Doon sa boarding house na tinutuluyan ko dati. Marami akong na experience na kababalaghan. Hind lang Ako pati na rin Yong ibang mga boarders. Yong boarding house kasi namin tatlong palapag. Sa 1st floor puro lalaki, sa 2nd floor puro babae, at sa 3rd floor bahay na ng may ari.
Sa 1st floor Kung saan Ako nag occupy May malaking bayo na may 4 toilet cubicle and 4 cubicle ng shower room.
Minsan habang naliligo Ako kasabay ko Yong 2 ko pang kasama na nangungupahan mga 5.00am kailangan gumising ng maaga kac 6am start ng PE class namin. May nakita talaga kaming pumasok sa isa sa mga toilet na babae. Kita namin yun kac Yong hitsura ng shower cubicle is cubical lang cya pero makikita mo lahat ng Tao na nandun kac katawan lang Yong natatapaktan Yong ulo kita na.
Nagtatawanan pa kami kasi madalas talaga may mga babaeng boarders na bumababa sa 1st floor para mag toilet Lalo na pag sira na naman Yong tubo ng tubig sa taas or Kung Minsan brown out kac pag brown out hind nakaka akyat Yong tubig kac hind Gagana ang motor para mag supply ng tubig sa taas. Nagtaka man kami Kung bakit Nag toilet cya dun pagkakaalam namin ok naman Yong tubo at hind brown out. Hinintay na lang namin Siya na lumabas kasi pag titripan sana namin, bibiroin baga kaso naka ilang shampoo na Ako wala pa ring lumalabas. Sabi ko pare Labas na Tayo Baka ayaw lumabas niyan kac tumae Baka nahihiya. Isa pa ma le late na Tayo. Bago pa kami lumabas pumasok na Yong 2 lalaki para maligo na rin. Sinabihan namin na May babae dun sa isa sa cubicle sa toilet Eh Yong isang Lalaki napaka Maloko pinuntahan niya Yong cubicle kinausap niya na Sabi niya miss puno na Yong iniduro oh tapos tawana . Wala pa ring sumasagot galing sa cubicle nung Tiningnan niya Yong siradura kana blue ibig sabhn nun hind naka lock kac pag naka lock Yong naka red. Tinanong niya Kung May Tao ba. Walang Sumagot Sabi niya Bubuksan niya daw Yong pintuan wala pa ting Sumagot . Binuksan na niya talaga sobrang gulat kaming Tatlo kac walang Tao, kita talaga namin na pumasok Yong babae dun. Kinilabutan talaga Ako nun.
Simula nun hind na tumigil Yong pagpaparamdam Samin. Meron Yong magigising ka sa Tahol ng aso , sa pagkakaalam ko walang aso Yong May ari pati kapitbahay kac kilala na namin halos lahat nakatira dun. Meron din Yong rinig na rinig mo talaga na parang May naglalakad na naka kadena Yong paa. Meron din Yong parang nagtatakbuhan na parang mga sasali sa karera sa sobrang bilis. Yong isang kasama ko nakakita cya ng kabayo daw impossible namang makapagsok Yong kabayo sa loob ng boarding house namin. Meron din Yong pag timingin kami sa taas sisislipin namin Kung bukas ba Yong pintuan ng May ari kasi every end of the month kami nagbabayad Meron nakadungaw na babae. Minsan din parang May batang sumisilip sa pintuan ng May ari.
Sabi ng mga kapit bahay Marami na daw silang naririnig na mga kwento galing sa ibang boarders na mas Nauna pa Samin. Minsan nga daw Yong isang boarder pag Pasok niya sa room Nila nakita Nya daw Yong kasama niya nakahiga sa deck naka talukbong ng kumot dahan pa siyang pumasok para hind na disturbo Yong kasama niyang natutulog tumalikod lang cya saglit para ilapag Yong bag niya pag lingon niya wala Yong kasama niya. Maayos na Yong kumot nakatupi.
Madalas din nakita nung nga tambay sa Labas na May nurse na pumapasok sa boarding house namin, wala namang nurse na boarder Doon at Bawal pumasok ang outsiders sa boarding house namin.
Sabi nung pinaka matanda dun Yong lugar daw Nila ay daanan daw ng mga sundalong hapon Dati. Kaya Siguro Lagi kami nakaka rinig na May nagtatakbohan
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 2
HorrorHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events