganyang bagay. Kung magbigay man nang lead or clue then anong next? Sasabihin niyo sa pulis o korte na sabi kasi nang medium si ano daw pumatay etc. Etc. Hindi naman sila gumagamit nang ebidensya na hindi naeexplain nang science.

Sa ngayon im living a normal like just like everybody else im lucky enought na i explore pa ang knowledge ko this past few years about paranormal and stuff maswerte naman ako na nakakilala ako nang legit na paranormal expert o occultist.

Sa ngayon isa sa mga pinagkakaabalahan ko ang magshare nang knowledge about paranormal, occultismo at iba pang alam ko na maari kung i-share sa aking Group na binuo. Feel free to message me kung kung gusto po ninyo matuto nang dream interpretation, astral projection, lucid dreaming,
sharing occult practices such as witchcraft, black and light magick, LNK etc., extraterestrial, angels and demons and many more.

Salamat sa pagbabasa. Blessed be!

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon