Guys ! If may doubt kayo umalis or prang may something habang nagdadrive ka mas okay umuwi na lang or wag tumuloy. First time nangyari samin.
Nangyari to Aug.29,2018 around 1:30 am sa startoll.
Bago umalis niyaya ko pinsan ko kung sasama. Nung una ayaw nya pa. Then napilit ko din .
Nung nasa bicutan pa tollway na kmi ( patawid papuntang toll ) muntik na kami mabangga dahil sobrang bilis ng sasakyan pa bicutan. I dont know kung hindi nya nakita kasi may sasakyan din patawid.
Then pag pasok ng slex papuntang sucat na medyo parang may iba. Iba yung hatak ng sasakyan. At medyo mabigat. Parang ganun. Kahit takbo ko sa slex 80-100 km/h parang makakaramdam ka ng 50-60 km/h lang. Tapos may pagkanginig ng sasakyan. Iniisip namin baka sa hangin . So nag stop over kami sa petron sa may sta.rosa. Checking ng hangin. Medyo ok na takbo ulit. Pero ang bigat talaga. Nagkabiruan pa kami na baka may nakasakay. Then ganun pa din 80-100km/h.
Along slex, lagi ako sa 5th lane. Sa 4th lane meron sobrang dikit na truck. Then baliwala kasi normal na sakin yun eh.
End of Slex.Welcome Star tollway na.
95-100km/hButi wala masyadong truck or kasabay na sasakyan.
Then unang petron na madadaanan medyo gitna kami medyo madilim kasi wala naman talagang ilaw dun sa daanan maliban nalang sa headlight mo.
Tulog sila lahat. (5 kami)
May napansin akong shadow. Parang tatawid or parang may sinipa.
Naisip ko na wala naman pwedeng tumawid kasi bawal at bawal naman talaga.
Edi nalagpasan ko kung san ko sya nakita. Then bigla nalang may pumutok. Tunog nya parang may lata akong nadaanan. Buti nalang wala akong kasabay or walang truck sa gilid ko ( right side ). Nagising sila lahat. Then buti alam ko yung salitang kalma at alalay sa manibela. Sabi itabi sa gilid. Pag tabi ko nasa may tulay na pala kami. Nasa KM78 kami. Balagtas Exit.So bumaba kami lahat para icheck. Ayun sira ung gulong as in punit sya.
Nagtataka kami kasi ang may problema is sa kanan sa dulo kasi kaka vulcanize lang nung monday.
(Yung nahintuan ko bangin sya kasi sinilip namin ung gilig ng tulay.)So lahat kami walang load trinay namin tumawag sa 911. Buti nalang libre sya. (Salamat) narescue kami.
May dala kami extra gulong pero hindi namin alam na punit din pala.So tinawagan ng mga security sa tollway yung towing truck. Then ok na. (Thanks AAP) Nasakay na kami. Naghanap kami ng vulcanizing shop sa Lipa batangas. (As nearest exit)
May nakita kami mga wasak na sasakyan tinuturo ni kuya jun ( yung taga AAP ) nagjojoke p na yun nalang kunin na gulong pero may ari nun is patay na. Then nakwento ng pinsan ko na may nakita akong shadow bago yung accident. Sabi dapat bumusina ako sa lahat ng tulay na madadaanan ko. Hindi kasi ako naniniwala na totoo yung ganun hanggat hindi sakin nangyayari.
Then sabi pa " kayo lang yung nirescue namin na buhay sa lugar na yun. Lahat ng naaksidente sa startoll patay. " kaya daw sila bumibusina din kapag may tulay.Habang nag aantay kami mag open yung vulcanizing shop nakaramdam akong may umaakyat sa towing. Dedma lang ako kasi pagtingin ko wala naman. Then saka sila nagkwento nakwentuhan din sila ng driver.
Then second stop ng vulcanzing shop may napansin akong babae patawid sya naka salamin then medyo matangkad na payat. Napansin ko kasi may parang galing sa towing yung babae. Feeling ko nakisabay lang sya. Nasabi ko nalang bumaba na sya wag na sya sumama then sabay sabing In Jesus Name.
After nun wala nako kakaibang napansin. Wala din bukas na vulcanazing shop along lipa to batangas port. Mas okay talaga mag antay nalang ng liwanag para bukas na sila kesa paikot ikot kayo.
Nakwento ko sakanila na may nakisabay lang siguro satin . Sabi na may nakikita yung driver na babae sa likuran nila. sabi ko nalang baka ayun ung nakita kong babae patawid na. Bumaba na sa lipa palang.
So ayun mas ok kung ichecheck nyo muna ung makina , reserba na gulong at hangin at mga pang ayos ng gulong bago umalis at bumyahe sa malayo.
Mas okay din kung madaming aberya bago umalis nakoooo ! Wag na kayo tumuloy. Premonition na malapit ka sa aksidente. So kung nagdadalawang isip kayo umalis specially gabi wag na kayo umalis.
Magbusina din sa mga tulay na madadanan natin pagbibigay galang at iwas nadin sa aksident.
PS: Yung picture yan mismo yung nangyari sa gulong namin.
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 2
HorrorHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events