Hindi Naman Ako Naniniwala Tungkol Sa Mga Multo Na Yan Pero Nung 13 Years Old Ako May Nakita Ako. Nagtapon Kami Ng Basura Ng Pinsan Kong Lalaki, Dumaan Kami Sa May Eskinitang Madilim At Mabaho, Edi Pag Katapon Namin ng basura biglang Tumakbo Yung Pinsan Ko, Dumaan Siya Sa May Eskinita habang Ako Hinabol Ko Siya Kahit Na Madilim Hinabol Ko pa rin Siya Pero Napatigil Ako Kasi May Nakita Akong Isang Ulong Babae As In Ulo Lang Siya! Nakakatakot Kasi Nakatingin Saakin!Sobrang Natakot Ako, Sa Takot Ko Nakatakbo Pa Ako Sa Harap Gosh!Grabe Parang Mamamatay Ako Nun Sa Takot At Nang Ikinuwento Ko Iyon Sa Pinsan Ko Natakot Din Siya At May Sinabi Siya Na Ikinatakot Ko Kasi May Nakita Rin Siyang Katawan Lang Na Babae Na Nakasabit, So Ako Nakita Ko Yung Ulo Ng Babae at Sakanya naman ay yung Katawan Ng Babae, Grabe Sa Sobrang Takot Ko Di Na Ako Dun Dumaan...
So Ito Pa Naexperience Ko, Umuwe Kami Nun Sa Mindanao Tapos Madaling Araw Nun, Umihi Ako Nun Sa Labas Ng Bahay Kasi Wala Sa Loob Ng Bahay Yung Banyo, Habang Umiihi Ako May Nakita Akong Tumatakbo. Alam Niyo Ba Kung Anong Tumatakbo? Damit Ang Tumatakbo, Grabe Natakot Ako Nun Kase Malapit Lang Saakin Kulay White Pa Ang Damit.
So Ayun Lang Salamat Sa Pagbabasa:)
Jasmine
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 2
HorrorHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events