Quezon City: Maligno

1.3K 17 0
                                    

Sa tuwing maaalala ko ang kwento ng aking guro noong Elementary, itago na lang natin siya sa pangalang Bb. L 'di ko maisipang matawa sapagkat halos mabaliw siya sa takot dahil sa kanyang masugid na manliligaw.

Nakatira si Bb. L sa isang subdivision sa Quezon City. Kasama niya sa bahay ang kapatid niya na isang guro din. Silang dalawa lang ng kanyang kapatid ang naninirahan sa bahay na iyon ngunit tulad ko, alam niya na hindi lang sila ang nakatira sa mumunti nilang bahay.

Isang gabi raw sa kalagitnaan ng tulog niya, mga 2:30am ng madaling araw ay may nararamdaman siya na parang may nagtatanggal sa kumot niya. Nagising si Bb. L at sa 'di inaasahang dapat makita, ay nakita niya ang isang nakakatakot na lalaking may mapupulang mata, matatalim na kuko, at mahabang dila na nakapatong sa kanya.

Sa kanyang takot, bigla na lang siyang tumili ng napakalakas at biglang naglahong parang bula ang lalaking iyon. Nagising ang kapatid niya at tinanong kung bakit siya sumigaw. Kinuwento niya sa kapatid kung ano ang nakita niya at sinabihan siya na baka binangungot lang siya.

Sa 'di inaasahang kaganapan ay naulit ang engkwentrong iyon habang nagluluto si Bb. L. Abalang abala siya sa paghahain ng kanilang ulam ng sa 'di inaasahan, napatingin siya sa may hagdanan, at sa laking gulat niya, nakita niya ulit ang lalaking iyon nakatitig sa kanya. Napadasal si Bb. L sa takot sapagkat alam niya na isa iyong maligno.

Noong araw din na iyon, nagpatawag si Bb. L ng isang pari at nagpabasbas ng bahay, baka sakaling maitaboy ang malignong iyon.

Ilang buwan din hindi nagparamdam ang maligno kay Bb. L. Hanggang sa isang araw ay inimbitahan ni Bb. L ang mga kasamahan niyang guro upang kumain sa kanilang bahay. May kung anumang kalabog daw ang narinig nila mula sa itaas na palapag ng bahay. Hindi ininda iyon ni Bb. L baka raw pusa lamang iyon. Ngunit ng may biglang kumalabog sa hagdanan, isang bola ng basketball ang bumulaga sa mga guro. Hindi alam ni Bb. L kung saan galling ang bolang iyon sapagkat wala naming bata sa bahay nila, at hindi rin sila naglalaro ng basketball.

Naisipang umakyat ni Bb. L sa itaas ng palapag baka raw may kapitbahay lamang sila na nakapasok ng bola sa bahay nila. Tama ang kutob ni Bb. L sapagkat napasok lang ang bola ng basketball sa bintana na naiwan niyang bukas kanina. Ibinalik niya sa mga bata ang bola ng basketball. Ngunit sa pagbaba niya sa hagdanan, sa 'di inaasahang sasalubong sa kanya, muling sumambulat sa kanya ang maligno.

Napatili sa takot si Bb. L at agad nagtakbuhan ang mga bisitang guro upang tignan kung ano ang nangyayari kay sa kanya. Sa kasamaang palad, tanging umiiyak na Bb. L lamang ang nadatnan nila. Nang siya'y mahimasmasan, agad niyang ikinuwento sa mga bisita ang mga nagyayaring kababalaghan sa loob ng kanyang bahay. Pinayuhan siya ng mga bisita na lumipat na nga bahay sapagkat hindi siya titigilan ng malignong iyon kapag siya ay mananatili pa sa bahay na iyon.

Dahil sa nangyari, nagkwento at naglahad din ng mga karanasan ang mga guro. Itago na lang natin siya bilang Gng. Maria. At ang kwentuhan nila ay nagpatuloy pa.

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon