Gusto ko lang po sanang ishare itong isa sa pinakanakakatakot na pangyayari sa buhay ko. Tawagin niyo nalang po akong Brie. 17 years old.
Nangyari po ito noong August 24 2016. 11:30 ng gabi. Solo ako noon sa bahay. Nasa ospital kasi Ate ko noon dahil nanganak siya at kailangan syang bantayan ni Mama at Papa. Nakahiga na ako sa kwarto. Pinanatili kong buhay ang mga ilaw para mabawasan ang aking takot. Inilagay ko sa aking mga tenga ang aking earphone at pinatugtog ko yung kantang "Complicated by Avril Lavigne". Nakatulog na ako. Nagising ako ng 3:20 ng madaling araw. Nalowbat pala ang aking cellphone, tumayo ako upang magcharge nang biglang may kumatok sa pinto. Nagulat ako at tinanong ko kung sino ang nakatok ngunit walang nasagot. Nakatatlong ulit ako ngunit wala talaga. Patakbo na sana ako sa taas ng biglang may kumanta ng Complicated mula sa may pinto. Boses ito ng isang batang babae. Nabitiwan ko ang Aking cellphone at tumakbo ako pataas. Nagtago ako sa kwarto ni Ate. Nagdasal ako ng "Ama Namin". Pagmulat ko, nasa harap ko ang isang batang babae at naimik sya ng "Ama namin sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo......." Nawalan na ako ng malay. Nagising ako, wala na ang bata, 8:00 na ng umaga. Naligo agad ako at sumunod na sa ospital. Diko na nagawang ikwento ang nanyare sa aking magulang.
END.
-Brie
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 2
HorrorHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events