llocos Norte

1.9K 19 0
                                    

Taon 1980 summer vocation kami at grupo ng mga teachers ay mag babakasyon sa llocos Norte. Halos napuno ang sasakyan ng Farinas Bus, masaya ang biyahe kahit itoy umabot ng halos 10 oras ng kapanahunan na yaon, may kulitan, may mga baklitas at mga 'tivolo' rin mga teachers na hind nag laladlad ng mga saya dahil sa kanilang propesyon bilang mga guro na nag sisimbolo ng morale values(kuno). Imagine sila ang mga guro sa isang kilala at pinakamahal na eskwelahan sa pook ng San Juan nooong araw. Kung wala kang datung at di kilala ang pamilya mo..no way kang makaka-in sa school na yun..ewan ko na lang kung ang standard e pareho pa rin ng dati..Anyway balik tayo sa bakasyon takutan namin. halos palubog na ang araw ng huminto ang Bus sa Batac, Ilocos Norte kung saan ay may nag hihitay sa amin na isang mini bus upang dalhin sa malawak na lupain at bahay bakasyunan ng isa sa mga guro na kapamilya ng mga Marcos.

Binagtas namin ang halos isang kilometrong daan na sakop din ng kanilang pag aari dooon ay may mga bahay na nakayo para sa mga kanilang mga tauhan na nag tra-trabaho sa tabakuhan. Sa pusod ng malawak ng lupain na ito ay matatagpuan ang malaking bahay kung saan nakatira ang ina , kaanak at ilang kasambahay ng may-ari. Katapatan nito ay may 200-300 meters ang layo ng isang burol at sa may ibaba ang kinatatayuan ng bahay bakasyunan. Malawak at maraming iba't ibang klaseng puno at mga halaman ngunit mas nakakalamang ang mga puno ng manggang nag lalakihan. Ang lahat ay nag bigay galang sa may ari ng bahay o tawag namin ay 'mam'. Si 'mam ang Dirertora ng Phili. Tobacco of the Phil. at Chairwoman ng Phil.Movie Review. Narinig namin ang mahinang pagbulong niya ng Ilocano na hindi namin na-intindihan..ng aking tanungin kung ano yung binulong ng ina ng aming kasama ang sabi niya ay" nagpapasang tabi lang sa mga hindi nakikita" Kaming lahat ay tumuloy sa isang bahay sa paanan ng burol ang bahay bakasyunan na itoy ay may anim na silid tulugan, dalawang kama at may sariling comfort room bawat isa.Ang isang ay kuwarto ay malapit sa may kusina at bandang likod pa.

Pagkatapos ng aming masaganang hapunan ang grupo ay nag kayayaan mag inuman sa mahabang balkonahe. Dito ay nakasama namin ang ibang katiwalang nakatira roon. At ito ang kanilang kwento...

Kung si "mam' ( ang ina ng may ari ng lupain) at ang kanyang staff ay wala doon ang malaking bahay at ang bahay bakayunan ay nakakabingi sa katahimikan sa hatinggabi at halos sila kung maari ay nasa kani-kanila ng mga bahay upang umiwas mapadaan sa pagitan ng dalawang bakanteng bahay na ito. Ayon sa kanila sa pag sapit ng dilim ay nakakarinig sila ng mga tikatik ng makinilya at mga tunog ng tila baga may nagbubuklat ng bawat pahina ng isang libro o gamit sa bagbabasa. Ito ay kanilang naririnig mula sa bahay bakasyunan na nasa may paanan ng burol. At sa tuwing kabilugan ng buwan din ay tila nabanaag sila na may nakaupo sa balkonahe. At minsan naman sa kabilang malaking bahay ay may sumisitsit sa bawat dumaraan sa alangin oras ng gabi at ito ay naggagaling sa malaking puno ng manggang halos katabi ng tahanan ni 'mam'.

Nakakatakot at natatawa ang iba sa amin sa kwento ito..."ngayon sana sila mag pakita' medyo senglot na yun isang kasama namin ng mag sabi siya ng ganitong kataga.. pinag sabihan ng tagaroon..kung maari sana ay iwasan niya ang medyo pag bibiro dahil andiyan lang sila sa paligid at baka pag bigyan siya nito?..palibhasa'y mga nakainum na tinawanan din namin ito..halos pasado alas dos na ng madaling araw ng kami ay nagkaisang ng pumasok sa loob ng bahay upang mag pahinga..subalit ang isang kasama namin na makulit dahil nalasing ay nag sabing'hihintayin niya yun...'bisita' o multo..matigas ang ulo..so ..hinayaan namin siya sa labas ngunit ang pintuan ay iniwan namin bukas upang siya ay makapasok kung sakaling mag bago ang kanyang isip, iniwan din namin ang ilaw sa balkonahe. Halos eksaktong alas tres ng sabay-sabay halos kami ay nagising ..kahit kamiy nakainom? dahil sa isang napakalakas na sigaw..sigaw na isinambulat sa aming mga tainga. Yung balikwas ko sa higaan sabay bukas ng ilaw sa kwarto ako ay lumabas at sa aking pag labas halos nag labasan din ang iba pa namin kasama at sabi nila ay may malakas na sigaw silang narinig..iisa lang ang na sa isip namin ...puntahan ang kasama namin sa labas. Subalit laking gulat namin ng buksan namin ang pintuan itoy nakakandado, nakasabit pa ang hatch at madilim sa balkonahe. Nang amin ng mabuksan ang pinto at i-switch on ang ilaw ay hindi nami nakita ang aming kasama. Nag kelembang ng bell ang aming kaibigan upang gisingin ang buong tauhan nila sa hacienda. Lahat ay nag hanap sa nawawala naming kasama..halos pasikat na ang araw ng makarinig kami ng boses galing sa pina tutuk ng punong mangga. Sumigaw kami ng huwag siyang kikilos at baka siya mahulog..sabi pa niya bakit siya mahuhulog? Basta huwag kang kikilos inulit namin.. at umakyat ang dalawang tauhan nila upang alalayan sa pag baba itong si baklitang kaibigan namin..sa loob ng mahigit na isang Linggo ayaw niyang iiwan siyang nag-iisa..humingi ng paumanhin at nag bigay siya ng peace offering sa mga 'misteryosong' nakapaligid sa bahay bakasyunan. At ng matapos na ang aming bakasyon bago kami sumakay sa sasakyan na mag hahatid sa amin pabalik na muli sa Manila. Si mam at iba pang katiwala nila siya ay isinigaw ang bawat pangalang namin ..muli akong nagtanong kung ano naman ang ibig sabihin niyon..sabi sa akin tinatawag ang aming mga kaluluwa or espiritu upang hindi maiwan sa lugar na yun at sumama na pauwi sa Manila. Sound weird pero yang ang kapaniwalaan..Maliban sa very spooky experienced namin we enjoyed the beauty of Ilocos Norte

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon