Chpater 28 and 29: Its Complicated
KYLIE’S POV
Parang kahapon lang nung nagconfess sa akin si vince. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Kagabi ko pa yun iniisip. Bakit hindi ako kinilig nung nagconfess siya? Bakit hindi ako natuwa nung nalaman kong mahal niya din ako? Ano bang nangyayari sa akin?
“bakla , balita ko yung nangyari sa inyo ni vince kahapon ahh” bungad sa akin ni gab at umupo sila ni ash sa harapan ko
“bakit parang hindi ka masaya? May problema ba bestie?” tanong ni ash
“wala , masama lang yung pakiramdam ko” pagsisinungaling ko
“so nililigawan ka na niya?” tanong ni gab pero umiling ako
“bakit? Akala ko ba labs mo siya? Anyare?” pagtatakang tanong ni gab
“hindi ko alam” walang gana kong sagot
“I think may narealize ka na” then nginitian nila ako ng nakakaloko but I just gave them a death glare
“mahal ko naman siya, baka ano hmm nagulat lang ako sa mga pangyayari” sabi ko
“mahal mo siya? Bakit may naramdaman ka bang tuwa or kilig nung sinabi niyang mahal ka niya?” tanong ni ash pero nagkibit balikat lang ako at saktong dumating na si mam.
Habang nagtuturo si mam, nakita kong nagtaas ng kamay si sixto kahit wala naming tinatanong si mam. Ano siya lalabas? Or may gagawing importante?
“mam pwede po bang magpalipat ng upuan?” tanong ni sixto na mas kinagulat ko. Bakit lilipat siya ng upuan? Ayaw niya na ba akong katabi?
“sige mr Cervantes , dun ka na lang sa isang vacant seat” sabi ni mam. Aish ako mawawalan ng katabi neto. Hindi ko namamalayan na hinahatak ko na pala si sixto paupo.
“bakit ka nagpapalipat? Naiinis ka na rin ba sakin?” pabulong kong tanong. Nakita kong nagkunot noo siya sa akin at ibinalik ang pansin sa inaayos na gamit niya
“minsan sa sobrang pagbubulag-bulagan mo sa pagibig, hindi ka na marunong magappreciate sa mga bagay na nakapalibot sayo” sabi niya at tuluyang umalis at lumipat ng upuan
Bakit siya ganun? Akala ko idadahilan niya is… KASI GWAPO AKO…. PARA MAMISS MO AKO….PARA MAREALIZE MO NA MAHAL MO NA AKO… yung mga pagmamayabang na dahilan.
Pero ang seryoso ng sagot niya. Ano bang nangyayari sa kanya? hayys bakit ba ako nagkakaganito. Hindi ko alam kung nilalayuan niya ba ako o nagpapamiss lang siya. Naaalala ko tuloy yung mga asaran namin. Yung tatawagin niya akong babe. Yung sinasabay niya ako magrecess pero ngayon wala na.
“bakit kaya siya lumipat?” bulong ko sa sarili ko at nagulat ako ng makita ko sa tabi ko si gab
“ateng isa na yan” then gab wiggled his eyebrows
“ano?” pagtataka kong tanong
“ano ba yan! Bakit ba lagi kang nagbubulagbulagan sa mga nangyayari. Try mo ngang isipin bakit ka niya nilalayuan?” tanong ni gab
“kasi naiinis na siya sa akin..” sagot ko pero halatang naiirita na si gab sa akin
“pwede ba kylie , try mong alisin saglit si vince sa isip at puso mo then ipalit mo si sixto” paguutos sa akin ni gab
“ay tehh bakit ko gagawin yun?” pagtatanong ko
“malay mo , Makita mo yung halaga ni sixto sa buhay mo” natahimik ako sa sinabi ni gab at hindi na lang umimik
BINABASA MO ANG
Destiny's Game
Teen FictionDestiny? lahat tayo meron niyan. But what if pinaglalaruan lang pala kayo ng tadhana? Na yung akala mong FOREVER ay isang GAME lang pala ni tadhana? Paano kung maging complicated ang buhay niya because of love? Mapipili niya kaya yung tamang lalaki...
